Chapter 3: Amnesia (Pinakamahalagang chapter)

70 8 0
                                    


RB's POV

"Oy ipakilala mo nga ko dun sa babaeng yun" Sabi ko kay Reign.

Nasa gym kami ngayon. Nakaupo sya sa may silya at nakapatong ang dalawa nyang paa sa may lamesa. Naka short naman sya ng medyo mahaba kaya ayos lang daw yun.

"Alam mo ikaw lalake ka wala ka bang t*t* ha?! Takot na takot ka sa babae. Kaylangan pa ba kitang tulungan?!" Sabi nya habang naglalaro ng tekken sa PSP nya.

"Hindi ah. Ang ganda nya lang kasi" Sabi ko habang nakatingin kay Nami. Nagpa practice sya sa stage ng pag rampa nya. Sya daw ang muse sa Regional's athletic meet.

"Maputi lang yan" Sabi nya naman habang pinipindot maigi yung PSP nya.

"Maganda sya" Sabi ko at umupo sa tabi nya.

"Kita mo yun? Yun ang maganda" Tinuro nya yung babaeng nakatalikod.

Hinintay ko namang humarap sya. At pagharap nya....

"Pucha e kapatid ko yan e!"

"Alam ko"

"Pano mo nalaman?"

"Secret walang clue"

"Pano nga?"

"Sapak you want?"

"Pano nga sa- "

Hindi na ko nakapagsalita dahil nilagyan nya ng papel yung bibig ko. Tinanggal ko yun saka binato sa kanya.

"Yuck. Yung laway mo parang laway ng aso punyeta" Sabi nya sabay punas ng pisngi nya. Dun kasi tumama yung binato ko e.

"Akala mo naman ang ganda ganda mo para mag inarte ka ng ganyan"

"Bakit? Magandang babae lang ba ang may karapatang mag inarte?"

"Wala akong sinasabi"

"Utot mong bilog"

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Babaeng to!

"Haay nakakapagod"

Napatingin ako sa babaeng nagsabi nun. Si Nami. Nandito pala sa table yung mga gamit nya.

"Hi Nami" Sabi ko tapos nginitian ko sya.

"H-Hi. Transfer ka dito? Sabi nya pagkatapos uminom ng tubig.

"Yup. RB nga pala" Iniabot ko yung kamay ko sa kanya.

"Ang gwapo naman ng pangalan mo" Iniabot nya din naman yung kamay nya at nagshake hands kami.

"GWAPO? ALAM MO BANG ANG IBIG SABIHIN NG RB NYAN E RU- "

"AHHH! Gusto mo kumain Nami? Tara libre kita"

Tumayo na ko saka ko hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Nami at naglakad kami palayo.

Sira ulo talaga yung babaeng yun. Ibubuking pa ko e.

Nag starbucks lang kami ni Nami. Ang ganda nya talaga. Ang kinis at ang sexy pa. Wetwew.

Hinatid ko din si Nami sa bahay nila nung uwian. Nagalit pa nga sakin si Rem kasi hindi ako sumabay sa kanila pauwi e.

"Im home!" Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.

"RB!" Sigaw ni Mama at Papa.

Nasa salas silang lahat. Si Mama,Papa,Rem at Yaya Rose.

"B-Bakit po?"

"Alam mo ba kung anong oras na?! Ala sais na! Bakit gabi ka na umuwi?!" Sigaw ni Mama

She's a trashtalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon