🌹

28 2 0
                                    

IDINILAT ng dalaga ang kaniyang mga mata, pagtataka ay kaniyang nadama. Ito na ba ang paraiso? Ito ba ang klase ng kubo na meroon ang paraiso? Bakit tila ang pangit naman yata. Hindi naman sa pagiging mapagmata pero kasi totoo naman talaga.

Napaka simple, may butas butas pa, malayong malayo sa klase ng kubo na meroon ang paraiso sa imahinasyon niya.

Tumayo ang dalaga at naisipang lumabas, siya ay namangha sa kaniyang nakita. Maraming mga bulaklak. Naglakad lakad ang dalaga at sa kanang bahagi ng kubo, sa hindi kalayuan ay natagpuan niya ang sapa. Siya ay namangha sa kalinisang taglay ng sapa, ang tubig na meron ito ay maaaring mag silbing salamin upang makita at mapagmasdan ang sariling repleksyon.

Lumapit dito ang dalaga, pinakatitigan niya ang kaniyang sarili at muntik na siyang malaglag sa sapa dahil sa sobrang gulat niya. Napahawak siya sa kaniyang mukha at kitang kita niya ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Paano ba naman kasi, hindi niya mukha ang kaniyang nakikita.

Namamangha man sa taglay na ganda ng mukhang nakikita niya sa tubig ay binalot pa din siya ng kaba at pagkalito. Paanong nangyayari ito? Anong misteryo ang nangyayari sa kaniya?

Mga katanungang masasagot ng isang nilalamg na pinagmamasdan siya sa kalayuan. Dahil sa sobrang gulat kaya siguro hindi napansin ng dalaga na ang nilalang na kanina ay pinagmamasdan lang siya mula sa malayo ngunit ngayon ay nasa likod na niya.

Hinawakan ng nilalang na ito ang balikat ng dalaga na naging sanhi ng kamuntikan na nitong pagkalaglag sa sapa. Mabuti na lamang at naging maagap ang nilalang na nang gulat sa kaniya kaya naman bago pa siya malaglag sa sapa ay nagawakan na siya sa braso at nahatak palayo sa sapa.

Gulat na tiningnan ng dalaga ang gwapong nilalang na nasa kaniyang harapan. Hindi niya lubos akalain na sa pagharap niya sa kanoyang kamatayan siya ay makakatagpo ng nilalang na kung saan salitang gwapo ay hindi sasapat para ito ay ilarawan.

Napangisi ang ginoo. Sa tingin pa lamang ng dalaga alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Hindi naman niya ito masisisi pagkat kagwapuhan niya ay nag uumapaw kaya normal lang na matulala ito sa kaniya. Sino nga ba naman ang hindi kung siya na ang kaharap ng mga kagaya nitong dalagang nasa harap niya.

Sa uri ng ngisi ng ginoo nawala ang pagkamangha na naramdaman ng dalaga.

Hambog

Yan na lamang ang salotang nasambit noya sa isipan niya. Saglit na kumunot ang noo ng ginoo dahil sa pagbabago ng hilatya ng mukha ng dalaga. Hindi kalaunan siya ay natawa. Nakakimutan niyang ayaw pala mg kaluluwang nasa loob ng katawan ng alaga niya sa mga hambog na gaya niya.

Oo, aminado siyan  hambog siya, pero totoo naman kasi talaga na gwapo siya. Bulag lang ang hindi makakapansin sa kagwapuhan niya.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Saka bakit ka ba nanggugukat? Bagak mo ba akong patayin? Hah? Alam mo bang hindi ako marunong lumangoy? Paano kung nalaglag ako? Hah?"

Inis na sabi ng dalaga na hindi man kang pinansin ng ginoo, bagkus, nagawa pa niyang irapan ang dalaga.


"Kalmahan mo lang, masyado kang atat. Subukan mo kayang isa isahin lang mag tanong. Sa dami ng itinanong mo ni isa wala akong matandaan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated as JinxWhere stories live. Discover now