PROLOGUE

57 2 0
                                    

"AHH... PUSANG GALA! ANG SARAP!"


"You want more?" tanong ng lalaki sa harap ko habang hindi mawala-wala sa labi niya ang sinusupil na ngiti.


Guwapo siya, pero mukhang suplado. Matangos ang ilong, kasing itim ng gabi ang kulay ng mga mata na bumagay sa makakapal niyang kilay. Manipis at natural ang mapulang labi na taliwas naman sa istrikto niyang mukha.


Overall, bibigyan ko siya ng sampung puntos!


Naiilang na sunud-sunod akong tumango. "K-Kung okay lang sa'yo. Ayos lang din sa akin, tutal masarap naman talaga."    



Tagaktak na ang pawis ko at nagsisimula na ring uminit ang aking pakiramdam. Ganoon pa man, hindi ko maikakailang gusto ko ang ginagawa niya. Gusto kong matikman ang lahat ng kaya niyang gawin kahit na nga ba nanginginig na ang mga tuhod ko, at gumuguhit na sa lalamunan ko ang pinaghalong pait at tamis.



"I will give you a hard shot this time." Napairap na lang ako. Kanina pa kasi niya sinasabi ang hard, pero kahit harder o hardest pa yan... keri lang.



Sumilay ang pinong ngiti sa kanyang labi bago tumitig sa akin. "It's called blow job," pabulong niyang sabi na kinataas ng isang kilay ko.



Tinitigan ko muna 'yon saka dahan-dahan kong sinimsim na kung tawagin niya nga ay blow job at ninamnam ang lasa. Parang wala namang nagbago, masarap pa rin. Mas masarap nga lang yata ang blow job kaysa sa nauna, kaya lang... mas lalong nag-init ang aking lalamunan.



Napakapit ako ng mariin sa countertop ng maramdaman ko ang hagod no'n sa lalamunan ko saka mariing pumikit. Lintek! Lakas maka-blow ng mind ang tama ng blow job!



"Are you okay? Kaya mo pa ba?" sunud-sunod naman na tanong ng lalaki sa akin.



Halata sa boses niya ang pag-aalala, pero mukha rin namang walang balak tumigil sa pag e-experiment ang lalaki sa akin. Nang tingalain ko nga siya ay parang nangingislap pa ang mga mata niya dahil sa tuwa habang nakatunghay sa akin.


"Ang sarap nga, pero last na 'to, baka kasi bumigay na ako." Naiiling kong sagot saka pinadulas ang basong wala ng laman papunta sa kanya.



Pinatitikim niya kasi ako ng mga ginagawa niyang alak ng libre. Basta sabihin ko lang daw ang totoo, kung pasado ba ito sa panlasa ko o hindi. At sa totoo lang, nakatatlong drinks na ako at lahat ng 'yon ay pasado sa akin.


Aarte pa ba ako kung libre?



And to be honest, nasarapan talaga ako sa una niyang pinatikim sa akin na Pina Colada, at ganoon din sa pangalawang binigay niya na Peachy Keen. Bukod sa ngayon ko lang natikman ang mga 'yon, hindi ko rin alam ang tawag sa mga inuming 'yon kung hindi pa sinabi sa akin ni...



Bumaling ako sa kanya saka napapangiting tinitigan siya.


"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang naghihintay na naman sa ginagawa niyang Espresso Martini.



"Just call me, Red," sagot niya, 'yon lang at wala ng karugtong pa.


Tumango-tango na lang ako at matiyagang pinanood si Red na ekspertong pinagsasalin-salin ang mga alak at kung anu-anong inumin na nasa harap niya sa tatlong cute na baso.


Nakakaramdam na ako ng bahagyang hilo. Nagiging dalawa na nga rin yata ang tingin ko sa baso. Kanina ay hindi naman ganoon ang pakiramdam ko, malakas lang siguro talaga ang tama ng blow job na pinatikim ni Red sa akin. Pero dahil libre... push!



The Playboy's Obsession Where stories live. Discover now