Bonus Chapter

8.3K 126 7
                                    


F Y E R A H

"Fyerah He's here " sabay tapik ni Maam Andy sa akin

Unti-unti naman ako lumingon malay nyo Bf to ni Maam edi patay ako kay Sir Gomez . Hmm Gwapo ,Sexy at Malaki naman pala Ang













Ang Biceps ! Kayo talaga :P . Parang yung Gagong tatay ng mga anak ko , kamukha nya talaga eh

Gaga ka ! Siya yan ! Si Warren yan

"Oh My God ! " nanlaki naman yung mata ko ng makita ko siya ! Nanlaki talaga parang yung Ano nya ....

Wag mong pairalin yang kaharutan mo ngayon Fye !

Nang makonsesnya ako Agad-agad ko inaayos yung gamit ko na nakalagay sa tabi kong upuan

"Hey bakit ? " nagaalalang tanong ni Maam sa Akin

"Ano kasi maam.... nagtxt po yung kapatid ko .... yung anak ko kasi ano.... hinahanap na ako... mauna na ako maam " nagmamadali akong tumayo at pumunta ng CR ng makita ko siyang naglalakad sa gawi namin

Pumasok agad ako isang cubicle pagkatapos kong masiguro na sarado ang pintuan ng Ladies Room at dinial ang number ni Ate Sj

"Hello Ate "

[Nay ! I miss you na po ! " ] ang anak kong lalaki pala ang sumagot

"William Anak si Tita Sj mo Ajan ba ?"

[ Wala po Nay kasama ni Wyn-wyn bumili ng ulam bakit nay ? ] Nakuh ! Sinabing ako na bibili si Ate talaga pasaway !

"Anak pagdumating na sila sabihan mo si Tita magimpake ha ? Lilipat na tayo ng bahay " Kailangan ko masiguro na hindi nya na kami mahahanap

[Na naman ?  Nay naman eh ! ]

"Wag na magreklamo ha ! Si Eloisa asikasuhin mo " nakasanayan ko na kasing tawagin ang  anak kong babae sa second Name nya

[Sige po ako na po bahala kay Wyn-wyn nanay uwi ka na po ]

Anak uuwi na talaga si Nanay yung impaktong tatay mo kasi eh nagpakita !

"Sige dalian nyo Anak ha bye pauwi na ako Love you Nak ! "

[Love you Nay ]

"So your running away again ? " biglang nanginig ang mga tuhod ko nang marinig ko ang bosea nya

3 Years ..... tatlong taon simula ng mangyari ang pinakamagandang tagpo sa buhay ko na puno ng kasinungalingan

"Wa-warren " humarap ako sa kanya at pumikit

Dumilat ako ng yakapin nya ako ng mahigpit imbis na pagbuhatan nya ako ng kamay

"Fyerah Please wag ka nang umalis .... lumayo .... kayo ng anak ko kailangan ko kayo ... please wag .... wag mo na akong iwanan " tumingala nalang ako para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa pisngi ko .... akala ko mapipigilan ko pero heto umiiyak na rin ako katulad nya

"Mali yung nangyari .... mali yun ....Gusto kong mabuhay ka ng masaya ... ayokong makulong ka sa responsibilidad na hindi mo naman ginusto .... kaya kong buhayin ang mga anak ko ..

Kaya ko .... " umangat ang ulo nya mula sa pagkakabaon sa leeg ko

"Anak natin hindi lang anak mo ! Natin ! " Biglang humigpit ang yakap nya sa akin yung tipong nahihirapan na akong huminga

"Warren naman ! Tumigil ka na ! "

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka natatali sa akin and no one can stop me ! " he press his lips into mine

Familiar feeling na nararamdan ko bumabalaki na naman ... bumabalik naman yung pagbilis ng tibok ng puso ko na nagpapatunay na mahal ko nga talaga ang lalaking to

"Ayusin natin ito . Ikaw , ako at ang mga anak natin bilang isang masayang pamilya "

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila palabas ng Ladies Room

A/N : Bitin :( ? I know right :D

Take Me ForeverOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz