Guidelines

230 15 0
                                    

Kami'y nagagalak at napili mong tignan ang initiative na ito ng WattpadFantasyPH! Ang Anthology Series ay isang activity na nais mag-showcase ng mga Pilipinong manunulat sa genre ng Fantasy. Sa mga susunod na kabanata ay mababasa ang kanilang mga kamangha-manghang gawa, kabilang na rin ang maikling Q&A sa kanila.

Nais mo bang ma-feature dito? Narito ang ilang guidelines na dapat malaman at sundin.

1. Nagbabago kada quarter ang tema ng mga maikling kuwentong ipapasa. Dapat alinsunod dito ang iyong submission. Ang maikling kuwentong ipapasa ay dapat orihinal at engaging. Hindi lahat ng maipapasa may mapi-feature sa anthology.

2. Dapat ay alinsunod sa Wattpad Content Guidelines ang mga maikling kuwentong ipapasa.

3. Ipa-publish ang mga napiling maikling kuwento sa aming profile, WattpadFantasyPH. Ang iyong content na ipapasa ay mananatiling sa iyo at sa iyo lamang. Ang tanging ibibigay mo lamang sa mga admin ng profile na ito ay ang pag-edit ng mga minor na pagkakamali sa grammar, punctuation, at iba pa.

4. Ang pagpo-post ng mga maikling kuwentong napili ay kasabay ng aming pagtanggap ng mga submission. Ang ibig sabihin lang nito ay kahit bukas pa ang form ay nag-a-upload na kami ng mga naunang maikling kuwentong nabasa at nagustuhan na namin.

FAQs

>> Sumobra ng 5,000 salita ang aking maikling kuwento. Hanggang ilang salita ang palugit para hindi ma-disqualify ang aking ipapasa?

Tatanggap kami hanggang 5299 words.

>> Nais kong alisin ang aking maikling kuwento sa profile. Ano ang gagawin ko?

I-message lamang ang aming profile at gagawan namin ito ng paraan.

>> Ang tagal na mula noong ipinasa ko ang aking maikling kuwento, pero wala pa ring balita.

Kapag nangyari ang kasong ito sa inyo, dalawa lamang ang maaaring nangyari. 1) Nagkaroon ng problema sa side ng mga admin, o 2) hindi tanggap ang iyong maikling kuwento.

Pumunta sa susunod na part para sa kasalukuyang prompt ng anthology.


FantasyPH AnthologiesWhere stories live. Discover now