Chapter 4

14 3 0
                                    

Pangapat pahina

Pansamantala ako nakahiga dito sa sofa nila Linna at nakaupo naman sila Linna at Ashley naman sa kabilang sofa. Nakatayo lang si mitchele samantalang si George ay nakaupo sa sahig habang nakatulala sa kawalan, I know naman na nagulat ito sa mga nangyari kanina sa labas.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko agad si Rj since may load pa naman ako. Nagpunta agad ako sa messenger at pinindot ang ac Rj, tatlong ring lang yun ay sinagot na niya ito kaya naman ay naghanda na akong tanongin sya.

'Rj, okaykalangbadyan?' mabilisang tanong ko dito.

'ano? Ate dahan dahan lang di kita maintindihan' pagpapakalma niya sakin kaya naman ay huminga ako ng malalim.

'Rj, okay kalang ba dyan? Kung oo ay isarado mo ang bahay at huwag kang lalabas dyan dahil panigurado ko ay kumalat na dyan ang zombie. At sino sino ang mga kasama mo ngayon?' mahabang tanong at paalala ko sakaniya.

Dinig kong bumuntong hininga ito, naka volume ang cellphone ko kaya rinig din nila Linna ang tawag ko at ramdam ko din ang titig nila sa akin.

' HAHAHAHAHAHAHA okay lang ako ate ano kaba! Nga pala ngayon lang ako nakakita ng zombie sa totoong buhay hahahah at oo may kasama ako dito. Sila ate angel, kuya zyrus, kuya Jim, si dj, si ate lyn, ate mitch, tito kali, ate lian. Pero sila mama ria, papa yam, lola ay naging zombie na *sob*' nung una ay tumatawa siya pero ng sabihin nito ang nangyari kila mama ria ay humagolgol ito bigla. Dinig ko din ang mga hagulgol nila ate angel at kuya zyrus yung iba ay humihikbi lang.

'A-ano? N-naging zom-zombie na s-sila? *hik* paano? *hik.' Pinigilan kong umiyak pero pakshet na luha toh! Humikbi padin ako!

'kadadating lang nila ate angel na tumatakbo papuntang bahay. T-tapos bi-biglang na-naabutan si mama ri-a. *hik* sinubokan naman tulungan ni papa yam si mama ria *hik* pero naging zombie na din si mama ria a- *hik* - at kinagad ni-niya si papa yam. S-sumunod n-naman s-si l-lola kaya tumakbo kami *hik* kaagad kasama sila ate angel, kuya zyrus, at ate lian. Kumatok lang sila ate lyn sa likod ng bahay natin kasama sila ate mitch, dj, kuya jim, at tito kali.' mahaba habang kwento nito sakin

Naiyak na din ako pero pinatatag ko nalang ang sarili ko at pinunasan ko ang luha ko.

'Rj, dyan lang kayo at magingat kayo dahil hindi ako basta basta makakauwi at tulad nga ng kwento mo ay marami ang mga zombie. Lalo na't dito sa school ata galing yun, kumain ka ng maayos dyan may mga stocks pa naman tayo dyan di ba? Doon at kung may pagkakataon lang ay pupunta ako dyan sainyo hah! At kung maubos man ang supply natin dyan tawagan mo ako, okay?' mahang saad ko at bilin ko sa kaniya.

' Okay ate, ingat ka dyan at wag kang magpapakagat di na virgin niyang leeg mo. Sigeh ka wala na talagang magkakagusto sayo!' natawa ako sa biro nito sakin. Kahit naman kase na magkaaway kami ay nagaalala pa din ako sakaniya dahil kapatid ko pa rin siya. Binaba ko na ang tawag ng matapos kaming mag usap ni Rj, sunod ko namang tinawagan si mama.

Kinamusta ko ito at sabi ni mama ay under quarantine ang manila at quezon city. Naikwento ko din sakanila ang nangyari dito at kila lola. Naiyak din si papa dahil sa balita ko, at ng kami nalang ni mama ang nagkausap ay nagpaulan ito ng bilin sa akin at sermon dahil daw di ako sumunod sa kapatid kong umuwi pero kalaunan ay napagod din siya. Umiyak si mama at nagpaalam na ito sa akin at binaba ko na din ang tawag at kita kong low-battery na ako.

Tumingin ako kita kong may kausap ang mga ito sa mga kaniya kaniya nila cellphone, kita ko din ang mga pagluha nila habang may kausap ang mga ito. Di ko maiwasang malungkot mga nangyayari sa amin.

'arggh sabi ko na nga ba at may masamang mangyayari talaga, at sigurado akong si sir Kyle ang may pakana ng lahat ng ito. Di ko man batid kung sadya ba ito o di kaya namali lang sya, at kung sinadya nya ay talagang mabubugbog ko sya ng matindi kapag nakita ko sya. Siguradohin nya lang na tao pa sya para masulba nya ang pagkakamali nya arggh. Magwapo sana kaya lang baliw naman sa pagiging scientist, tsk tsk tsk.'

Gigil lang talaga ako kay sir Kyle arggggh kagigil talag--.

Nahinto ako sa iniisip ko ng may humawak ng balikat ko liningon ko yun, si mitchele lang pala. Katatapos lang siguro niyang kausapin ang magulang nito, humarap ako dito at dahil matakad siya sakin ay nakatingala ako sa kaniya. Magkasing tangkad lang sila ni Rj pero medyo matangkad si mitchele ng ilang inches kay Rj.

Bakit? May kailangan ka ba?"abilisan na tanong ko kay mitchele. Medyo kinakabahan ako kase nakahawak pa sya sa balikat ko.

Ngumiti sya at sumagot "ah ano, ikaw diba si abygail na sinasabi ni celyne na i accept ko daw sa Facebook?" tanong niya pabalik sa akin na ikinataaa ng kilay ko. Di nya pa yun nakakalimutan?

"ah yun? Ano kase, mag bestfriend kami ni Linna at lagi kaniyang nababanggit sa akin at sa perspective nya is mabait at makulit ka daw kaya yun, na curious ako sayo at yun na nga inadd friend kita, at di ko alam na chinat sayo ni celyne na I accept mo yung friend request ko sayo sa fb" mahaba kong paliwanag, half lie at half truth naman ang sagot ko sakaniya. Di ko sinabi na sinabi sa akin ni celyne na ichachat niya si mitchele dahil crush ko toh at supportive itong si Linna sa akin.

"Ah, medyo ang awkward natin sa unang chat natin nun eh. And we didn't chat that long dahil busy ako" nakangiti pa rin nyang saad. Ayy, nag english pa eh rich kid yarn? Char.

"Oo, gusto ko nga rin sanang tanungin ka na kung pwede ay maging kaibigan ka? Pero mukha ngang busy person ka nga non dahil na sabi na rin ni celyne na mahilig kang mag laro ng ml. Kaya di na ako nagabala pa na chatin ka hahahah. Di naman sa ayaw ko sa mga ml players pero baka nakakaistorbo lang ako kapag chinat kita at makipag kaibigan noh?" mahabang sabi ko habang nakatingin sa mga mata nito na naka focus lang sakin.

'tama naman, ayaw mo sa ml players kaya tumigil na akong maglaro ng ml' bulong nito na diko marinig sa sobrang hina. Hinayaan ko nalang iyon ng nitawag ako ni Linna.

" Aby!" tawag sakin ni Linna kaya lumapit na ako dito at iniwan si mitchele, ramdam ko naman ang pinasundan niya ako ng tingin.

"Bakit Linna?" tanong ko kaagad sa kaniya ng makalapit, pero imbis na sagotin ako ay hinila nya ako ay hinila nya ako papuntang kusina nila.

"Abygail, luto na tayo ng haponan natin." sa pagkasabi na pagkasabi nya yun ay automatic na napalingon ako sa bintana sa taas ng pader ng kusina nila. Gabi na nga at ramdam ko na ang pagkulo ng tiyan ko. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.

Nagsimula kaming tumingin ng mga rikado at karne ng baboy. Nang makitang karne ng baboy, patatas, soy, suka, at iba pang rikado para sa adobo. Napagpasyahan namin ni Linna na adobo nalang iluluto nami.

Nagsimula na kami sa paghiwa, si Linna sa karne at ako naman sa patatas, meron ding carrots kaya naghiwa na din ako non. Naghanap ako sa mga kabinet nila kung meron kape dahil mag titimpla ako.

****

Makalipas ng oras ay natapos na din kaming magluto ni Linna kaya naman ay naghain na kami. Ako sa mga plato, kutsara, tinidor, at baso na inihanda ko na sa mesa dito sa kusina. Si Linna naman ang naghain ng ulam at kanin, naglay naman ako ng tubig sa pitsel nila at nilagay na sa gitna ng lamesa. Matapos naming maghain ay inutosan ako ni Linna na tawagin na yung kapatid niya at ang dalawa niya pinsan.

Maglalakad na sana ako papuntang sala ng maalala ko na di pa ako nakabihis at amoy pawis na ako kaya humarap ako kay Linna at sabay sabing...

"Linna, pwedeng humiram ng damit? Pawisan na ako at kailangan ko munang maghilamos bago matulog." Sabi ko kay Linna.

"Ah, sigeh aby. Punta ka sa kwarto ko tas maghanap ka ng damit sa drawer ko." napatango nalang ako kay celyne at naglakad na papuntang kwarto niya. Nang makaloob sa kwarto nya ay nagbukas ako ng drawer at kumuha ng damit na kakasya sakin. Short na baby pink at t-shirt na grey ang nakita ko na sa tingin ko ay kakasya sa akin, malaman kase ako at si Linna naman ay sakto lang ang payat kaya ang damit nya para sa akin ay hahapit sa katawan ko, pero syempre wala naman akong choice kundi yun nalang ang susuotin ko. Lumabas na ako kwarto ni celyne at hinanap ang cr para makapaghilamus na ako.

Nang mahanap ang cr ay mabilis akong naghilamus at nagbihis na at expected ko na na hahapit nga sa akin ang damit ni Linna. Halata na ang hugis ng katawan ko at dibdib ko na may kalakihan na talaga dahil nga malaman ako.

Lumabas na ako agad sa cr nila at dumaretso na ako sa sala para tawagin sila Ashley para kumain.....

Still AliveWhere stories live. Discover now