Chapter Two

4 1 0
                                    


"Kristine!" sigaw sakin ni Alexa. Hindi na ko nagpahatid pa kay Vince dahil hindi pa siya tapos kakatawa don sa canteen, kaya iniwan ko na.


"Ang pula ng mukha mo," pansin sa'kin ni Reyme. Nag takip ako ng kamay sa mukha para hindi na nila makita pa.


"Hala! patingin nga ako Kristine" sabi naman ni Angela. Umiwas ako sa kanila at dumaresto ako sa upuan ko.


Sinundan naman ako nung tatlo at umupo na rin sa mga upuan nila. "May nakain ka bang allergy ka? Sobrang pula mo," nag-aalala na tanong sakin ni Alexa.


"Wala 'to... kasalanan lang 'to ni Vince," paliwanag ko sa kanila para tumigil na sila sa pag-alala. 


"Ah kaya pala...may crush ka siguro sa bestfriend mo?" tanong sa'kin ni Angela.


"Sinong hindi magkakagusto sa bestfriend n'ya napaka pogi na ideal man pa...sana all talaga," ani ni Alexa.


"Ako crush ko yung kaibigan mo slight lang kaso walang tatalo sa crush ko na 3rd year computer engineering," sabi naman ni Reyme na kinikilig pa habang ini-imagine yung crush niya na 3rd year student na. Natawa naman kami sa inasta nito. 


"Guy's wala raw si ma'am ngayon may gagawin daw siya sa research n'ya" sigaw ng aming president na si Mia.


Natuwa naman kami sa balita niya na hindi makaka-attend si ma'am. "Uwian na sa wakas!" sigaw ni Reyme.


"Sumabay kana samin, Kristine" anyaya ni Alexa sa'kin.


"Hindi na, antayin ko pa si Vince..tapos pupunta pa ko sa library" sabi ko at kinuha ko na yung bag ko.


"Sige mauna na kami at ako ay tutulog na muna samin" paalam samin ni Alexa bago umalis. Sumabay na ako sa kanila palabas ng CTE building at humiwalay na ko sa kanila para pumunta sa library. Pumili ako ng libro na makakatulong sa report ko at nilabas ko yung papel ko.


...


Hindi ko na namalayan ang oras kaya napatingin ako sa cellphone ko nakita ko naman na ang daming calls si Vince. Tinext ko naman ito na nasa library ako, hinanda ko na ang sarili ko na mapagalitan ni Vince paniguradong galit na yon kanina pa ata nag-aantay sa labas ng building namin. Mga ilang oras bago ko ito makita na naglalakad palapit sa sakin.


"Bestfriend sorry hindi ko na malayan ang oras..maaga kaming pinauwi dahil wala si ma'am tapos dumaresto ako rito para makakuha ng info about don sa irereport ko...kaya sorry po" mahinang paliwanag ko sa kanya.


Ngumiti naman ito sa'kin na kina gulat ko hindi naman ako nag pahalata. "Okay na bestfriend, sa susunod magchat or mag-text ka." Pinisil naman nito ang pisngi ko kaya inirapan ko na lang s'ya.


"Bumalik kana sa ginagawa mo dito lang ako babantayan kita hanggang sa matapos ka" sabi nito sabay upo sa tabi ko. Napangiti naman ako ng palihim dahil sa sinabi nito. Ilang minuto rin ang tinagal namin sa library ng maisipan ko na umuwi na kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lucky I'm In-love with my BestfriendWhere stories live. Discover now