CHAPTER 3

15 0 0
                                    

JISOO's POV:

Maya - maya ay dahan dahan itong napalingon sa gawi ko, doon nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na kasama ko ang lalaking tinutukoy niya.
"Care to explain, whoever you are?", sambit ng lalaking pinakilala bilang si SeokJin.

Nakita ko sa leeg ni Claire ang paglunok nito ng sariling kaway dahil sa kaba. I was worried about my friend kase hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng lalaking ito sa kaybigan ko kaya lumakad ako papunta sa harap ni Seokjin.

"Pagpasensiyahan mo nalang yung kaybigan ko.", sabi ko. Pero natawa lang ang binata. Nasa itsura nito na parang mahirap siya pakiusapan.

Kung sa bagay, kung sa akin din naman mangyayare baka parehong reaksiyon ang gagawin ko.

"Sa tingin mo papalagpasin ko ang ginawa niya? She almost ruined my name! My reputation! And even my family's fortune!", sabi ng lalaki habang nanlalaki ang mga mata dala ng galit.

Hindi ko naman siya masisisi kung magagalit siya dahil sa naging resulta ng ginawa ni Claire, pero siyempre ayokong hayaan si Claire!

"Nagagalit ka samantalang ilang babae naman talaga ang muntik mo ng mabuntis!",
-"Akala mo hindi ko alam?! Iniwan mo ang kapatid ko pagkatapos mo siyang maging parausan noong isang gabi! Natatandaan mo? SI AIA?!", singhal ni Claire.

S-Si Aia? Nakipagsex sa lalaking ito?

Seokjin became speechless after what Claire said. Kahit ako ay nagulat pati na rin si Lance na kasalukuyang nasa likuran ni Seokjin.

Akala ko makokonsensiya ang lalaki pero sa halip siya pa itong nagagalit ulit. Nang marinig ko ang sinabi ni Claire, invalid na sa akin ang dahilan ng lalaking 'to. Bata pa si Aia!

"Pumayag ang kapatid mo kaya wala akong kasalanan. Pero ikaw, at ng kaybigan mo meron.",
-"And I swear, as long as I can, you will rot in jail!", sabi ni Seokjin bago ito lumabas ng bahay.

Hindi agad sumunod si Lance dahil may sinabi pa ito.

"I'm sorry.", bago siya lumabas at sundan si Seokjin.

Doon ako napahinga nang malalim at animo'y natanggalan ng tinik sa lalamunan nang makaalis na ang dalawang lalaki. Pero hindi ko parin maiwasang mapatingin ng masama kay Claire dahil sa ginawa niya.

Hindi ko lubos maisip na mangyayare sa magkapatid iyon. Lalo na kay Aia, college student palang siya para sa ganoong bagay!

"Anong ginagawa ng dalawang iyon dito?!", tanong ni Claire sa'kin.

"Hindi ko alam."

"Bigla nalang silang sumulpot.",

"Pinagbibintangan ako sa ginawa mo.",

"Pasensiya ka na, Jisoo. Hindi ko lang kase matiis eh.",
-"Binaboy ba naman ang kapatid ko kaya magagalit talaga ako.", paliwanag ni Claire.

Naiintindihan ko naman saya kaya hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa kaniya. Pero sana naman huwag na niya ulitin. Lalo na ngayon, nagbanta ang lalaking 'yon. Itsura palang, mayaman siya at maraming koneksyon, kaya sigurado akong madali lang sa kaniya ang ipakulong si Claire!

Bakit kaya siya pa ang may karapatan na magalit ng sobra? Kung sa bagay, nasira ang pangalan niya, pero ang makipagtalik kay Aia ang hindi ko matanggap!

Kapatid na ang turing ko kay Aia kaya nasasaktan ako sa ginawa ng lalaking 'yon!

"Ayos lang iyon. Pero ingatan mo si Aia.", Sabi ko.

After that day, naisip ko na kausapin ulit yung Lance at si Seokjin para maaga palang mapakiusapan ko na sila na huwag na magcharge ng kaso.

Kaya oo, nandito ako sa harapan ng S.K enterprise para kausapin siya tungkol sa nangyare kahapon. Pero ngayon, naiinitan ako! Pakiramdam ko isang diablo ang haharapin ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Girlfriend for Rent (Jinsoo)Where stories live. Discover now