chapter 25

137 14 0
                                    

kiro's PoV

narito kami ni kira sa sinasabing daan raw papuntang paaralan ng bloody dawn academìa. Ang akala ko iyong kinatatayuan namin noon sa pag susulit ay ang tunay na paaralan ngunit hindi pala‚ isang ilusyon lamang iyon na gawa ng isa sa mga propesor. Gaano kaya kalakas ang mga nag tuturo rito sa academìang ito‚ hindi na ako makapag hintay pang matuklasan ang iba't ibang mahika na hawak ng mga propesor at mga studyante rito

"malayo paba tayo ginoong ma-balbas?" natatamad na ani ni kira sa isa sa mga propesor na nag hatid sa aming lahat na nakapasa

napasapo nalang ako sa noo dahil sa kawalang respeto neto kahit na isang mag tu-turo na ang kaniyang kinakausap

"huwag kang mag alala bata kaunting metro nalang ang layo natin sa paaralan‚ tiisin mo lang muna iyang katamarang taglay mo" sagot naman ng propesor na tinanongan ni kira at saka ngumiti ng pagkalawak lawak

weird'

ilang minuto pa ang aming tinagal at tuluyan nanga naming narating ang napakalaking tarangkahan ng paaralan at katulad ng nakita ko noong pag pasok ko sa ginawang ilusyon sa pinag dausan noong pag susulit ay ganun rin ang nakikita ko ngayon. Pero di-hamak na mas malaki at mas malawak ang sakop ng tarangkahan na nasa harapan ko ngayon

singhapan naman ang narinig ko sa mga kasamahan kong nakalagpas sa pag-susulit na sa tingin ko'y dala rin ng kanilang pagkamangha sa kanilang nakikita. Tinignan ko naman si kira pero ang gaga buryo lang naka tingin sa tuk-tok ng tarangkahan na halos hindi na makita dahil abot na ng mga ulap ang dulo neto

"ito naba 'yung sinasabing niyong bloody dawn ginoong ma-balbas? walang ganang tanong ni kira sa propesor na pinag tanongan niya rin kanina

'ano bang klaseng kapatid ang meron ako diyos ko‚ mas masahol pa sa walang muwang na hayop ang ugali' bulong ko sa aking isip habang sapo-sapo ang noo dahil sa pagkadismaya

"ito nanga iyon binibining matabas ang dila" natatawang sagot naman ng propesor

laking pasasalamat ko nalang na hindi magagalitin itong nag hatid sa amin sa tarangkahan ng academìa. Dahil kung hindi siguradong kanina pa napagalitan itong kapatid kong walang mudo

dahan-dahang tinulak papasok ang tarangkahan ng mga kawal na nakabantay sa labas at unti-unti itong nabubuksan. At ilang saglit lang ay tuluyan nanga itong nag bukas at mas lalo akong namangha sa tanawing nakikita ko ngayon sa loob ng academìa‚ iba sa nakita ko doon sa lugar na pinagsulitan namin

"wow‚ a-ang ganda. Sobrang gandang tanawin" tanging sambit ko nalang sa sobrang pagmangha

mga ibong lumilipad gamit ang kanilang pakpak na may iba't ibang kulay‚ mga kabayong may magagarbo at magagandang pakpak din na lumilipad na parang nag hahabolan‚ mga maliliit na diwatang nag tatawanan sa malusog na puno‚ at iba pang mga hayop na hindi pamilyar sa akin ngunit napagandang pag masdan‚ ang kanilang huni‚ ang boses ng kanilang pag atungol‚ at ang kagandahang taglay ng bawat isa sa kanil-

"aray!!" daing ko ng may biglang pumitik ng noo ko sanhi ng pag tigil ko sa paghanga at pag lalarawan sa aking mga nakikita‚ nakakabwesit naman

"anong tinu-tunga tu-nganga mo riyan? kanina pa sila nakapasok sa loob kung saan gaganapin ang pag aanunsyo ng mga nanalo at pag lalatag ng magiging seksyon. Kaya kung iyong mamarapatin tumigil kana sa pag pantasya sa tanawin dahil mahuhuli na tayo‚ puwede ba?" aniya

magsa-salita pa sana ako ng bigla niya akong hatakin papasok sa dinaanan ng mga kasamahan namin at hindi alintana ang kalagayan ko

'bwesit ka talagang babae ka!! makakaganti rin ako makikita mo!!' maktol ko sa aking isip dahil baka pag ibulaslas ko pa. Baka hindi lang hatak ang maranasan ko kaya imbes na pigilan siya ay mas pinili ko nalang mag pahatak hanggang sa marating namin ang distenasyon ng pag aanunsyo at pag lalatag ng seksyon sa bawat isa sa amin

marami pang natirang upuan na hindi ukupado kaya doon kami umupong dalawa ni kira‚ mabuti na lamang at hindi na niya ako hinatak dahil nakakahiya iyon. Baka makita kami ng mga quirians na narito ngayon

nakatingin lang ako sa gitna kung saan may mga nilalang na nakaupo roon‚ hindi pamilyar ang iba sa kanila pero may mga pamilyar na mukha akong namukhaan dahil naroon ang iba sa naganap na pag susulit kamakailan lang‚ ng biglang tumayo ang head master rio

"maligayang pag dating sa bloody dawn acamdìa mga bata‚ nais ko kayong batiin sa inyong ipinakitang tapang sa naganap na pag susulit. At nais ko ring ianunsyo sa inyo ang nakapukaw ng atensyon ng mga propesor at pati narin ako na nakasaksi sa inyong mga ipinamalas na talinto sa pakikipag laban. Limang tao na nakitaan namin ng potensyal upang maging isa sa pinaka mahusay na mag-aaral sa bloody dawn. Kapag nabanggit ko ang pangalan na tinutukoy ko kung maaari ay tumayo at pumunta dito sa harap para maparalangan ng medalya. Huwag na natin patagalin pa‚ ito ay walang iba kundi sina-"

"kira morgan ang kayang mag manipula ng hangin"

"anthony rekal ang may spacial magic"

"freya zoldek ang kayang mag palabas ng iba't ibang sandata"

"riana villares ang may abilidad na kayang mag pawalang bisa ng atake o anti magic"

"at ang pang huli ay si!!"

______________________________________________

itinuloy ko kasi may tatlo akong readers na gustong ituloy ang storyang ito nyekehe

do vote & comment‚ and please follow me here alijore for more ud

xOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz