KABANATA 19

345 13 0
                                    

Kabanata 19

Busy

Isang linggo na ang nakakalipas at ngayon ay balik-eskwela na ulit kami. Sa unang araw nang pagpasok namin ngayong taon ay sinalubong agad kami ng maraming school works, reporting, at thesis defense. Buong month ng January ay mas magiging busy pa kami at mas triple pa sa nakaraang taon.

"What time are you free?" tanong ni Theseus.

Inihatid niya kase ako, siya naman ay mamayang tanghali pa ang pasok niya. Kaya naman babalik siya ulit sa condo niya pagkahatid sa akin.

"Ewan ko lang. Message na lang kita, hindi pa ako sure eh." tumango ito.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko bago lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi

"Bye!" hinalikan rin ako nito sa pisngi at ngumiti.

"See you later." tipid na kumaway nang makababa na ako

Kumaway ako pabalik. "See yah!" sabay flying kiss dito.

Natawa ito at umarteng sinalo kaya naman ay malapad akong napangiti. Sumasabay na talaga siya sa kalokohan ko. Well, hindi naman kalokohan yung flying kiss ko. Harot time hihi.

"Beh, grabe may pa-flying kiss pa kayong nalalaman." nakangiwing sabi ni Christine.

Natawa lang ako.

"You nga laflaf eh!" singit ni Vera.

Napahagalpak naman si Christine. "Shuta ka beh, anong laflaf? Saan mo narinig yan?"

"From you kaya, duh!"

Napatakip naman ng tenga si Christine. "Tigilan mo ko sa kaartehan mo, ang aga-aga!" reklamo nito.

"You ren kaya! You're so maarte!" irap nito.

"Shatap!" sabay kumpas.

Ang inis na si Vera ay natawa maging kaming dalawa ni Christine. Magkahawak kamay kaming tatlo, si Christine sa gitna kami naman ay sa dalawang gilid nito.

Nang hindi pa oras ng klase ay nagkwentuhan muna kami. At napunta ang usapan namin sa mga school works.

Matatapos na rin kase ang 1st sem, mabuti na lang ay may 1 week break kami sa february bago kami magsimula ng 2nd sem. Inasikaso na agad namin ang mga kaya namin gawin upang hindi kami matambakan. Sa tuwing isinasantabi kase namin ang mga gawain ay hindi ito nagagawa agad kaya naman mas mahirap dahilsa pagmamadali. Isa pa ay mas mabuti kung matapos mo agad, para naman masulit mo yung sobrang oras kaysa naman yung uubusin mo muna yung oras dahil hindi pa pasahan. Kaming dalawa ni Vera ay masipag pagdating sa mga ganito dahil ayaw namin nang naghahabol ng oras, pero iba si Christine. Hindi pa rin siya nadadala hanggang ngayon. Mayroon kasi siyang sariling kasabihan sa time is gold.

'Sulitin ang kasiyahan bago ang kamiserablehan.'

Ito ang ibig sabihin niya sa time is gold. Ilang beses namin sa kanya ipinaliwanag na mas magandang unahin ang mga school works pero wala raw pumapasok sa utak niya kapag matagal pa ang deadline.

"I told you, Christine. You should gawa your school works first before doing anything!" saway ni Vera.

"Eh, nakakabobo nga. Mas maganda pag malapit na deadline."

"What?! I can't believe you!" umirap ito.

"You can't believe talaga." sabay ngisi.

Nanahimik na lang si Vera at nanatiling tikom ang bibig dahil sa inis.

Humarap ako kay Christine. "You should do your school works first, Christine. Mas mahirap kung malapit na yung deadline saka kagagawa." malumanay kong sabi.

Behind Her Innocence [COMPLETED]Where stories live. Discover now