Nagkaron ng pagtitipon sa tahanan ng mga Dalab kung saan nagtitipon ang mga kaibigan at kamag anakan nila. Nagpasalamat sa panginoon sa pagkakaligtas ni Cherish at para sa lahat ng mga magagandang naganap sa kanilang pamilya. Lalo pa kasing lumago ang kanilang negosyo hindi lamang sa kanilang lugar kundi maging sa katabing mga lalawigan. Unti unti na ding bumabalik ang lakas ni Cherish sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya. Naging panauhin din nila sina Victoria at ang parents nito.
"Ateee Jeee...!"sigaw ni Cherish ng makita si Victoria at inakap ang isat isa.
"Cheche para sayo.."
"Teddy Bear!!! Para sa akin?!" kumiskislap ang mga mata ng bigyan siya ng white teddy ni Victoria.
"I remember na iniyakan mo yung teddy ko dati kaya lang ayaw pumayag ni yaya Chona na bigay ko sayo yun kaya ayun iyak ka ng iyak.."
"Naalala mo pa pala yun?"
"Hehehe oo naman. Uhm, Che, I'm sorry..."
"Sus ano ka ba wala na yun no at saka gusto ko din magsorry kasi ito si... Dee...umm.."nauutal na sambit ni Cherish. Nahulaan naman ni Victoria ang gustong sabihin nito kaya siya na ang nagpatuloy.
"Si Dee na patay na patay sayo. Hehehe. Ewan ko ba kung bakit pilit ko pinagsiksikan ang puso ko sa taong kahit kilan hindi ako kayang mahalin. Huli ko na yan napagtanto pero ewan ko ba sa kagagahan ko muntikan ko pang mapatay ang taong..."sabay sulyap niya kay Cherish..."Ang taong nagpasaya sa akin nung bata pa ako. Ang batang gusto ko ipagtanggol kahit kanino kasi ako ang big sister niya...kaya if ever na saktan ka ni Dee, magsumbong ka sa akin, ibibitin ko siya ng patiwarik.."natatawa niyang wika at biglang sumulpot ang nasabing salarin sabay tabi niya sa kanyang misis.
"I heard that.."
"Yeah, sinadya ko naman na marinig mo no.."nakabilat na biro ni Victoria kaya inirapan ito ni Dee. "By the way, gusto ko magthank you at the same time magpaalam sa inyo. Babalik na ako ng London kasama ng parents ko. Doon ko na lang ilalabas itong munchkin ko and raised my child sa London."
"Ahm, hindi ka na babalik dito ate?"tanong ni Cherish.
"Babalik naman kapag may balak kaming magbakasyon no.."
"Just call as anytime if you need anything.."turan ni Dee.
"Oo nga ate. At saka gusto ko din makita ang baby mo..."turan pa ng dalaga na medyo nakitaan ito ng lungkot sa mukha.
"I'm sorry Che, Dee...Nang dahil sa akin, hindi na kayo magkakaanak.."
"Ako hindi na pwede pero si Dee pwedeng pwede to bear a child. And pwede niya rin carry ang anak ko kung gusto niya.."
"Hehehe, pag isipan muna namin ang tungkol sa bagay na yan."biglang singit ni Dee.
"Ayaw mo masira ang figure mo no?"nakasimangot na tanong ni Cherish.
"Uy hindi sa ganun.."
"Naku kunwari ka pa eh.."ingos ni Cherish hanggang sa tinawag na silang tatlo para simulan na ang salo salo. Kaya ang long table napuno ng tawanan at halakhakan.
Makalipas ang ilang taon...
"Mamaa!!! Maamaaaa!!" tawag ng batang babae sa babaeng nasa may counter na inaayos ang mga coffee mugs dahil nasa shop sila kaya nilingon niya ang batang mga nasa tatlong taon at may inaabot na bulaklak sa ina. Kinuha niya naman ito kahit nag aalalang baka natinik ang anak.
"Dyosko Taz (Tazanna Yaretzi Dalab Liberty -Tazanna means beautiful princess and Yaretzi you will always be loved-ang kanilang nag iisang anak na babae na after ng isang taon, sinubukan nila ang kumuha ng sample kay Cherish at sperm mula sa kanilang donor at ipinasok sa bahay-bata ni Dee. Sobra silang natakot pero sa awa ng diyos naging successful ang lahat kaya naman tuwang tuwa sila ng lumabas ang batang babae sa mundo. Iyon din ang simula na naging matatag pa ang pagsasama ng dalawa) baka matinik ka niyan.." nag aalalang wika nito at sinipat sipat ang maliit na kamay ng batang babae. Sumulpot naman sa likuran ang magandang misis niyang si Dee Liberty at may bitbit na bouquet. Nakapamewang at kagat labi naman si Cherish na feeling niya siya ang pinaka magandang babae sa balat ng saging este lupa. Everyday ba naman siya nililigawan ng asawa, kinakantahan ngunit kapag siya na ang kumanta naghihilik na si Dee kaya kinabukasan sandamakmak na regalo ang binibigay sa asawa. Pati isaw at adidas nagawang kainin ni Dee dahil sa pag iinarte ng misis niya.
YOU ARE READING
Ang Sarap Ng Pie Mo (Book 2)
Short Story"No matter what other people say to you, I swear that I would always choose you, my love. You are the one for me, the one I knew was going to stay with me for the rest of this life. There is just nothing in this life that I want the most than to be...
