Chapter One: Fairy Garden

2.1K 76 15
                                    

(After 10 years)

Daniel Xander's POV

"Dani, di ka pa rin mag-iimpake? Ngayon na ang flight mo sa Silver Academy", ang utos sakin ni ate.

28 years old na si Ate Amethyst, at ako naman ay 17 years old. Bale, bagong kasal palang sila ni Kuya Chance. Nagtataka kayo kung bakit Silver Academy na ang Magic Academy? Dahil pinapalitan ni ate.

Siya na kasi ang pinuno ng Eternity council. Kaya ayun, pinapalitan niya na. Dahil maayos niyang napamunuan ang Magic councils.

Naglalaro ako ng PSP. Si ate, talak ng talak. Buti pinakasalan pa siya ni kuya Chance.

Biglang lumipad yung PSP ko.

"ATEEE!", pinagtawanan lang ako ng ate ko. Tsk. Hanggang ngayon talaga nagtataka ako kung bakit siya pinakasalan ni kuya Chance.

"Dani, last na toh ah? Mag-impake ka na"

"Ate, last na rin toh ah? Hwag mo na akong tatawaging Dani. I prefer Xander", kinuha ko yung PSP ko na nasa ere.

Bigla naman akong niyakap ng ate ko at hinalik-halikan ako sa pisngi.

"Uyy, binata na talaga ang Dani kooo! Sige na nga. Xander na ang itatawag ko sayo. Hahahaha. Sige na, mag impake ka na. Hinihintay tayo ni Chance sa labas", umalis na si ate at nag-impake na ako ng gamit.

Paglabas ko, nakita ko yung dalawa na nag-P-PDA.  Di na sila teenager. Mahabag.

"Ehem, minors here", ang pagpaparinig ko sa kanila. Tiningnan lang nila ako, tapos biglang tumawa. Aish, abnormal na mag-asawa. Sana hindi sila magkaroon ng abnormal na anak.

Inakbayan ako ni kuya Chance. Naglakad na kami papunta sa kotse niya.

"Uy Xander, may payo ako sayo kapag nakarating ka na sa Magic— este Silver Academy", ang kwento niya sakin habang nakaakbay pa rin.

"Ano po?", ang tanong ko naman habang tinitingnan ang ate ko na loka-lokang maglakad. -_____-

"Magdala ka ng napakalaking headphones tapos i-maximum mo ang volume. Mabibingi ka sa mga tilian ng babae. Pramis", ang sabi niya at nag-pogi sign pa.

"Alam ko naman po kuya Chance. Maghahanda na rin ako ng alcohol at sanitizer kapag may babaeng yumakap sakin", tumawa naman kami ni kuya Chance. Ba't ba? Gwapo ako eh.

"Hoy kayong dalawang gwapo, dalian niyo nga", ang utos samin ni ate Amethyst tapos pumasok na sa kotse. Tsk. Porket asawa na siya ni Kuya Chance akala niya pag-aari na niya ang mga gamit ni kuya. Hay, ang ate kong abnormal. Buti nga di ako sa kanya nag-mana.

Nagdrive na si kuya Chance.

***

"Xander, gising. Nasa Silver Academy na tayo", bumaba na ako sa sasakyan. Kinuha naman ng dalawang butlers ang mga gamit ko.

"Si ate?", ang tanong ko kay Kuya Chance habang papasok kami sa Academy. Woah. This is so amazing, it looks like a paradise here. There are girls doing some cute stuffs. Yeaah, maraming mga chics. Nakaramdam naman ako ng batok.

"Ikaw Xander, nangbabae ka na naman ah!", ang biro sakin ni kuya Chance. Napatawa naman ako. "Kuya, mana ako sa inyo eh. Isusumbong pa nga kita kay ate eh", ang biro ko naman.

"Suuus, di ko yan magagawa sa ate mo. Mahal ko yun", tumawa naman siya. "Pweh! Ang corny niyong dalawa",

Nang nakarating na kami sa corridor, dumami ang mga estudyante. Lalo na mga babae. Sabi ko na nga ba eh. Kainis talaga maging gwapo. #pogiproblems

"Kyaaah! Siya ba si Xander Charandelle?! Oh em gee!"

"Ang gwapo niya nga! Makalaglag panga!"

Silver Academy (On Hold)Where stories live. Discover now