Kabanata 06

222 11 0
                                    

"Ang ganda sana ng mga mata mo kaso ang labo."

Hindi ko kakayanin kung hindi ko ililihis 'yon. Masyadong masarap sa puso na nilarawan niya ako.

"Kahit nakakasilaw ka pa bilang sunray, hindi lang naman kita nakikita." Huminto siya. "Nararamdaman din kita."

Wala, speechless na ako.

"Hindi na ako naniniwalang hindi ka magaling mag-express at hindi ka affectionate."

Patago siyang ngumisi. "Sorry po? Sinusubukan ko lang maging salamin mo kahit temporary, hangga't hindi mo pa kayang tingnan sa 'yo."

"Sasagutin ko na ang question mo," atat kong sinabi.

Naging halata tuloy ako dahil nakita kong natatawa siya sa akin.

"Wala," sagot ko.

Muling naningkit ang mga mata niya.

"Wala talaga, hindi ako nagsisisi sa kahit ano."

"Talaga?"

Tumango ako.

Saan ba ako magsisisi?

Ayaw ko na isipin ang mga bagay na dapat kong pagsisihan. Karamihan kasi sa mga 'yon nakakahiyang pangyayari. Lahat nangyari dahil sa sarili kong kalokohan.

"Narinig ko kayo ng pinsan mo." Kinagat niya ang pang-ibabang labi.

Nanigas ang katawan ko nang marinig 'yon.

Anong part ang narinig niya? Narinig niya bang hinahanap ko siya kanina?

"Sa shop..." Tiningnan niya ang likuran ko na para bang tumagos ang paningin papunta sa souvenir shop ni Kim.

"Doon? Akala ko..."

"Narinig ko rin 'yon."

Tuluyang namanhid ang mukha ko hanggang sa hindi na makangiti nang natural. Kung bakit kasi nuknukan ako ng daldal.

"Hinanap kita kasi gusto ko talagang makipag-friends. Ang cool mo kaya—"

"Talagang goal mo 'yan?"

"Medyo, focus lang sa goal."

Umere nang panandalian ang katahimikan nang umiwas ako ng tingin.

"Niloko ka ng ex mo pero ang bait mo pa rin sa kaniya," sabi niya. "Positive lahat ng sinabi mo noong nasa shop kayo na parang hindi ka nagalit sa kaniya."

"Hindi niya ako niloko."

Tumango siya pero hindi naniniwala. Halata 'yon sa ekspresiyon niya.

"Magagalit ka ba kung ikaw ang nasa sitwasiyon ko?" tanong ko.

"Maghahabol lang siguro tapos matatauhan. Normal 'yon kapag totoong nagmahal."

"Iniisip mo na bang pathetic ako?"

"Gusto ko lang banggitin kasi pareho tayo. Nakikita ko ang sarili ko sa 'yo. Wala akong regrets, kaya tinanong kita para makakuha ng sagot kung tama bang wala akong pinagsisihan o maling hindi ako nagsisi. Sabi ng mga kaibigan ko, baka pathetic lang talaga ako at hindi mapangunawa. Pero ikaw, tingin ko mabait ka talaga. Empathetic, iba ang level ng pagiging maunawain."

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon