Chapter 14

3.7K 217 26
                                    

Since wala akong naka schedule na important surgery for today ay naglaro kami ni Monique ng tennis. Actually eto talaga ang nagsisilbing work out ko——aside from masarap sa pakiramdam ay magandang cardiovascular exercise din ang tennis.

Hindi kasi ako ang tipo na gym kind of person.

Mas gusto ko parin may konting competition habang pinagpapawisan. Para kahit paano ay may thrill parin at hindi nakakaboring.

Just like now. Monique and I set a bet na kung sino ang matatalo sa laro ay manglilibre ng lunch. Of course, we still pay for each other's meal regardless of the results. Nag-enjoy naman kami and that matters most.

Pero syempre ako ang nanalo.

"I lost again." Naiiling na reklamo ni Monique. "When will i beat you?"

I laugh at her. "Try harder."

"Hindi ka lang magaling sa ballroom, tennis din plus maganda pa."

Naupo ako sa sahig ng court to rest. "Ako magbabayad mamaya for lunch kahit talo ka, wag mo nalang akong bolahin."

"Grabe ka Shi." Isinuksok ni Monique ang mga hawak nyang raketa sa lalagyan nito. My best friend is very organized kaya mas inuuna nyang ligpitin ang rekata nya kaysa uminom ng tubig o magpahinga. "Nagsasabi ako nang totoo. Kaya nga na nagkagusto sayo si Alexandra."

"That's not true." Pagtanggi ko. "Malambing lang talaga yong tao."

"She told me." Pagpupumilit nya.

"Monique." I stopped her. "May asawa na yong tao."

"Pero teka bakit hindi natin iinvite si Alex maglaro?" Tanong nya bago maupo sa tabi ko. Halos 45 mins din kaming naglaro. "Namiss ko na ang babae na yon eh."

Kinuha ko ang dala kong tubig. "If she's not busy——then why not? Alam mo naman ang kaibigan natin na yon parang sya na ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng Pilipinas."

"Monteralba ba naman." Natawa si Monique.

Kilala kasi ang prominenteng pamilyang Monteralba sa business industry, in and out of the country. I remember High School palang ay nagmamanage na si Alex ng businesses nila. Sobrang sipag nya, mabait, witty and sobrang down to Earth na tao.

Nakakamiss si Alex.

Kamusta na kaya sya? I can't even remember when was the last time we speak to her.  Kadalasan sa TV, newspaper o magazine nalang ako nakakabalita sa kanya——sa kanila ni Cassandra.

"She has a beautiful family though." I told her. "A beautiful wife and daughter, my inaanàk sofia."

Sumandal si Monique sa pader at huminga ng malalim. "Nakainggit ano? Parang ang perfect ng buhay ni Alex."

Indeed.

Sinulyapan ko ang best friend ko. "Ikaw anong update sayo?"

She knows what I'm referring of.

"Wala." Maiksi nyang sagot, a little hesitant. "Julian is just a friend."

"No chance talaga?" Curious ko na tanong.

Tumango si Monique. "I tried pero wala talagang spark, i already told him though. Ayaw ko kasi sya bigyan ng false hope."

But i noticed she's a bit sad. "What's wrong?"

"Nothing." She quickly dismissed. "Just..." I waited for her to be ready to say what's really bothering her. "We had a big argument last night."

"Julian?"

Umiling si Monique. "The girl."

Hindi magkarelationship pero may awayang nagaganap. So i guess, may nanalo ba sa puso ng best friend ko. "What happened?"

The Surrogate (Lesbian)Where stories live. Discover now