Kabanata 30

96 3 0
                                    

Kabanata 30
Ex

"HI, manong!" masayang bati ko sa hardinero ng bahay nila lola, na bahay ko na ngayon.

"Ay, ma'am, ngayon ka pala uuwi! Magandang umaga po, ma'am!" bati nito.

Ngumiti ako sakanya saka nagpatuloy sa paglalakad papasok sa bahay. Sinalubong ako ni manang Josa na nag-iisang kasambahay na kinuha ko. Pagkakuha niya ng mga bagahe ko ay saka ako tuluyang pumasok ng bahay.

Pumikit ako at dinama ang hangin sa loob ng bahay. "Hay, na-miss ko ang hangin sa probinsya."

"Nako, ma'am! Pati ang probinsya ay na-miss ka!" wika ni manang Josa. Nilingon ko siya at nakita kong nakangisi siya kaya ngumisi rin ako sakanya. "Mahigit dalawang buwan din kayong nawala."

"Nakaka-miss kasi si Xanaya, manang. 'Yung anak po ni Elle. Ang laki na kaya niya, manang."

"E, ikaw ba? Kailan mo balak magkaanak at nang umingay naman dito sa bahay mo."

Tumawa ako. "Wala pa po sa isip ko yan. Masaya na po ako kay Xanaya na parang pamangkin ko na. Saka wala naman po akong boyfriend, manang. Paano po ako mabubuntis, hindi po ba?"

Natawa din si manang. "May nagpapatayo ng maliit na pagawaan ng mga pagkain base sa balita ko. Katabi lang yon noong store mo. Baka yung may ari na non ang para sayo!" nanunudyong sabi ni manang.

Tatlong taon na rin ang nakalipas noong mapatayo ko ang store ko. It contains different kind of goods. Groceries, toys, clothes, some furnitures, some appliances, kitchen wares and many more. Katamtaman lang ang laki non at konti lang ang laman noon nung una pero paunti-unti ko tong napalago. Ginamit ko ang pera na napanalunan ko sa pageant at ang natatanggap kong fee kapag nag-g-guesting ako sa mga tv shows.

"Si manang talaga!" ani ko sabay tawa. "Sige na po, papahinga na po ako. Pupunta pa po ako sa store mamaya, e."

Tumango at ngumiti na lang si manang at sumunod sa'kin papataas na hawak ang mga gamit ko.

PAGKAGISING ko ay pumunta na agad ako sa store. Maganda naman ang sales report nila kaya hindi ko na kailangang mag-alala ukol sa sales. Kumuha muna ako ng meryenda bago ako lumabas ng store para magpahangin gaya ng lagi kong ginagawa bago i-check ang lagay ng buong store.

"It's... nice to see you again, Kaliyah," boses ng kung sino na nasa harapan ko.

Kumunot ang noo ko sa pamilyar na boses saka kusang umangat ang ulo ko para alamin kung sino iyon. Nangapa ako nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Pinilit kong gumalaw kaya nagawa kong tumayo. Akmang tatakbo na ako palayo pero pinigilan niya ako sa pamamagitan nang pagharang sa dadaanan ko.

"What?"

He laugh. "Indenial na kilala mo ako? Sa pagkakatanda ko, I'm your unforgettable ex."

"Pwede ring hindi," inirapan ko siya. "Mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni manang kaya tanggalin mo na 'yang pagkakaharang sa'kin."

"May bahay ka dito? May kamag-anak?"

Natawa ako. "At bakit ka curious sa buhay ko, Ryker Hescavio? Sa pagkakaalam ko, ex mo na ako, may asawa ka at wala ka dapat pakialam sa akin o sa buhay ko. Kahit ma-curious tungkol sa buhay ko ay illegal."

"How can you say so?"

"Dahil may asawa ka at ayokong may nalalaman ka tungkol sa akin. You should always put up your wife's feelings over everything."

"Tanong lang naman, e. Wala naman akong masamang intensyon."

"Yes, meron. Wala akong kamag-anak dito. Naiwang ari-arian ng lolo at lola ko, meron," ani ko saka tinalikuran na agad siya.

His Runaway Bride (His Series #2)Where stories live. Discover now