Chapter 1

23 1 0
                                    

tw: suicide

"Congratulations!"

Lumaki ang ngiti ko dahil sa pagsalubong ng aking teacher at mga kasama sa ballerina club. Kakatapos lang ng competition namin dito sa Tanghalang Francisco Balagtas.

"Thank you so much!" napatalon ako sa tuwa at niyakap silang lahat. Hindi ko magagawa ito kung hindi rin dahil sa kanila.

"Ang galing mo ate, lalo na nung umikot ka." sabi ni Coleen habang hawak ang kamay ko.

Umupo ako sa harap niya para pantayan ang kanyang height. 8 years old palang si Coleen. Lagi siya nakadikit sa akin kaya madalas na siya ang kasama ko lagi sa tuwing nag papractice ako. Para na rin tuloy ako nagkaroon ng nakakabatang kapatid dahil sa madalas namin pagsasama.

"Ikaw ang inspiration ko ate. Gusto ko pag lumaki ako maging kagaya kita!" tuwang tuwa niyang sinabi sa akin.

"Maraming salamat pero magaling ka na eh. Baka hindi rin magtagal ay maungusan mo ako."

Ngumiti siya ng kaunti pero nanatili ang kanyang saya at liwanag sa mata. Totoo ang sinabi ko tungkol sa kanyang talento. Magaling na bata si Coleen para sa taong walong gulang pa lang.

Ang mga kasing edad niya ay nahihirapan sa mga steps na tinuturo para sa kanilang edad pero minamani niya lang ito at mabilis makabisado. Kuhang kuha niya agad kung ano ang gusto makitang emotion ng teacher namin sa bawat pag galaw ng kanyang paa.

May mga talento na hinuhubog para gumaling at may mga talento rin na inborn na sayo. Para kay coleen siya ay sa latter part. Hindi niya na kailangan mag ensayo dahil magaling na agad siya.

Tuwing kaming dalawa ang naiiwan sa practice room. Napapatingin ako sa kanya dahil napapakita niya talaga ang emotion sa kantang sinasayaw niya.

Kaya mas lalo akong ginaganahan mag ensayo dahil sa mga katulad niya. Lagi ko naaalala na kailangan ko galingan dahil may mga mas magagaling pa sa akin.

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik. "Goodluck sa States ate! Alam ko kakayanin mo rin doon."

"Salamat. Ikaw, alagaan mo sarili mo habang wala ako ah. Yung pangako natin sa isa't isa. Tandaan mo."

Hindi rin kami nagtagal at pumunta na sa backstage kung saan nandon naman sila papa at mama nag hihintay.

"Pa, Ma!" Tinaas ko ang aking kamay para makuha ko ang kanilang atensyon. Lumapit agad sila sa akin at niyakap ako.

"I'm so proud of you my baby!" Naiiyak na sabi ni Mama.

"Ma, naluluha na rin ako wag kayo ganyan!" Biro ko sa kanya. Mahigpit ko niyakap si Mama.

"Sobrang proud kami ng papa mo sa iyo." Lumapit si Papa at niyakap rin ako.

Naluluha akong ngumiti sa kanila. "Thank you po Pa.. Ma.."

Ganito naman talaga ang gusto ko mangyari. Yung maging proud sila sa akin kung saan ako masaya.

Masaya ako sa pagsasayaw. Tuwing sumasayaw ako sa stage hindi ko ma explain kung gaano ako kasaya at nandoon sa akin ang kagustuhan na ipahatid ang message ng kanta.

Nagpaalam na ako at para makapagpalit na. Magkikita na lang kami sa restaurant hindi kalayuan dito. Nakapag pa reserve na rin naman kami kaya hindi ganon nagmamadali.

Habang nag aayos ako kinuha ko ang isang libro sa aking bag...

Ang tulisang prinsesa

AnemoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon