Prologue

11 2 1
                                    

{Hello, yes, this is Sai}

Mag aala-una na ng gabi nang may tumawag sa'kin gamit ang hindi ko mapamilyarang number. Kakatapos ko lang ayusin mga plates kong ipapasa para bukas kasi naghahabol ako, diyan naman ako magaling. Charot.

Finals na namin next week kaya hindi ko pinag-next week pa ang deadlines niyong mga 'to kasi for sure, magchi-chill chill lang kami ng mga kaibigan ko pagkatapos magtake ng finals. Hindi ko rin alam, 2nd year archi student na ako pero parang balewala lang sa'kin kung ano mang makuha ko grado. Ang importante, wala akong bagsak. Huh, gets niyo ba?

{I got your number from Matteo's phonebook, wala kasi ata siyang load kaya dito kita tinawagan. I'm Sheryl, blockmate ni Matt, he's pretty drunk and hindi namin alam yung condo niya, kaya pwede mo bang masundo or kahit one of his friends na kilala mo?}

Tanginang 'to, inutusan pa ako. Napaka-lasengo ng kaibigan ko kaya hindi na ako nagugulat kapag may tumatawag ng ganitong oras. Agad akong nagsuot ng hoodie at nagsuot ng sneakers habang ipit ang phone ko sa tenga at balikat.

{Okay, papunta na ako, paki-send nalang ng loc ng bar. Pakisabi kay Matteo hindi na siya makakakita ng liwanag kapag nakita ko siyang nakahilata diyan, ha. Thanks.}

Inayos ko saglit ang mga gamit ko at kinuha ang aking bag at saka nagdere-deretso akong lumabas ng kwarto at kinuha ang car keys. Wala na talagang piniling lugar para mag-inom kaibigan ko, shutangina, nasa xylo ba naman sila e akala ko ba wala 'tong pera? Nagpapalibre ako sakaniya ng mangga kahapon tapos ang sabi ba naman, "Wala akong pera, hindi pa nagpapadala si mommy", naknampucha, ano nanaman kaya niraket neto.

Habang naglalakad sa parking lot, agad kong tinawagan isa naming kaibigan na si Rhad, alam kong may rounds siya pero last shift naman na siguro niya 'yon.

{Pre naman, tawag ka nang tawag, nakikipaglandian ako dito.}
{Bukas ka na lumandi, 'yung kaibigan mong si Matt, ayon shenglot sa xylo. Dalian mo, dadaanan kita sa labas ng hospital niyo.}

Binaba ko kaagad at nagsimula nang magmaneho. Hindi pa ba ako nagpapakilala? Ako 'to si natoy, hala charot. I'm Sailene Zaela Guttierez, 19 years old and 2nd-year architect student ng Adamson. Hindi ako mayaman, hindi rin ako mahirap, sapat lang para magpa-blotter ng mga epal sa mundo. De joke lang, ang sama ko naman.

Sina Matteo, Rhad, Kailene, Cobie at Jayden ang mga friends ko. Hindi ko alam nasaan yung tatlo pero ang alam ko, either nagaaral sila for finals, or lumalandi.

Nasa carpark na ako ng hospital, at hinihintay na magsign-out si Rhad. Pagkapasok niya sa kotse, umalingasaw agad ang pang-babaeng pabango.

"Putangina naman, Rhad. Sabing 'wag papasok ng kotse na amoy bakla," tumingan siya agad saakin na para bang naoffend siya sa sinabi ko. Eh totoo naman kasi, kung hindi sa babae o pagaaral inaatupag niya, pati rin ata bakla pinatulan na.

"Hoy, excuse you, VS ang pabango niya," hindi ko na siya pinansin ang nagpadausdos na ng maneho, nang makita ang xylo agad ako naghanap ng pwede pagparking-an na malapit. Hinubad ko ang hoodie at naglugay, mahirap na baka mamaya may pogi.

"Ayan, ako pinapagalitan mo na malandi, ikaw din pala 'tong umaawra," tinignan ko lang siya at bumaba. Pagkapasok na pagkapasok sa bar, hindi ko masinagan ng maayos ang mga tao dahil sa paiba ibang kulay ng ilaw, pati na rin sa mga usok na nanggagaling sa smoking area, dumagdag pa ang mga taong naglalaplapan sa gilid. Hinanap ko agad ang table number na sinabi ni Sheryl at hindi ko na namalayan si Rhad kung nasaan.

"Matt, gising, andito na si Sai!," nakatayo ako sa harap ng kaibigan kong tigok na ata, kung hindi ko pa sinipa yung kanan niyang paa hindi siya tatayo sa pagkakaupo. Tinignan ko siya head-to-toe kasi, puta, 'di ba may shift pa to bukas ng umaga? Bakit andito 'to at nagwawalwal?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SagadaWhere stories live. Discover now