01

12 0 0
                                    

01 - Her

Umagang umaga Calculus agad na nag-collab with numbers, square root and so on ang bubungad. Ka-boring naman.

"Recia Allice!" Ani ng aking professor. Agad naman akong napabalikwas sa upuan. "Ma'am terro- este Ma'am." Ngiti kong may kaba. Patay. Nahuli na ata ako ni ma'am nag d'daydream dito.

Tila natawa ng mahina ang iba sa mga kaklase ko, including him. Ok, calm down myself. Ghosh. Ang iba naman sa mga kaklase ko ay pinaningkitan ko ng mata.

"Nakikinig ka ba sa itinuturo ko?" Taas kilay na saad ng terror teacher kong Calculus ang subject.

Hindi ma'am, hindi ko nga keri e.

"Yes ma'am." Ani kong may kumpiyansa. Tila'y nangunot ang noo ng aming professor.

Hindi ka ba naniniwala sa kumpiyansa ko ma'am. Sinabay ko na lang si prof sa pangungunot ng kaniyang noo. "Ginagaya mo ba ako Ms. Allice." Ani ni professor Alli.

Nabalik ako sa reyalidad dahil doon. "Hindi po ma'am. Hindi naman kayo mabiro." Ani kong mahina sa huling sinabi ko. "May sinasabi ka?" Anang professor. Taas pa rin ang kilay nito. Umiling ako.

"Pwes, sagutan mo itong problem sa board." Ani ng professor. "Nang matigil na rin 'yang pag d'daydream mo." Pag papatuloy ng professor. Natawa naman ang iba sakanila, bwisit talaga kayo. Patay na. Nandito rin si crushie, ma'am iba na lang kaya. Pumunta pa rin ako sa harapan ng board dahil wala na rin akong choice.

One of my most hated subject check.
Calculus. Luge talaga, sa'kin na ngayon ang tingin ng lahat na nasa klase. Including my inspiration. Char.

Someone helps me. "Hate you." Ani kong bulong sa board. Sinubukan kong sagutan ito. It indeed takes time pero sa huli natama ko naman ito ngunit halos patapos na rin ang klase namin bago ko nasagutan ito.

Pasalamat kayo, dahil sa'kin next subj na. Ako nagdusa kayo taga nood at chill. Kairita talaga. Pagka tapos nito ay sumunod na ang next subject namin. Love it.

Finally, something gusto kong subject, Economics 'yung better na naiintindihan ko. Nag discussion na ang professor namin. Si Mr. Edguardo. Much better than professor terror Mrs. Alli.

Isa lang ang ayaw ko kay Sir. Ang laging pag tawag niya sa'kin para sa recitation, pero ok na rin kase lagi rin natatawag si Crushie. Plus, may recitation points ako and nakakadagdag confidence para sa'kin.

I'll take that as a positive thing. He is also supportive because may time na rin na pinag-debate kami ni Sir and kalaban ko siya. Momentum ko 'yon kaya keri. Kami rin naman ang nanalo, biggest flex.

"Ms. Allice." Ani ng prof sa harapan. "Sir!" Ani ko. "Tumayo ka riyan." Anang ng prof. Agad naman ako tumayo "Kayo ni Ms. Guille ang ilalahok ko sa debate club. Is that clear?" Tumango naman kami parehas bilang tugon.

Halia Guille was my friend. Active siya mostly sa club such as chess, debate club. Halia was a typical ordinary student something they call nerd kase matalino rin naman siya. We get along last semester.

After nang discussion ni Sir. Sumunod naman Biology class namin. As usual bored din ako rito pero eto na rin 'yung time para mag-shine uli ako. "Good day class." Anang ng professor namin si Sir. Liam. Tumayo rin kami at binati siya. "Good day, Sir Liam!" Aning bati namin. Pinaupo kami niya at nag simula na rin siya mag turo.

"Any volunteer para masagutan ang equation na 'to?" Ani ng aming guro. Ngunit walang nag tataas ng kamay o boluntaryo kaya bumunot ngayon ng mahiwagang index card ang prof namin. Unexpected ito dahil minsan lang bumunot si Sir.

