Page 5: Our Pages

27 11 0
                                    



The 17-years-old Trese...



"Good morning Pres!"

"Ang aga-aga Cash ha!" Saway ko sa kanya.

"What did I do?!" Nagugulat na tanong niya, nagpapaka-inosente.

"Uy andiyan na si Pres oh!" Sigaw din ng iba naming mga ka-klase.

Narinig ko naman ang tawa ni Cash sa tabi ko kaya lalo tuloy akong naiinis. Kasalanan niya ito eh.

"Good morning po Pres!" Halos sabay saby na bati ng mga kaklase ko.

Akala ko hindi na mauulit ang pagiging officer ko noong junior high dahil nakakapagod pala siya. Totoo nakaka-enjoy pero kung tatanungin ako kung uulit ba ako? Malamang malaking HINDI ang sagot ko.

Masaya pa ako kahapon kasi first day of school at senior high na ako eh, tanggap ko na rin na kasama ko sa strand ang scam na si Cash.

Ever since malaman ko na anak siya ng bestfriend ni Dad at nakasama ko siya sa SSC, we became friends it is a sudden friendship.

Maasahan si Cash kaso ang hilig niya akong ilaglag at pag-tripan!

Kaso–jusko kung pwede ko lang murahin si Cash at isumpa hanggang panaginip ko nagawa ko na!

Sinamahan ko lang si Alaska papuntang canteen kasi dinaanan niya ako mula sa ABM building, pagbalik ko, pisting yawa ako na ang President ng klase!

"Magsi-upo na kayo para ma-announce ko na ang schedule ng klase natin!" Masunurin at nagsi-upo naman ang mga ka-klase ko.

Tiningnan ko ang mga mukha nila at mukhang seryoso naman silang nakikinig sa akin, malayo sa mga naging ka-klase namin ni Gabo noong grade 10 kami. Sana ngayon maging maayos ang relasyon ko sa kanila. Marami sa kanila ay galing sa ibang school

Isa pa naman sa naging bilin sa akin ni Gabo bago kami maghiwalay kahapon ay 'maging friendly ka ha!'

"Vacant tayo tuwing Wednesday ng 1-2 pm at half day lang tayo tuwing Friday." Nakita ko ang tuwang tuwang mga mukha nila at habang inaanounce ko ang schedule namin.

"Yes!" Kanya kanya nilang sigaw.

"Pero ngayong sem sabay natin ite-take ang general chemistry, pre-cal 1 at practical research 1." Hindi ko mapigilan matawa dahil sa biglaang pagbabago ng mood nila at pagtahimik ng buong klase.

"Si Pres ang panget mag-joke." Komento ng isang kong kaklase.

Nagulat naman ako at tumuro sa sarili ko.

"Mukha ba akong mahilig mag-joke?" Para na silang pinagbagsakan ng langit at lupa at kahit si Cash pagtingin ko sa kanya tulala siya.

"Nabudol ako sabi nila masaya mag-STEM!" Sigaw ng isa kong kaklase.

"May math tayo?! Ang sabi nila ABM lang ang may math!"

"Pangarap kong mag-doctor kaya ako nandito, pero mukhang mas willing na ako maging pasyente."

"Itutuloy ko na ang plano ko maging criminal na lang."

"Wala man lang pasakalye? O di kaya dry run? Isang biglaan talaga?!"

Ilan lang yan sa mga naging reklamo ng mga kaklase ko, second day pa lang ng class namin ganito na sila paano pa kaya kapag nasa kalagitnaan na kami?

"May sa grim reaper ka pres ano?" Nakaturo pa sa akin ang isa kong ka-klase.

How to be in the Same Page With YouWhere stories live. Discover now