36

106 7 6
                                    

Coreen

Kaagad akong dumating sa meeting place namin ni Lia. Dito sa park kung saan kaunti lang ang pumupunta. Ewan ko nga kung bakit kaunti lang ang pumupunta dito eh ang ganda naman ng atmosphere. Napakabagay para sa mga magkarelasyon na gusto lang ng katahimikan.

Naramdaman ko ang presensya sa tabi ko. Napangiti naman ako agad.

"Mahal," Unti-unti namang sumigla ang mukha niya.

"Hi," Maikli niyang sagot. Pinagmasdan kong mabuti ang mga mata niya. Biglang sumakit ang puso ko nang makita kong parang pagod na pagod ang mga ito.

"Okay ka lang ba, mahal?" Ngumiti siya ng dahan dahan saka hinawakan ang kamay ko.

"I'm okay. I'm always better when I'm with you," Bumuntong-hininga siya bago bumaling ulit sa akin. "Adam and Nat knows about us." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"P-paanong. . ."

"Apparently, Nat saw us one day na magkasama and being intimate with each other. She's also the one who told Adam about our relationship," Parang nabuo ang puzzle sa utak ko. Kaya pala naglasing si Nat noong gabing iyon. At siguro matagal niya ding alam kaya niya ako kinaibigan.

"Lia, ako ang taong laging kasama ni Nat. Gusto ko sanang sabihin sayo pero ayaw kong may magbago satin kapag nalaman mo iyon. Tsa—"

"I knew. Sinabi niya din sa akin noong umuwi siyang lasing. She was with you right? I'm sorry it has to be like this. We were so happy yet ako lang pala ang sisira nito." Tumawa siya ng pagak.

"Hindi, wala namang nasira eh. Nandito pa din tayo magkasamang dalawa. G-gusto mo bang bigyan muna kita ng space? Para maasikaso mo na din yung aasikasuhin mo. Okay lang naman sakin, promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

Matagal siyang hindi sumagot. Saka humarap sa akin.

(Illicit Affairs by Taylor Swift playing . . .)

"You know that I love you right? You're the best thing that happened to me. Kung pupwede nga lang iiwan ko na lahat dito eh. I would runaway with you. Wherever our feet may lead us, kung nasaan ka andoon din ako. Kaso lang, kahit anong gawin natin, everything is just not in it's right place. My broken marriage, my daughter who hates me, my parents na hanggang ngayon hawak pa din ako sa leeg. I— I can't risk it, I'm sorry." Tumulo ang luha niya habang nagsasalita habang ako? Nakatulala lang. Parang tanga habang nakikinig sakanya.

"G-ganito na lang iyon? Iiwan mo na lang ako? A-ang daya naman, Lia eh. Handa naman akong maghintay hanggang sa maging okay na ang lahat. Hanggang sa maging okay na tayo. Hindi naman ako naghangad ng bagay na hindi mo kayang ibigay. Kahit patago, kahit sikreto sabi ko okay naman diba? B-bakit ganito?" Kahit sa anong paraan gusto kong mabago ang isip ni Lia. Kahit ano gagawin ko pero pagharap niya tila hindi na siya ang Lia na minahal ko.

"Don't you get it, Coreen? They can make your life a living hell if hindi natin tatapusin ito! Even Lulu's life would be miserable. Gusto mo ba iyon? I'm doing this for you, don't you understand?!" Hinablot ko ang kamay niya at linapit sa bibig ko.

"Hindi mo na ba ako mahal?" Biglang lumambot ang tingin niya sa akin. Yan na! Nabago ko na ang isip niya.

"I love you so damn much, Coreen." Ngumiti ako. "But this? This can't be. I'm sorry." Bulong niya pero sapat para marinig ko. Parang bumagsak ang buong mundo ko. So eto na yun? Dito lang kami matatapos?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love That Hurts  (Love Series 1)Where stories live. Discover now