Chapter Six

109 5 0
                                    


Chapter 6


Ashira Kylie Takahashi

Tatlong linggo na ang lumipas ng may mangyari na naman samin. At simula ng mangyari yon ay naging sobrang sweet na sya sa akin, kulang na nga lang ay pati pagpapaligo gawin nya na sakin.

Namimiss ko na talaga mag turo, pilitin ko na nga lang si Dravis na hayaan manlang akong mag turo.

Lumabas ako ng kwarto, naabutan kong nag luluto si Dravis ng aming umagahan, sabi ko nga sa inyo, simula ng mangyari yung tatlong linggo ng nakakalipas, naging parang maid ko na sya. May pa “I'll give you what you want” pa sya.

Mukhang naramdaman ni Dravis ang pag labas ko mula sa kwarto kaya't agad nya akong liningon. Sinenyasan nya akong lumapit sa kanya na agad kong sinunod. Agad syang yumakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi, pinatay nya na rin ang pagkakabukas ng lutuan.

“Let's eat, I cook your favorite ulam,” Aniya, Adobong Manok na color red nga pala yung niluto nya.

(A/N: Nakalimutan ko kung anong tawag don, basta color red sya na parang Adobong Manok Hahaha)

Tinanguan ko sya kaya't sinimulan nya ng ipaghain ako.

“Dravis, pwede mo na ba ulit akong payagan na mag turo?” Dahan dahan kong ani, hindi naman kasi pwedeng nandito lang ako sa bahay, eh.

Tinignan nya ako at nginitian, “Pag iisipan ko,” Aniya. Agad akong napangiti at agad syang niyakap. Natuod naman sya kaya tinawanan ko sya.

Nag simula na kaming kumain, sya ay kwento nang kwento tungkol sa kanyang pagiging pulis, madaldal pala tong lalaking to.

PAGKATAPOS naming kumain ay agad nyang hinugasan ang mga plato, sabi ko sa inyo eh, ayaw nya akong pag gawin ng mga gawaing bahay. Kaya naman boring na boring talaga ako.

“Papayagan na kitang mag turo ulit, Ashi, just obey my rules,” Aniya pagka-lapit sa akin at agad akong niyakap. Niyakap ko sya pabalik sa sayang nararamdaman ko at hinalikan sya sa labi.

At syempre alam nyo na ang kasunod.....

Make love.

Ayaw nyang tawaging plain sex lang yon dahil mahal raw namin ang isa't isa, eh.

NGAYONG UMAGA na ang pasok ko sa aking bagong school. Hindi ko alam na inayos na pala ni Dravis ang mga papers ko.

“Are you excited, Baby?” He asked, I smiled at him then nod.

“Okay, lets go, your new students are waiting for you,” Aniya at inalalayan akong pumasok sa front seat ng kanyang kotse.

Pagkarating namin sa School na aking tuturuan ay agad akong napanganga dahil sa laki at ganda nito.

“Lets go, sasamahan kita sa classroom mo.” At hinila na ako papasok ng gate, kinausap nya muna ang guard at nakita kong dali dali kaming pinagbuksan ng gate.

“Magandang Umaga, Ma'am Kylie, Welcome po sa New School nyo.” Nakangiti at magiliw na pag bati sa akin ng Kuya Guard, nginitian ko lang sya at binati pabalik bago sumunod kay Dravis.

He Is Obsess With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon