Chapter 5

715 33 6
                                    

Ruru's POV
Pumunta muna akong canteen para magpalamig. Oo aaminin ko, mahal na mahal ko si Gabbi. Umupo na ako. Nagcheck muna ako ng Facebook ko. Tinignan ko yung notifications ko, may nakita ako na "Carla Bautista added a new video of you." Ano to? Pinindot ko. Hala. Navideohan pala yung buong pag-uusap namin ng barkada ko. Kasama yung sa part na sinabi ko na mahal na mahal ko si gabbi. Paano to pag nakita niya to. Tinignan ko yung comments.

"Grabe, ngayon lang yan umibig ng tunay."

"Ang swerte ni Gabbi."

"Wow. Magbabago na siya."

"Magbabago siya para sa girl."

Hindi ko na tinuloy. Hala ang dami na ng nakakita. Paano na to?

Gabbi's POV
Naglalakad kami dito ni Bianca sa mag lobby ng may narinig ako.

"Mahal na mahal ko si Gabbi Garcia."

Sino to? Parang kilala ko yung boses niya. Hinanap ko kung saan nanggaling yung tunog. Nakita ko si Ruru yung nagsasalita then nagwalk-out siya. Anong meron? Bahala na nga. Sinundan ko na lang si Bianca papunta sa puno. Umupo kami sa ilalim. Nagulat ako ng tinawag ako ni Julia.

"Gabbi, Gabbi tignan mo to." Sabi ni Bianca. Anong meron?

"Anong meron?" Ako

"Panuorin mo na lang." Pinakita niya sa akin yung video. Si Ruru to. Huh? Magbabago na siya. Wow. Sana nga. Nagulat ako sa narinig ko. Yung sa bandang huli na part. Yung sinabi niya na "Mahal na Mahal ko si Gabbi Garcia." Siya nga yung narinig ko kanina. Hala. Nung narinig ko yun. Parang hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nagulat ako ng nagsalita si Bianca.

"Gabbi. Huy. Tapos ka na ba manood?" Julia

"Ahh. O-oo." Ako. Bakit ako nauutal. Hindi hindi. Hindi to pwede.

"Well. Sabi niya Mahal na Mahal ka daw niya. Anong masasabi mo?" Julia. Ano nga ba?

"Sa tingin mo magbabago na siya dahil sa akin?"

"Ewan. Siguro. Let's figure it out. Ikaw pa lang ang babaeng minahal niya "DAW" ng totoo." Bianca. Diniin pa talaga yung daw.

"Malay mo. Ewan. Siguro." Ako

"Tignan mo. Naguguluhan ka. May gusto ka din sa kanya noh? Sabi na nga ba eh. Hindi mo kaya. Bahala ka, it's your choice." Bianca

"Oo na. Hindi ko kaya mawala yung feelings ko sa kanya. Ang hirap eh. Tulungan mo naman ako. Hirap na hirap na ako eh." Ako.

"Ang masasabi ko lang. Wag kang magtitiwala agad-agad sa kung sino-sino. Ikaw bahala, feelings mo yan eh. It's your choice. Tara nga sa canteen na tayo. Pagod at gutom na ako eh." Bianca

"Okay. Tara na, gutom na din ako eh." Ako. Tumayo na kami then pumunta na kaming canteen.

----------------------------------------------------------------------
AN: Sorry panget. Hope you like it. Next chapter ulit.

I Fell In Love With A Campus Heartbreaker (Gabru) [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon