HP37 - I don't care

15K 424 87
                                    

Iniwan ko sila Theo sa hospital. Ako ay umalis ng mag-isa. Hindi ko ginamit ang kotse sapagkat wala naman sa akin ang susi.



POSITIVE TALAGA. POSITIVE. 'DI AKO MAKAPANIWALA. POSITIVE! OKAY PUTEK POSITIVE NGA DIBA, CHELSEA?! AGH!!!



"What the actual fuck?!" singhal ko sa sarili ko nang mapatigil ako sa isang parke.


Umupo muna ako sa isang swing at doon dinaing ang lahat. "Lalayuan ako ni Private neto.. Lalayuan niya ako." Bulong ko sa sarili ko at iniyak 'yon.


Palubog na ang araw at wala na masyadong tao dito sa parke. May lumapit sa aking isang batang lalaki at binigyan ako ng pinto. "Ate, wag po kayo iyak papanget po kayo." Sabi ng batang ito.


Kinuha ko ang alok niyang panyo at ipinunas sa luha ko. "Oh? Sinong kasama mo? Mag-gagabi na ah."


"Kasama ko po ang kuya ko. Nibibili niya po akong ayskwim!" Nakabungisngis na ani niya sa akin.


I patted his head. This boy made me smile. "Sabi po ni kuya 'wag daw pong iiyak ang babae." Dagdag pa nito.


"Alright, hindi na iiyak si ate. Hehe. Oh ayan na yata kuya mo... wait.. Jander?" sabi ko.


Matamlay na matamlay ang binata na lumapit sa amin. Binigay niya ang ice cream sa kapaitd niya bago kinuha niya ang kamay ng bata at umalis sila. Tulala si Jander at hindi man lang ako napansin.


"Let's go, Jailer." Tumayo ako at tsaka niya lang ako napansin. Hindi man lang siya ngumiti or something. Mugto ang mata ni Jander. "B-bye ate ganda!" paalam ni Jailer sa akin.



Kumaway ako sa kaniya bago sila tuluyang tumalikod sa akin para maglakad paalis.


"Kuya 'di pa dumadalaw sa atin si ate Kinsley." sabi ni Jailer.



Kinsley nanaman. Hindi ko na nga nakikita ang batang 'yon. Yung panyo niya nga nasa akin pa. Hmmm, 'yun kaya ang dahilan ng mata ni Jander? Ay ewan.


Nilisan ko ang parke at umuwi na mag-isa. Kahit na ayaw ko pa ay kailangan ko ng umuwi dahil ang anak ko nandoon.


Pagkauwi ko ay napansin kong patay ang lahat ng ilaw. Anong meron?

He's Private [KN] [Completed]Where stories live. Discover now