Chapter 1

1 0 0
                                    

"UMAGA na naman... nakakatamad naman pumasok"  Yan lagi ang sinasabi ko tuwing umaga.

Bakit ba kasi ng nagpaulan ng katamaran sinalo ko lahat kaya karamihan ng grades ko mababa dahil ang tamad mag aral. Hindi lang katamaran kundi pati katangahan.

Ako ay nag aaral sa University of Soong Jing. Pamilyang Choi ang may-ari ng university, nag-aaral din dito ang anak ng may-ari ng university, si Darren Choi. Ang heartthrob ng university, gwapo, matangkad at higit sa lahat matcho,, matalino rin ito pero may pagka suplado at napaka arte. At ito pa, napaka sama ng ugali!

"Micha!!"  Sigaw ng tatlo na sina Lucy, Bianca at Suzy. Sila ang mga kaibigan ko, pero silang tatlo ay masisipag mag-aral lalo na si lucy, siya ang pinaka matalino sakanila

"Bakit ba naka simangot ka nanaman,,huh?"  Tanong ni Bianca saakin

"Oo nga,, alam mo nakakasawa na ang mukha mo!"  Biglang sabat ni Lucy dahilan para biglang tumalim ang tingin ko sakanya

"Ahh ganon?? Alam mo kung nagsasawa kana sakin, ako rin. Ewan ko ba kasi kung bakit ako ganito!"  Nakanguso kong sambit. Napakamot naman sa ulo si Suzy

"Hay naku! Let's go na girls,, aabangan pa natin si Darren!"  Biglang sigaw ni Suzy sa pangalan ni Darren na siyang kinahiyawan ng mga kababaihan

"Darren...I love you!"  Sigaw ng mga estudyante, nakikisali din sina Suzy at Bianca

"Argh,, kahit kailan talaga napaka landi ng dalawa" bulong ni Lucy

"Hayy,, ewan. Cr lang ako, kita nalang tayo sa room"  Paalam ko. Kahit kasi naligo na ako pakiramdam ko ang lagkit parin ng mukha ko

"Ok.."

Mag-isa akong umalis papunta sa cr. Pagpasok ko palang ay kaagad kong nakita si Natasha. Ang malditang babae ng campus, kasama niya ang kanyang mga guard. #Astig diba! And take note, isa rin siya sa nagpapantasya kay Darren,, hay naku mga engot..

"Oww,, the idiot girl is here"  Sambit ni Natasha habang mataray na nakatingin sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin nagsimulang maghilamos

"What are you doing here, huh?"  Taas kilay niyang tanong. Pinatay ko muna ang gripo at kumuha ng tissue pampunas sa mukha ko

"Aii sorry, hindi ko alam pag-aari mo pala itong Cr?"  Sagot ko habang nakangisi sakanya. Bigla namang kumunot ang noo niya

"What do you mean?"

"I said you're so attractive like a bowl,, clear?"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinapon ko sa mismong pagmumukha niya ang tissueng ginamit ko. Gulat na gulat naman siyang nakatingin sa akin, at nang makabawi ay tila nagliliyab na apoy ang kanyang mata

"How dare you!!"  Sigaw niya at akmang susugurin na ako pero kaagad akong tumakbo papalabas ng comfort room

"How dare you too!"  Pabalik kong sigaw at ipinakita sakanya ang middle finger ko.

Paglabas ko ay halos mahimatay ako kakatawa, dumiretso na ako sa room para makwento sa tatlo ang nangyari.

"HAHAHA! Really? Sinabi mo yun?" Tanong ni Bianca habang tumatawa

"Well, sayang hindi natin nakita HAHAHA!"  Tumatawa ring sabi ni Suzy

"Akala niya siguro masisindak ako,, tawagin ba naman akong idiot!" Sumbong ko sakanila at umupo sa katapat ni Lucy

"Hay naku! Hmm tamad ka kasi" Sabat ni Lucy habang inaayos ang eyeglasses niya. Tignan mo ang nerd nato, nanlait pa

"Ayy,, sorry ms. Intelligent, naistorbo ba namin ang pagre-review mo?" Asik ni Bianca

The Turbid Destiny Where stories live. Discover now