Amoy na amoy ni Lara ang alak at usok ng sigarilyo
Ngunit di siya makapag salita o makapag reklamo man lang dahil naka busal pa din ang kanyang labi
Dama niya ang tigas ng upuan kung saan siya nakatali ngayon
Sinubukan niyang mag papaladyak at kalasin ang tali mula sa likod ngunit mahigpit iyon
"Miss wag ka na pumalag, wag mo na pahirapan sarili mo, mamamatay ka pa din naman ano man ang manyari!"
Dinig niyang boses sa lalaki mula sa loob ng kwarto
Sunod ay malalakas na tawanan ng iba pang lalaki
Naikuyom niya ang kamao dahil madami siyang halakhak na nadinig kung kaya nakakasigurado siyang madami siyang bantay na nakapaligid kahit na naka piring pa siya at walang kalaban laban sa mga ito
Napaigtad siya nang madinig ang kalabog ng pinto
Mukhang may pumasok
"Laraaaaaaa"
Automatikong nabuhayan siya ng loob ng marinig ang boses na iyon
Ang boses na tinuturing niyang ilaw sa madilim niyang buhay
Hindi pa man niya ito nakikita ay nakakasigurado na siya kung kanino iyon
'Si Justin,andito siya!'
Ani niya sa sarili
"Oh andito na pala ang knight shining mo"
Muli nyang nadinig ang malalakas na hiyawan at tawanan
Sunod ay nasilaw siya sa liwanag
Inalis na pala ang kanyang piring
Unti unti ding rumihistro sa kanyang harapan si Justin na naka tayo habang hawak hawak mg dalawang lalaki
Nanlaki ang mata ni Lara
Hindi niya sukat akalain na mahuhuli ito ng mga kalaban
Ngayon dalawa na silang bihag ng mga ito
Tumulo ang kanyang luha dahil sa kawalan ng pag asa
Ayos lang naman kung siya lang ang mamamatay ngunit hindi niya matatanggap na may ibang madamay sa away pamilya niya
Sawakas inalis na din ang kanyang busal
"Jah! Jah! Jah"
Sunod sunod na tawag niya sa kasintahan
Nakita niya ang dugo nito sa mukha,pasa at maduming damit na may mantya ng dugo
"Mag hintay ka lang parating na sila kuya-augh!"
Di nito natapos ang sinasabi ng paluin ng baril sa batok
Napakagat na lamang ng ibabang labi si Lara habang nakitang parang mas nang hina si Justin sa ginawa ng mga lalaki
Tanging tingin na lamang ang nagawa ni Justin sa kanya
"Boss tatapusin na ba natin sila?"
"Oo nga"
"Tama naiinip na ko!"
"Tapusin! Tapusin!"
Ilan lang yun sa mga sabi ng kalaban
"Pero di pa natin nakukuha ang ransom money!"
"Oo nga! Pero dinig nyo ba yung sabi ng lalaki na may pupunta daw dito?!"
"Tsk! As if matatalo nila tayo!"
"Tamaaaa!"
"so ano boss ang plano?"
BINABASA MO ANG
SB19 JUSTIN'S ILLEGAL (COMPLETE)
Fanfiction2 years ago na ng mamatay ang dating kasintahan ni Justin na si Lara ngunit hanggang mapasa hanggang ngayon ay tila hinahabol pa din sya nito sa kanyang panaginip kung kailan gusto nya na talaga mag move on ay tyaka naman nya makikilala ang isang b...