introduction

28 4 1
                                    

2012, Grade 10.

Rica

3:00 p.m. yung nakaschedule na vacant namin, pero eto, nandito parin kami sa Home Economics namen. Hala, sige, daldal parin etong teacher namen, wala namang nakikinig sa kanya. First day na first day di manlang agahan magpa-dismiss.

Patago kong kinuha yung cellphone ko sa bag ko. 3:18 na, then inopen ko yung Twitter. May nag-twee-

"Santos!" Damn.

How did she knew my name? Eh first day palang tsaka di pa kame nagpapakilala.

Pustahan tayo may nagsumbong.

"I don't like seeing my students using cellphones or any gadgets inside my room and during my period! Understood, Santos?!" Ngayon ko lang narealise, ang pangit pala talaga ng teacher namen.

"Yes, Ms. Diaz." Sagot ko in puppy voice with matching puppy eyes. Baka paguwi ko aso na ako.

"Class dismiss." Inirapan ako, aba.

Nagsitayuan na rin sila at lumabas na kami. Badtrip.

"Tanga mo kase eh." Punyeta 'tong Mariz na 'to. Pasalamat sya di ko sya pinapatulan kase sya lang kilala ko saming girls. "Gusto mo?" Inalok nya ko ng mamon ng Goldilocks na parang after twenty three seconds aamagin na.

"No thanks."

Mariz

Kawawa naman 'to, sinumbong pa kasi nung Claire eh. Ayan, damay tuloy ako sa init ng ulo.

Nanahimik na ko, tama na yung sinabihan ko syang tanga. Baka pag dumaldal pa 'ko eh isalpak sa bunganga ko 'tong mamon na hawak ko.

Asaan na ba kasi si Liezel?

Jhamela

Super late naman magpalabas yung teacher namin. Almost twenty minutes late. Buti nalang may napagalitan kaya pinalabas na kami, thanks to her.

"Order na ba tayo?" si Alex, sya lang yung kilala ko sa section namin kase classmate kame last school year.
"Sure."

Umorder na kami. Grabe ang crowded talaga lagi kapag 3 o'clock. Parang may feeding program, ew. And for worst, wala nang empty na table. Ayoko pa namang may kahati sa lamesa.

"Yun yung Claire diba? Yung sinumbong si Santos?" sabi ni Alex, ano namang pakelam ko?
"So?"
"Dun nalang tayo makiupo." Eh?!

Naglakad na kami papunta duon sa pwesto nung Claire.

"Can we share?" tanong ko, with taas kilay.
"Yes, sure." Sagot nung medyo light brown yung buhok. Bakit ganun yung buhok nya?

"Addie, by the way."

Claire

"Jhamela. And sya si Alex."

"Andrea."

"Mikka"

"Claire." sabi ko, in a friendly way.

"Alam ko." deadpanned ni Jhamela. Naka poker face pa talaga. "Ikaw yung nagsumbong kanina eh."
"Why? Friend nyo sya?"
"Nope."

Nagtinginan kami ni Addie.

Mikka

Sosyalen naman masyado 'tong mga kasama ko. May pa-alcohol pang nalalaman yung Jhamela. Parang daw may feeding program lagi. Sa totoo lang, kanina pa sya reklamo ng reklamo. Wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi nya. Ang daldal.

"Miks oh." si Andrea. Best friend ko since grade 7. Binilhan nya ko ng frappé. Yaman.

Papunta samin yung Mariz tsaka Rica. Lagot.Si.Claire. Palaaway pa naman daw yung Rica.

"Hi." sarcastic na smile ni Rica kay Claire.
"Hello."
"Pwedeng maki-upo?" sabi nung Mariz.
"Sure." Addie.

"Okay ka na? Pinagalitan ka earlier, right?" Jhamela.
"I'm more than okay. Wala na yun, sanay na akong mahuling nagcecellphone." tawa pa sya. Pansin ko lang, laging may dalang kape 'tong si Rica.

Nagpakilala na uli kame then silang dalawa rin nagpakilala.

Liezel

Hala naliligaw ako, peste. Transferee lang kase ako dito. Ang laki netong school na 'to. Kahit cr di ko manlang mahanap. Kanina ko pa hinahanap sila Mariz, sila kasi yung una kong nakilala nung enrollment.

Pumunta ko sa canteen. Grabe, daming tao, twenty na long tables ba naman ang meron.

Ay wait, parang nakita ko 'to kaninang Science. Chinito, matangkad, tsaka parang suplado yung datingan. Lapitan ko nga.

"Excuse me. Diba kaklase kita? Section II" Umupo ako sa tabi nya since magisa lang naman sya.
"Yeah."
"Hello."
"You need anything?" ANG SUNGIT.
"Nakita mo ba sila Rica? Si Santos, yung pinagalitan kanina? Nakita mo?"
"Ayun oh, tanga." sabi nya sabay turo dun sa bandang dulo malapit sa back door ng canteen.

Iniwan ko nga, di na ko nag thank you. Sabihan ba naman akong tanga.

"Hey!"

Lumingon ako, tinawag nya ko?

"Jimuell." sabay kindat tas nagsmirk pa. Hala.

Andrea

May papunta sa pwesto namin na medyo chubby, pero cute.

"Rica!" makasigaw naman 'to.

"Yan nanaman sya. Hindi nanaman magiging payapa ang daigdig." simangot ni Rica.
"Ganyan talaga si Rica, kala mo laging may regla." pag-explain ni Mariz na kala mo translator ng body language ni Rica.
"EXCUSE ME?!" Problema neto ni Jhamela? "Nasa harapan tayo ng pagkain, di mo ..." Ayan nanaman si Jhams, kala mo scientist. Tas mag aalcohol nanaman. Sabawan ko kaya yung kanin nya ng alcohol nang matigil.

Si Rica nagcellphone nanaman.

"Rica!" sumigaw uli yung chubby, biglang nagearphone si Rica. Hahaha.
"Huy." kinalabit ni Mariz.
"Ha?" jusko Rica.
"Tawag ka ni Liezel. Upo ka Liezel."

"Liezel pala name mo. Hello. Addie." ayan nag pakilala nanaman kaming lahat. Pa-ulit ulit nalang.

Maya maya nag ring na yung bell. Sabay sabay na kaming nagpunta sa room. Room 206.

Daming panget.

Alexandria

After a month, nagdecide kaming nine na gumawa ng grupo. July 28.

Ngayon, march na. Mag su-summer break na. Grabe andami ring nangyare.

Addie

Grade 11 na kami next year and kelangan na naming lumipat ng school base sa course na kukunin namin. Mamimiss ko sila.

Kahit na ilang beses kaming nagaway away, ayokong mahiwalay sa kanila.

***

-rica @tokyogouhls

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prelude (S9)Where stories live. Discover now