Ang ikaunang Serye. "Hindi ko na gugustuhin mabuhay kung ganito ang ibibigay niyo sa akin!" Hindi akalain ni Riyana na magtatapos sa isang iglap ang kanyang perpektong buhay nung nawalan siya ng abilidad na maglakad. Nakita niya na lang ang sarili sa isang wheelchair dahil hindi na siya makalakad noong nasagasaan siya sa pagsagip ng isang matanda. Importante kay Riyana ang kanyang paa dahil siya ay isang ballerina kung aalisin sa kanya ang kakayahan makapaglakad ay para na rin siyang namatay. Napagdesisyonan ni Riyana na tumalon at nagising siya sa hindi pangkaraniwang lugar siya ay nakasuot ng magarbong baro, may korana, palamuti, at tinatawag din siya sa ngalang Prinsesa Astraea. Samahan si Riyana paano lutasin ang sikreto kung paano siya napunta sa mundo kung saan ang korona, prinsipe, kabalyero ay mistulang katang isip sa totoong mundo.