Simula

451 18 2
                                    

Shanta PoV

"Shanta, hindi ka pa ba lalakad?" tanong ng kaniyang Tita Carol sa akin dahil kanina pa ako nakaharap sa salamin ng aking aparador. Pinagmamasdan ko ang aking sarili, kung maganda na ba ako o kaakit-akit na sa mata. Dise otso anyos pa lamang ako at maaga akog natuto kung paano mag-ayos ng aking sarili dahil sa nanay ko na dating dancer sa club.

Nang mamatay ito ay nagpasya ang aking Tita Carol ang nakakatandang kapatid ng aking ina, na tumira muna ako sa probinsya sa aking Tita Cora, ang bunsong kapatid ng aking ina. Hindi ko man gustong umalis dito sa Maynila ay wala akong nagawa. Hindi ko naman kayang makita na nahihirapan ang aking Tita Carol dahil marami itong mga anak.

"Kaya mo naman sigurong bumiyahe mag-isa papuntang Nueva Ecija? Nasabihan ko naman na ang Tita Cora mo na sunduin ka," sabi pa nito habang inaayos ang aking ibang mga gamit.

"Opo, alam ko naman ang bahay ni Tita Cora kaya hindi ho ako maliligaw. Isa pa ho kasama ko naman si Mareng Magta."

Kumunot ang noo ng aking Tita Carol sa sinabi ko. "Mareng Magta?"

Bumungisngis ako sa naging reaksiyon ng aking tita. "Magtanong, tita."

"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Nariyan na ang mga gamit mo, ang pamasahe mo naibigay ko na, may baon kang mga biscuit at juice kung sakaling magutom ka sa biyahe. Huwag mong kakalimutan ang mga ibinilin ko ha. At iyang damit mo, naku kang bata ka!" Tumingin ito sa suot kong hanging blouse at black fitted pants. "Mas mabuti sigurong mag:jacket ka na lang muna."

Napailing na lamang ako, ano naman ang masama sa itsura ko. Nagmana lang siguro ako sa nanay ko na fashonista hindi katulad ng aking Tita Carol at Tita Cora na mga old fashioned, palaging nakabestida o kaya naman palaging nakapalda ng mahaba. Koserbatibo ang mga ito sa katawan hindi katulad ko.

"Tita, hanggang tingin lang naman sila, huwag po kayong mag-alala hindi naman ako mapapahamak." Kinuha ko ang aking bag pack at saka hinagkan ito sa pisngi. Nagmarka pa ang aking pulang lipstick sa pisngi nito.

"Ingatan ka ng Diyos, Shanta."

"Salamat ho."

Tinungo ko ang labas ng apartment ng aking Tita carol, may nakaabang nang tricycle na siyang maghahatid sa akin sa sakayan ng bus. Malungkot ako sa aking pag-alis dito sa Maynila dahil naiwan ko ang aking mga kaibigan at si Jino na aking kasintahan. Alam kong magagalit siya sa akin dahil sa naging desisyon ko. Inaalok kasi niya akong makipagtanan pero hindi ako pumayag.

Marami pa akong mga pangarap at ayokong piliin si Jino dahil lamang sa pag-ibig na hindi naman ako mapapalamon. Mahirap lang din ang buhay nina Jino, pareho pa kaming bata at kung magpapadala kaming dalawa sa aming kapusukan ay baka pagsisihan lamang naming dalawa balang araw.

Sa may bus patungong norte ako sumakay, Tarlac ang ruta nito at doon ako bababa sa terminal ng Tarlac at saka sasakay muli ng jeep patungo naman ng Nueva Ecija. Sa pangdalawahang upuan ako naupo, matagal bago umandar ang bus na sinasakyan ko kaya naman nilibang ko muna ang aking sarili sa pagmamasid sa paligid.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa probinsya. Tiyak ako na magiging boring ang buhay ko roon dahil nasa poder ako ng matandang dalaga. Trenta anyos na ang aking Tita Cora at wala pa itong kasintahan. Ayoko naman na matulad sa tita ko ang buhay ko. Kahit na may sarili itong bakery at may negosyong isdaan ay hindi naman ito masaya.

Highschool graduate ang natapos ko at naranasan kong magtrabaho bilang waitress sa club na pinagtrabahuan ng aking ina ngunit nang mamatay ito ay hindi na ako pinayagan pang magtrabaho roon ng aking Tita Carol, sa halip tinulungan ko siya sa karinderya nito sa tapat ng apartment at nag-alaga na rin sa mga anak nitong makukulit. Apat ang anak ng aking Tita Carol at maaga itong nabyuda, namatay ang asawa nito sa pagkakalaglag mula sa itaas ng ikalabing isang palapag kung saan contruction worker ito.

At ngayon mag-isa na lamang na tinataguyod ng aking Tita Carol ang mga anak nito. Habang nagmumuni-muni ako sa mga nangyari sa buhay ko sa nakalipas na mga taon ay may lalaking tumabi sa inuuapuan ko. May dala itong bulaklak at alapad ang ngiti. IIsang bulaklak lang ang hawak nito na pinapakaingatan. Napangisi ako, mukhang mahal na mahal ng lalaki ang babaeng pagbibigyan nito niyon.

Napansin ako ng lalaking katabi ko marahil iniisip nito kung bakit ko siya tinitigan.

"Miss, may problema ka ba sa akin?"

Ngumiti ako sa lalaki at binago ang aking ekspresyon. Napansin siguro nitong magkasalubong ang kilay ko. Cute ang lalaki na sa tingin ko nasa edad bente singko. Matipuno ang pangangatawan nito, matangos ang ilong at malamlam ang mga mata na para bang inaantok, ang mga kilay nito ay katamtaman ang kapal, namumula ang mga labi nitong napakaperpekto ang tabas. Gumalaw ang adams apple nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Miss," muling untag nito sa akin.
Umayos ako sa aking inuupuan at saka tumingin sa aking harapan. "Akala ko kasi kilala kita kaya kita tinignan, pasensiya ka na," pagsisinungaling ko ngunit ang totoo ang lakas ng dating niya.

May kung ano akong naramdaman sa puso ko.

Narinig ko ang pagtawa nito. "Baka iniisip mo ako ang nawawalang kamag-anak mo."

"Medyo, kahawig mo kasi iyong collector sa apartment namin ng tita ko," nakangising sabi ko.

"Ang lakas ng tama mo, miss."

Tinamaan nga yata ako. Ang aking inosenteng puso ay mabilis na tumitibok.

Umandar na ang bus. Nagkikiskisan ang mga balat naming dalawa ng lalaki. Bumuga ako nang malalim at saka lumayo rito nang kaunti.

Hindi ko siya kilala at baka mapahamak pa ako sa lalaking ito kapag nagpakita ako ng motibo.

Nagbukas ako ako ng kendi at isinubo iyon. Pagkatapos ay tumingin muli ako sa bintana at saka sumandal doon.

"Miss, pareho pala tayo ng pupuntahan, sa Tarlac din ako bababa."

Bahagya ko siyang tinignan at saka ngumiti rito.

"Ang layo mo naman manligaw, sa Tarlac pa talaga."

"Dahil sa pagmamahal handa kong gawin ang lahat. Teka, hulaan ko nasa bente uno ka na."

Tumawa ako sa sinabi nito. "Mukha lang akong mature na tignan pero dise otso anyos pa lamang ako, kuya," nakangising sabi ko sa lalaking hindi maalis ang tingin sa mukha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakaw Na Pag-ibig (Super SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon