Chapter 1

9 2 0
                                    

10 hours ago.

TW: Violence.

Zanira

"Ang ganda naman ng anak ko!" Komplimento ni mama sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko kaya agad akong napapapikit. Ang gaan-gaan ng kamay ni mama kaya gusto kong matulog.

"Ma, ayaw ko talagang pumunta," Dinilat ko ang aking mata. "Alam mo namang ayaw sa atin ng pamilya ni papa, diba?"

"Alam ko, alam ko," Bumuntong-hininga si Mama. "Promise, pang-huli na 'toh. Hinding-hindi na tayo magpapakita sa kanila kahit isang butil ng pagmamay-ari natin. Promise anak,"

"Ma," Reklamo ko. "Paano kung sisihin na naman tayo sa pagkatamay ni pa-"

"Anak, hindi natin 'yun kasalanan. Wag mong sisihin sarili mo. Mumurahin talaga kita," Napatawa naman ako sa tugon ni mama.

"Opo, ma. Bukas po ah, bibisitahin pa natin si papa." Kinurot ni mama ang pisngi ko. Napahawakan naman ako dito at sinamaan siya ng tingin.

"Basta last na 'toh, tara na nga. Ang drama natin," Pinulupot ni mama ang braso niya sa braso ko.

Pupunta kami ngayon sa isang magarang hotel para sa birthday ni papa. Birthday ni papa ngayon pero wala na siya. Namatay siya sa isang aksidente. Nagmamadaling umuwi si papa sa amin dahil nagka dengue ako, agad akong nilagay sa icu sa sobrang lala. Nalaman ko nalang na wala na si papa isang buwan pagkatapos niyang mawala. Ang huli naming pagkikita ay noong gumala kaming tatlo, ang saya-saya pa namin noon pero hindi ko inakala na 'yun na ang huling ala-alang masaya na kasama namin siya. Dalawang taon na ang nakalipas pero kami pa rin ang sinisisi nila.

"Good evening, do you have any reservations?" Tanong ng waitress. Sinagot naman ito ni mama. Lumingo ako sa paligid. Ang ganda ng loob at ang luwag din. Habang tinitignan ang paligid may nakita akong artista!

I mean, sanay na akong makakita ng artista, ang pamilya ni papa ay mga artista. Silang lahat, walang kahit sino sa kanila ang nagpaka ordinaryong pamumuhay.

Ang artista na nakita ko ay si Leo! Isa siya sa gumanap sa palabas na His hidden maybes, isa 'tong rom-com. Ang partner niya dito ay si Vara. Grabe yung chemistry nila! Plus, ang galing mag mukbang ni Leo. Ehe. Pang Hollywood. Palakpakan naman diyan.

The thing is, na cancel siya dahil sa isang scandal. His hidden maybes was the last movie he had. He was caught making out with an actress, Ophelia. May boyfriend si Ophelia na si Lance, actually rumors lang pero walang nag deny wala ring nag confirm, kaya grabe ang issue na toh. Pagkatapos ng scandal, hindi na nagparamdam ang tatlo.

Alam kong hindi magagawa ni Leo my loves yun! Ang bait-bait kaya niya. Last month pa pala yun nangyari. Feeling ko edited yun. Bulag ako sa pag-ibig.

Gustong-gusto kong lapitan siya para magpa picture pero hinila na ako ni mama! Mama naman panira ng mood.

"Ma, wait. Yung asawa ko," Mas hinigpitan ang paghawak ni mama sa kamay ko at kinaladkad akong pumasok. "Mama naman eh, chance ko na toh para hindi tatandang dalaga."

"Bibig mo, g*go." Mura ni mama.

"Excuse me, mader." Napahawak ako sa puso ko at nagiinarteng nasasaktan. Inalis ko muna lahat sa isipan ko at halos mapanganga ng makakita ng madaming artista! All over the world na ata toh eh. Taray naman ni Lola para imbetahin kami pagkatapos isisi lahat sa amin.

"Hi!" Halos mapatalon ako sa gulat. Si Justin lang pala.

"Hello, Justin. Long time no see," Bati ko pabalik.

"Mas gumanda ka na ah. Kamusta ka na pala?" Tanong niya.

"Salamat. Ok lang naman, ikaw?" Tanong ko. Ang hirap makipagplastikan, jusko.

The Mystery Of A Hidden IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon