183 13 0
                                    

SAOIRSE'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAOIRSE'S POV

"EHEM" tumikhim si mommy kaya binitawan ko na ang kamay niya. Napasimangot siya at bumuntong hininga nalang, tumingin siya kay mommy at tinaasan ng kilay. Tumawa nalang si mommy at umiling, sinenyasan niya na magsalita na si daddy.

"Right Astraea, kaya kita pinatawag dito ay dahil nagrequest sakin ang daddy ni Jheorgy na ikaw ang maging tour guide niya"

"Dad, I can't do that. Masakit ang ankle ko ngayon due too a mild accident," nagpapa-awang sabi ko. Marami nakong ginagawa sa opisina tapos gagawin pakong tour guide ng batang yan? Ayoko nga it's a no no.

"Oh no baby, what happened?" nag-aalalang tanong ni mommy. Lumapit siya sakin at inalalayan akong umupo sa upuan. 

Actually hindi na siya masyadong masakit, hindi ko naramdaman yung sakit nung nagshake hands kami kahit na kanina ay iika-ika akong naglakad. Hindi kaya isa siyang witch tapos yung kasama niya si dora na kinidnap niya kasi sa sobrang lakwatsa tapos ginawang lalay?

Napa-iling nalang ako sa naisip at umayos ng upo, si mommy naman ay nag-utos para malagyan ng yelo ang paa ko, si daddy naman ay tumawag ng doctor at baka raw kung ano mangyari sa paa ko kapag natagalan. 

Sa dami ng nangyayari nakaupo lang siya at nakatingin sa paa kong pinapalitan ang bandage at nilalagyan ng yelo. Nagulat nalang ako ng bigla siyang mag-angat ng tingin at irapan ako.

Napa-awang ang labi ko dahil sa ginawa niya, bigla nalang niyang inilipat ang tingin mula sa mata ko ay dahang-dahan bumaba papunta sa labi ko, nakita ko ang pag-ngisi niya at tiningnan ulit ako sa mata.

Nag-iwas ako ng tingin kasi nararmdaman kong umiinit ang pisngi ko. Wala na di nako astig kinikilig nako sa simpleng ganun niya. Nalulusaw ang kaastigan ko shet hindi 'to pwede.

Dapat lalaki lang iisipin natin. Abs, abs, gwapo, gwapo, si Jheorgy ay masarap halik- ok stop. Announcement guys! Official na, bakla ako.

Puro nalang kalokohan ang naiisip ko kaya siguro natapilok ako at nagkapilay sa paa. Anong konek Saoirse? Walang konek pero kami ni Miss Jheorgy pwede magka-konek.

"Papunta na daw ang doktor ni Astrea. Ikaw naman, ano ba kasing ginagawa mo at nagkaganyan ang paa mo?"

"Ano po umm...natapilok ako" pabulong kong wika pero narinig ko ang pagpigil ng tawa ni ano basta yung bisita nila daddy. Tiningnan ko siya ng masama pero nginisihan lang niya ako. 

"Tinatawa-tawa mo diyan?" Taas noong wika ko. Umiling lang siya at ngumiti ng matamis sakin. Eto nanaman tayo mga paro-paro sa tyan ko. 

"Sa susunod mag-iingat ka, tawagan ko nalang si Amethyst para sabihing hindi ka muna papasok bukas para makapagpahinga ka," saad ni dad sabay kuha ng cellphone para tawagan si Amy.

"Paano po siya?" Bulong ko kay mommy. Nginitian lang niya ako at sumunod kay daddy. Teka lang pansin ko lang na nakaka-intindi siya ng Filipino, kahit halatang taga-ibang bansa siya.

Princess' Obsession (GL)Where stories live. Discover now