Nagbibihis na ko ngayon kasi ngayon na dapat kami mag eenroll para sa senior high, nasabihan ko na si mama na hindi na nya ko kaylangan samahan pa kasi magkakasama naman kami nila Veronica, Kirsten at Janine mag enroll, plano namn mag meet up agad agad sa Data Center mismo.
Nakabihis na ko ngayon at sinisigurado ko na kumpletong kumpleto talaga yung mga requirements para sa enrollment, nagsoot na rin ako ng sapatos at lumabas na din ako ng kwarto at deretso baba na, pumunta ako sa salas at nakita ko si mama na nanonood lang ng tv.
"Ma aalis na ko ha, paalam mo nalang ako kay papa." Sambit ko at tumango lang sya, after nang nangyare komprontahan namin medyo umayos na din yung sitwasyon ng pamilya ko, hindi na ko gaanong nakikipag away kay mama at papa, mas lalo kaming nagiging close ni Camille, at mas lalong hindi na rin kami nagsasagutan ni papa at maayos na yung tono ng pananalita namin sa isa't isa at nabibigyan na rin ako ng oras ni mama at papa pero konti lang, ganun din si Camille dahil mas lalo silang naging busy sa eleksyon.
"Ok, kasama mo ba sila Janine?" Tanong ni mama. "Yes ma, sabay sabay na rin kaming mag eenroll ngayon, si Camille ba ma lilipat ba sya ng school oh dyan lang ulit sya?" Tanong ko.
"Hindi ko pa natatanong si Camille dyan, may high school naman sa Data Center diba?" Tanong nya. "Dun mo nalang ba sya ililipat?" Tanong ko at mas hinigpitan ko ang sintas ng sapatos ko.
"Pwede para isang sunduan nalang." Sagot nya. "Baka kasi hindi magkasabay ang schedule namin eh, pero pwede mo naman sya ienroll don if you want." Sambit ko.
"Nabigyan na ba kita ng pambayad para sa enrollment mo?" Tanong ni mama. "No need ma, ako nalang mag babayad pang enroll ko." Sagot ko at nag cellphone nalang.
"Can you afford that ba?" Tanong nya. "Of course mom may ipon ako, and don't worry in my tuition fee ako nalang din bahala don." Sagot ko at napa kunot ang noo nya.
"You're going to pay for you tuition? San ka nakakakuha ng pera?" Tanong pa nya. "Ilang beses akong nag summer job ma, basta hindi mo na kailangan alalahanin yung tuition fee ko, bye ma alis na ko." Sambit ko at naglakad na papaalis, hindi ko na kailangan mag pahatid sa driver kasi mag cocommute nalang ako, madali lang naman mag commute nasa road side naman yung bahay namen tsaka alam kong isang sakayan lang yung papunta don kaya agad din akong pumara at nagbayad ng pamasahe.
Nakipag chat lang ako sa tatlo the whole time and mas nauna silang dumating sakin, meet up namin sa harap mismo ng entrance, nung nakita ko na yung Data Center ay agad din akong bumaba at sinalubong ako ng tatlong bakla.
"Accla! Jusko ka ang tagal mo naman! Kanina pa kami nag hihintay dito anong oras na!" Natatarantang sabi ni Janine at napatingin naman ako sa relo ko. "10:11 am." Sagot ko at natawa nalang si Kirsten.
"Ay namimilosopo ka?" Sarkastikong tanong nya at natawa nalang ako. "Luh sinagot na nga tanong mo ikaw pa galet." Sambit ni Kirsten at natawa nalang din ako. "Anong oras pa kayo nandidito?" Tanong ko. "10 am lang." Sagot ni Veronica at nilakihan ko naman ng mata si Janine.
"Tignan nyo kakarating nyo lang pala parang tanga talaga tong si Janine eh." Asik ko at pinagtawanan nalang sya. "Guys tara na sa loob, may mga nag eenroll na din ngayon tara na!" Aya ni Veronica at pumasok din kami pero hinarangan kami ng guard.
"Ano po sadya nyo dito?" Tanong nya. "Kuya mag eenroll po sana kami for senior high, san po pwede mag enroll?" Tanong ko. "Ah, puntahan nyo lang yung registrar sabihin nyo nalang na mag eenroll kayo." Sagot ni kuya at pinapasok din agad kami at nagpasalamat kami sakanya at dumeretso kami ng registrar at maraming estudyanteng nakapila.
"Patay tayo nyan ang daming nakapila, dapat pala inagahan na natin eh." Sambit ni Veronica, ang dami talagang nag eenroll ngayon, yung ibang estudyante panay tingin sakin yung iba tinuturo pa ko, malamang sikat ako, sumikat dahil sa issue namin ni Lily hehe.
YOU ARE READING
The Gap Between Us (Under Revision)
FanfictionChantelle Lorraine, born into a life of privilege in the North, is admired for her poise and perfection-a flawless image that conceals the fractures hidden deep within her heart. Despite her family's wealth, she remains haunted by the pain of her ch...