Dahil na rin sa lagi itong nang tatawag ng estudyante at pa swertehan kung 'di mabubunot. Ramdam ang tensyon sa loob ng aming klase. Si Sir Liam kase 'yung tipo ng prof na terror din. Tipong namamahiya ng estudyante kapag hindi nasagot ang tanong niya.

Ang lucky winner ngayon ni Sir ay si Crushie ko. Tumayo naman siya sa kaniyang kina uupuan at sinagutan ang equation problem sa board. Madali niyang nasagutan ito ngunit hindi niya ganoon na-explain.

Isa pa 'to sa hindi ko keri, ang tatawagin ang estudyante tapos ipapa intindi sa harap ng klase. I don't know siguro scary lang for me kasi ino-overcome ko pa ang fear ko sa speaking. Speaking of discussion. Bumunot uli si Sir para sa next problem niya.

"Recia Allice, is she present?" Ani ng professor namin. Patay. Swerte ata ako ngayon, ang galing. Nag taas ako ng kamay at tumango naman si Sir upang senyas na pumunta ako sa harapan. Tumayo ako at pumunta roon. 

Mas nadadalian ako rito kumpara sa Calculus kaya naman alam ko na ang susunod na gagawin ni Sir ay ang ipa e'explain ito sa akin sa harap ng klase. "Ok now, explain it." Ani ng professor ko. Huminga muna ako ng malalim at nag simulang ipaliwanag ito.

Nang mairaos ko ang pag papaliwanag ko ay siya namang palakpakan ng mga kaklase ko. Hinanap agad ng mata ko ang Crushie ko pero tila'y hindi siya interesado kaya't ibinaling ko na lang kay Sir ang tingin ko.

Approved naman ito para sakaniya. Ngumiti na lang ako bilang tugon. "Ok, you may now seat." Ani ni Professor Liam. Nag-ring na rin ang bell bilang tanda na maari na kaming mag break time. "That's all class, you may now have your break time." Ani ni Sir Liam. "Thank you, Sir!" Ani namin pabalik.

Lumabas na ako ng klase at inintay ang kaibigan ko sa kabilang section. My ultimate beshy, my childhood friend. Duke Edios, "Tara na, daydreamer." Bungad ng pamilyar na boses. 'Bwisit ka talaga Duke!" Ani kong nairita. Nag habulan naman kami na parang bata.

"Habol liit, bagal mo." Pang aasar niya. "Matangkad ka lang naman. 6-footer!" Ani kong tila'y hinahabol na ang hininga. Narating na rin namin sa wakas ang Cafeteria. "Huli ka!" Ani ko sabay hila ng kaniyang manggas. "Wala, hindi counted 'yon." Aning depensa nito sa'kin.

Inirapan ko naman ito at dumeretso na sa counter ng Cafeteria. Ngumiti naman ako sa tindera nito. "Usual ba ija?" Ani ni 'Nay Dolores. "The best ka talaga 'Nay, alam na alam mo na po." Ani ko pabalik. "Siya eto. Choco shake, fries and grilled cheese sandwich." Ani ni 'Nay Dolores.

Malugod ko naman itong tinanggap at nag bayad na. Sumunod naman sa likod ko si Duke at inantay ko siyang makabili. After naman non ay pumunta kami sa usual na tambayan na namin. Kumain kami at nag tawanan. Hanggang sa nag-bell na uli at kailangan ng magsi pasok sa kani-kaniyang classroom.

"Sige liit, mamayang uwian uli." Ani Duke. Panira talaga 'to. Inirapan ko na lang siya at nag paalam na rin. Habang nag lalakad na ako sa hallway dahil magka iba kami ng classroom ni Duke ay may tumawag sa'kin. "Recia Allice." Boses ng lalaki. Tila'y isang pamilyar ang boses na 'yon para sa'kin.

Her Presence (Wildflower)Where stories live. Discover now