Simula

74 4 1
                                    

JIA

Alam mo ba yung pakiramdam na mag-isa ka lang? Na walang may pakealam sa'yo?

Yung feeling na kahit ginawa mo na ang lahat hindi pa din naging sapat. Yung kahit lahat nalang na hindi mo kaya, kinaya mo para lang mapansin nila pero sa huli, pagkakamali mo lang din ang nakikita nila.

Yung feeling na kahit masakit na tinitiis mo kase naniniwala ka na darating din yung araw na mapapansin ka nila, na mamahalin ka nila gaya ng kung paano mo sila mahalin.

Nagawa mong mag tiis sa maraming taon. Nagawa mong humikbi sa dilim at magpakatatag sa gitna ng araw.

Nagawa mong tiisin lahat ng pangungutya dahil wala ka namang magagawa, kahit wala kang kasalanan hindi naman nun mababago ang katotohanan na anak ka sa isang kasalanan.

Hindi mo magawang komontra dahil sino ka ba para magreklamo? E palamunin ka lang naman sa bahay nila, palamunin kung kanilang tawagin pero sa pang aalila palang nila sa akin, siguro sapat na kabayaran na yun para sa aking mga kinakain.

Hindi ka ganun ka talino pero nag aral kang mabuti, baka sakali, baka sakaling ikaw ay mapansin ng iyong amang tila ikaw ay basura kung itapon at pahiyain.

Sinusubukang maging kasing ganda ng iba, baka sakaling maipagmalaki ng inang adik yata sa gluta, pero wala e, palagi ka pading ikinukumpara sa iba. Ano ba namang laban mo sa iba e paiba iba gamit nila ng rejuv,vitamin C at kung ano ano pa samantalang sa'yo pond lang sapat na.

Nakakatawa, nakakatawang isipin na lahat ng yun ay kinaya kong kimkimin pero umabot na yata ako sa sukdulan, sukdulan ng aking pagtitiis, sukdulan ng aking pagpapanggap na akoy okay lang kahit hindi naman talaga kase sa loob loob ko ako'y basag basag na at ang puso ko ay nagkapira piraso na.

Napatingin sa ilalim ng building na aking kinatatayuan, tiyak ang kamatayan pag ako ay nalaglag ngunit walang kaba o pag aalinlangan akong naramdaman, tunay ngang buo na ang desisyon na wakasan na ang hirap na kinakalagyan...

Ipinikit ko ang aking mga mata, ngumiti at dinama ang hanging yumayakap sa aking kabuoan saka walang pag aalinlangan hinayaan ang sarili na mahulog ng may ngiti sa labi....

🌹

Reincarnated as JinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon