Kabanata 07

187 8 0
                                    

"Gusto mong i-point out 'yong rareness ng chances in every particular aspect at kaibahan ng bawat tao?" Umiwas ako ng tingin at humigpit ang kapit sa towel niyang nakatakip sa hita ko.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakikita kong nakatingin siya sa akin habang hinahawi nang katamtamang lakas ng hangin ang kaniyang buhok.

Buntong-hininga, 'yon ang ginawa niya. "Naalala ko 'yong sinabi mo sa shop." Binuksan niya ang paksa. "Ang weird kasi ngayon naiintindihan ko na 'yong feeling."

"Ang alin?" Nanatili ang paningin ko sa kalmadong dagat.

"Na parang kilala mo ako? Strangers pa rin tayo at dalawang beses pa lang nag-meet pero ang weird na parang kilala na talaga kita."

"Sabi sa 'yo, e."

Ngumiti siya at napailing. "Deja Vu?"

"Baka related lang tayo?"

"Oh," nagkaroon siya ng accent nang sabihin 'yon. "Magkamag-anak tayo?"

"Malay mo pinsan kita? Tapos lukso ng dugo pala ang nararamdaman natin?" Hindi kilig.

Nagtama ang mga mata namin na akala parang seryoso sa mga pinagsasabi.

Ang cute na kaya naming sakyan ang kalokohan at kawirduhan ng isa't isa.

"'Wag naman!" Labas ang mga ngipin siyang ngumiti.

"Diring-diri ba?" biro ko.

"Ayaw ko lang na relatives tayo," sagot niya.

"Maganda kaya ang lahi namin," nagkunwari akong na-offend.

"Sorry, pero kung totoo man 'yan tututol talaga ako."

"Imposible, 'wag ka mag-alala. Wala kaming taga-Batangas na relative. Anong blood-type mo ulit? Baka posible rin."

Natahimik siya at natigilan na tila pinag-iisapan kung sasagutin ang aking tanong, dahil alam niyang huhulihin ko lang siya at aasarin. Siguro weird para sa kaniya kung magkatotoo ang biro namin kaya sobrang tutol siya.

"DNA yata 'yon, Kuting."

"Para lang may mapag-usapan."

"Sa 'yo muna," ani Cyd.

Umiling ako. "Baka dayain mo 'yong sa 'yo kapag alam mo na ang sa 'kin."

Hinilig niya ang kaniyang ulo. "Sige, O-positive ako."

"Walang daya 'yan?" suspetya ko.

"Kuting? Totoo nga."

Matalim ko siyang tiningnan. "Okay, noted!AB-negative ako."

Nagpanggap siyang nabigla.

Ang korni.

Mabuti na lang cute siya.

"Ayoko na inuuto ako at pinapaniwala, ha?" ani ko. "Hindi ko kakalimutang O-positive ka."

Huminto ang mga mata niya sa mukha ko.

Awtomatiko kong tinago ang kabang naramdaman dala ng pagtataka.

"Rare ng blood-type mo." Binulong niya sa sarili 'yon nang sandaling sabihin.

Tuluyang umawang ang labi ko nang ipatong niya ang palad sa bumbunan ko at marahang guluhin ang aking buhok.

Natauhan lang ako nang alisin niya 'yon at muling magbaling ng paningin sa dalampasigan.

"Para saan 'yon?" tanong ko.

"Ang cute mo kasi siguro?" Inipit niya ang mga takas na buhok sa kaniyang kanang tenga. Ang hinhin niya kapag ginagawa 'yon. "Naisip ko lang kasi about blood-type tayo. Kunwari vampire ako tapos kinagat kita at sinipsip ko lahat ng dugo mo, saan ka kaya kukuha ng dugo?"

TakasWhere stories live. Discover now