Chapter 1: Ang poging soulmate ni Louise (SAMPLE CHAPTER)

64.1K 886 101
                                    

Chapter 1

"Knight In Shining Armor"

KINAKABAHAN si Louise habang naglalakad sa eskinita na tinatahak niya. Balita kasi sa lugar nila na may gumagalang magnanakaw doon at hindi lang daw basta nagnanakaw ang gumagalang wanted doon dahil isa rin daw itong killer.

Ginabi na siya ng uwi dahil may ginawa silang mga activities sa School. Halos mag-a-alas-dose na nang gabi. Noon ay kahit ganoong oras ay maraming tao sa paligid. Pero simula no'ng mapabalita na may killer sa lugar nila ay alas-nuwebe pa lang ng gabi ay nagkakandado na ng bahay ang mga tao roon.

Takot nang lumabas ang mga ito kaya wala na ring pumapasadang trycicle. Bumilis ang lakad niya nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Natakot siya nang may naanigan siyang isang anino. Lingon-lakad siya at unti-unti na ngang tumakbo nang makita niya na may isa ngang lalaking naka-bonnet ang humahabol sa kanya! Sa kakatingin niya sa likuran niya ay nagulat siya nang bumungad na sa harapan niya ang lalaking tinatakbuhan niya sa harapan niya kanina at bigla na lang siyang hinila pasandal sa pader.

"Ahhhhh!!! Tulong!!! Mga kapitbahay!" pagtitili ni Louise.

Halos mabingi at mabasag naman ang ear drums ng magnanakaw sa tinis ng boses niya. "Ibigay mo sa akin ang bag mo!" Saka nito hinila sa kanya ang hawak niya. Lalo lang siyang nagtitili nang halos dumikit sa dibdib niya ang nakakadiring kamay nito sa kagustuhan nitong makuha ang bag. "Eekkkkkk!!!! Huwag mo akong hawakan! Manyak ka!" Diring-diri na pinaghahampas niya ng bag ang magnanakaw. "Arayyy! Walang'ya kang babae ka!" pikon na pagsigaw din ng magnanakaw pero nangingibabaw pa rin ang bunganga niya. Sa inis ng magnanakaw ay kinuha nito ang patalim sa bulsa nito at tinutok iyon bigla sa kanya.

Napaatras siya at natahimik bigla pero umiral na naman ang matabil na bunganga kaya nagsalita na naman siya. "Parang awa mo na! Kung papatayin mo ako—Saksakin mo na lahat sa akin huwag lang 'tong mukha ko! Ayaw kong mamatay ng pangit!" nahihintakutang sabi niya na mas inisip pa talaga ang mukha. "Sorry, babaeng amasona. Wala kasi akong awa sa mga taong gwapo at maganda eh. Alam mo ba na iniwan ako ng maganda kong girlfriend dahil sumama siya sa gwapong lalaki? Kaya dapat sa mga babaeng may magagandang mukha na katulad mo ay sinisira!" Unti-unting ngumisi ang lalaki na parang isang baliw. Nakaramdam na siya ng takot. Parang nawala bigla sa katinuan nito ang magnanakaw! "Huwwwaggggg!!!! Tulonnngggggg!!!"

Pumailanlang sa lugar na iyon ang matinis na sigaw niya. Wala nang nagawa ang tapang niya ng akmang sasaksakin na siya ng magnanakaw. Kasabay din niyon ay ang pag-alulong ng mga aso sa buong eskinita na iyon. At paglakas ng ihip ng hangin na para bang biglang nagpatindig ng balahibo niya.

"Arrayyy!" Biglang may tumama sa ulo ng magnanakaw kaya napaigik ito. "Huwag mong isisi sa ibang tao na iniwan ka ng girlfriend mo dahil hindi ka magandang lalaki. Hindi lahat ng tao ay tumitingin sa panlabas na anyo. Anuman ang anyo mo ay hindi ka niya iiwan kung isa kang mabuting tao. Pero sa ginagawa mo ngayon ay pinatunayan mo lang na karapat-dapat kang iwan."

Bigla silang nakarinig ng isang tinig. Pero ang tinig na iyon ay para bang echo lamang mula sa malayo. Para pa ngang galing sa ilalim ng lupa. Hinanap ng mata nila ang pinanggalingan ng boses sa madilim na lugar na iyon.

At nasinag ang mata niya nang biglang magliwanag ang isang posteng naroon na kanina ay nakapatay. Doon nakatayo ang lalaking nagbato ng bato sa magnanakaw at kinatatayuan din ng marahil ay siyang pinanggagalingan ng boses. Against the light kaya hindi niya makita ng maayos ang mukha ng lalaki pero nang lumapit ito ng kaunti ay luminaw na sa paningin niya ang napakagwapong mukha ng lalaking nakangiti sa kanya. Matangkad at malaki ang katawan ng lalaki. Malakas ang sex appeal nito kahit pa na simpleng black t-shirt na pinatungan lang ng jacket na maong ang suot nito. Mapilantik din ang mga mata nito na parang nangungusap at puno ng buhay. Singkit din ang mga mata na iyon na bumabagay sa kulay nitong napakaputi na parang sa labanos. Matangos ang ilong nito at bahagyang natatakpan ng bangs ang noo nito. Kissable rin ang lips ng lalaki na may malalim na dimple sa pisngi nito.

13. After LifeWhere stories live. Discover now