Pang lima

111 8 4
                                    

Isang linggo narin ang nakalipas. Maayos na ang katawan ko at nagagawa ko na yung mga gusto kong gawin.


Ngayong linggo ay halos ang inatupag ko ay ang sumama sa mga shows nila Precious. Yung restaurant ko ay pinapa takbo muna ni Dave. Nag sabi kasi siya na gusto niya daw muna ihandle yung restaurant at pwede ko daw muna gawin yung mga gusto sa loob ng linggong ito.


Isang linggo palang ang nakalipas nang malapitan ko ang Divine Divas pero mukha ko na silang matagal na kaibigan. Hilig nila akong yakapin, asarin at pakiligin. Ang pinaka close ko ay si Brigiding kahit na sabihin ko na ka close ko silang tatlo nahahalata kasi talaga nung dalawa na para talagang mas close ko si Brigiding.


Pero kahit na kaibigan ko na sila bumibili parin ako ng ticket nila kasi kung papasukin lang nila ako ng walang bayad ay pwedeng silang malugi. Ilang beses na nilang sinubukan na pilitin ako na huwag nang bumili ng ticket pero bumibili parin ako.


Biyernes na at sinama nanaman nila ako sa show nila. Ang kasabay ko ay si Precious sinundo niya ako sa bahay para hindi na daw ako mag drive. Nakakagulat din tong taong 'to dahil bigla bigla na lang dumadating. Halos ngayong linggo siya na talaga ang kasabay ko papunta ng show nila.


Gusto ko man makasama namin si Brigiding at si Vinas papunta ng show pero hindi niya ito sinusundo. Gusto niya daw kasi na ako lang ang kasama niya. Sasabihin ko na ang totoo ng masabi niya yun ay para ba akong sasabog sa kilig. Wag ka ngang ganyan precious mas nahuhulog ako sayo ano ba!!


Bubuksan ko na sana ang pintuan sa likod ng sasakyan niya kaso naka lock ito. Kumatok ako sa bintana at lumabas siya. "Dito ka sa harap. May mga gamit ako diyan." Saad niya at pumasok muli sa loob. Huminga na lang ako ng malalim at binuksan ang pintuan sa harap. Pumasok ako at ngumiti naman siya.


"Very good kala ko mag pupumilit ka pa. Bakit kasi gusto mong nasa likod ka? Ayaw mo ba akong katabi?" Pang aasar niya. Inirapan ko naman siya at tumingin na lang ako sa gilid ko. "Joke lang naman eto tampo agad. Sorry na po, baka mamaya kasi lapitan mo nanaman si Brigiding tapos yayakapin mo nanaman. Ayaw mo ba akong kayakap?" Saad niya at hinawakan ang kamay ko.


"Tumigil ka nga Precious. Halika na at mag mamakeup ka pa." Tumawa naman siya at umalis na kami.


---


Mabilis lang ang byahe dahil wala namang traffic kaya nakadating agad kami kung saan gaganapin yung show.


Bumaba na ako at tinulungan si Precious sa mga gamit niya nung una ayaw niya pang mag patulong dahil mabigat daw kaso nag pumilit ako kaya pumayag na siya.


Pinabuhat niya saakin yung mga magagaan lang at sakanya naman yung mabibigat. Pumasok na kami at pumunta sa backstage para makapag start na siya sa pag hahanda. Pag dating namin sa backstage na kita ko agad si Brigiding. Pupunta na dapat ako sakanya nang bigla akong pinigilan ni Precious. "Hoy saan ka pupunta?" Saad niya tumingin naman ako sakanya at tinuro si Brigiding.


"Hindi pwede dito ka lang. Umupo ka dito sa tabi ko." Saad niya habang papa upo sa upuan at mag sisimula na sa pag mamakeup. Umupo na lang ako sa tabi niya dahil wala naman akong magawa pag siya ng ang pumigil sakin. Tumigil na din ako dahil alam ko naman na lalapit din saamin si Brigiding.

Mahal Kita BeksmanWhere stories live. Discover now