Chapter 16

1.6K 30 1
                                    

"Anak!" Sambit ng aking ina nang bumitaw ako mula sa yakap nito dahil sa tumayo ako at mabilis na sinugod si Miguel.

"Papatayin kita! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo kay mama!" Paulit-ulit kong hinahampas nang nakakuyom kong palad si Miguel na sinasalo naman ngunit parang wala lang ang mga suntok at sampal ko rito. "Agh!" Hiyaw ko nang kapitan nito nang bigla at mahigpit ang bunbunan ko.

"Hindi mo ako kaya! Hindi niyo ako kaya!" Tinutok ni Miguel ang hawak niyang baril sa lalamunan ko habang nakatingala ako at hawak nito ang bunbunan ko. "Sa wakas Megan, nagkita na rin ulit tayo..." Nakangising sambit nito at dilaan ang gilid ng mukha ko kaya tinulak ko ito pero hindi man lang ito natinag.

"Hayop ka!" Nagawa ko itong sampalin dahil sa pandidiring nararamdaman ko rito.

"Talagang ayaw mo sa 'kin?!"

"Aghh!" Napabaling ako sa kaliwa matapos akong sampalin ni Miguel at halos matumba ako sa lakas nang pagkakasampal nito. Agad akong kinapitan ng dalawang tauhan niya sa magkabilang braso.

"Megan! Anak!" Natatarantang sambit ng aking ina na kumakapa sa paligid.

"Anong plano mo sa kanila Miguel? Tayo-tayo lang naman ang nakakaalam na buhay 'yang si Megan, at itong si Stella," humakbang si Violet palapit sa aking ina na nasa sahig at nangangapa para hanapin ako. "Tutuluyan na rin ba natin siya?"

"Agh!" Sigaw na daing ng aking ina nang tapakan ni Violet ang kamay nito at hawakan sa buhok.

"Bitawan mo si Mama!" Pakiusap ko kay Violet.

"Ako na lang ang pahirapan at patayin niyo, 'wag na ang anak ko..." Lumuluhang turan ng aking ina.

"Mag-ina nga kayong dalawa, parehong handang magsakripisyo." Sarkastikong sambit ni Violet. "Binigyan mo rin ako ng sakit sa ulo dati, naging matigas ka rin. Ano ba ang huling gusto mong sabihin sa anak mo, Stella?"

"Violet!" May pagbabanta sa boses ng aking ina. "Huwag mong susubukan!"

"Ang alin?" Nagmamaang-maangan na tanong ni Violet. "Ayaw mo bang malaman ni Megan ang totoo bago man lang kayo mawala pareho?" Naguguluhan ako sa naririnig ko at paulit-ulit namang umiiling ang aking ina.

"Nakikiusap ako sa 'yo Violet! Parang awa mo na..." Nahimigan ko ang pagmamakaawa sa boses ng aking ina.

"Violet, kung anuman 'yang gusto mong sabihin, isiwalat mo na. Naiinip na ako, marami pa kaming gagawin ni Megan." Singit ni Miguel na tinago sa likod ang baril. Nakangisi ako nitong nilingon.

"Megan," lumingon sa 'kin si Violet.

"Huwag..." Mabilis na kinapitan ng aking ina ang binti ni Violet habang lumuluha ito, tila pinipigilan ng aking ina si Violet sa gustong sabihin nito.

"Bunga ka ng isang mabigat na kasalanan." Napatitig ako kay Violet at hindi ko maintindihan ang sinabi nito. Oo, ang alam ko ay anak ako ni mama sa pamilyadong tao na. "Bunga ka ng pananamantala." Tila nabingi ako sa sinabi ni Violet.

"Violet!" Sigaw ng aking ina.

"Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit malayo ang loob ng mama mo sa 'yo noon." Napapaluha akong napatingin sa aking ina na lumuluha na rin.

"Puwede ba Violet?! Huwag kang magsalita na parang wala kang alam sa nangyari sa 'kin noon! Alam natin pareho na ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nasira noon!" Masakit na sumbat ng aking ina kay Violet. "S-sa kagustuhan mong sumikat ako lalo, hinayaan mo akong babuyin ng kaibigan mo!" Laglag ang panga ko matapos kong marinig ang mga sinabi ng aking ina.

"M-ma..." Nanghina ang buong katawan ko.

"Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa 'yo noon Stella, magpasalamat ka na lang din at nagkaroon ka ng anak dahil sa nangyari sa 'yo kahit ginusto mong ipalaglag noon si Megan para lang sa career mo." Marahas na binawi ni Violet ang binti niya na kinakapitan ng aking ina. "Kung hindi dahil sa 'kin Megan, wala ka na sana hindi ka pa man isinisilang sa mundo, dahil ako lang naman ang nagkumbinsi sa mama mo noon na 'wag kang ipalaglag, ako rin ang nag alaga sa 'yo. Tapos ngayon, wala kang utang na loob!" Duro nito sa 'kin.

On His Painful Cage | COMPLETEDWhere stories live. Discover now