4

734 14 0
                                    

"Maliit lang ang kama namin, sa banig ka nalang matulog. Para sa mga bata ang kama" seryoso niyang saad

Tumango lang naman ako at ngumiti ng tipid. Lalong gumagwapo kapag nagsusungit

"Mama! I want Jollibee" tawag sa akin ng bunso namin

"Alright, I will call your ninang Jane" nakangiti kong sabi at kinuha ang phone ko

"Hello?" Sagot niya

"Hello Jane. Can you please buy a food for us?"

"Sure, what is it?"

"Wait. I will ask the kids muna" saad ko at bahagya kong nilayo ang cellphone

"Mga anak. Gusto niyo ng Jollibee?" Tanong ko

"Uyy libre ba 'yan?" Tanong ni Tasha

"Yes anak" ngumiti ako

"Okay, bati muna tayo ngayon. Gusto ko ng chicken fries burger at coke"

"I want spaghetti and fries mama" sabi naman ni Tali

Tinignan ko si Jaydon

"Ikaw anak, anong gusto mo?" Malambing kong tanong

"Kahit ano nalang po" seryoso niyang sabi

Tumango ako at nilingon si Jayden at tatanungin na sana siya nang maunahan niya 'ko

"Busog ako"

"Alright, Jean buy a three fries three chicken. Three burger and one spaghetti. I will text you our address nalang"

"Sige, I'm going now" sagot niya sa kabilang linya at binaba na ang tawag

Si Jane ay kaibigan ko since highschool. Nakasama ko rin siya sa ibang bansa nang umalis ako

Habang hinihintay ang pagkain namin ay pinanood ko ang dalawa na mukhang nagkakasundo na. Hindi na sinusungitan ni Tasha si Tali

"Ate, how to play this?" Tanong ni Tali habang hawak ang sipa

"Pwede mag tagalog ka nalang? Ma no-nose bleed ako sa'yo e" pagsusungit ni Tasha

"I don't know how to talk a tagalog words" nakangusong sagot ni Tali

"Ano ako mag a-adjust? Ano ka gold? Ma- multo! Bakit naman hindi mo tinuruhan na magtagalog itong bibwit na 'to?"

Pinigilan kong mapangiti nang muntikan na siyang madulas. Tatawagi sana akong "mama" eh

"Marunong naman siya pero kaunti lang" sagot ko at ngumiti

"Ayst! Dapat kasi tinuruan mo din siya gamit ang sarili nating wika. Pilipino pa rin naman kayo. Tsk!" Panagaral niya at kinuha ang sipa kay Tali

"I'm sorry ate. I will practice how to say tagalog" paghingi ng tawad ni Tali

"Ako na magtuturo sa'yo. Ngayon turuhan kita kung paano mag sipa" mahinahon na sabi ni Tasha

Napapangiti lang naman ako habang pinapanood sila. Hindi din matanggihan ang kapatid eh, lumipat ang tingin ko kay Jayden na busy sa pagbabasa at pagsusulat. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya, hinaplos ko ang likod niya

"Anak, patawarin mo si mama ha?"

"Ang laking responsibilidad ang iniwan mo sa'kin." Mahina niyang sabi

Naramdaman ko ang pagbadya ng luha ko pero agad ko din pinigilan 'yon

"Sorry anak"

"Alam mo ba na hindi ko masyadong na enjoy ang kabataan ko? 11 years old lang ako nang iwan mo. Hindi ko pa kayang gawin ang responsibilidad na ginagawa niyo ni papa noon. Ako ang umako na dapat ikaw ang gumagawa, ang hirap nang iwan mo kami. Hindi mo din kami masisisi kung bakit galit kami ngayon"

"I'm so sorry anak. Patawarin niyo 'ko" mahina kong sabi habang umiiyak

Nakita ko ang pagalog ng balikat niya.

Umiiyak siya.

"Babawi ako anak. Hindi na ako aalis pangako ko" pinigilan ko ang paghikbi ko dahil baka marinig kami

"Gawin mo po. Sana wag mong wasakin ang pangako mong 'yan" narinig ko ang mahina niyang paghikbi

Napapunas ako kaagad ng luha nang tawagin ako ni Tasha

"Multo. May text ka" sambit niya at binigay ang cellphone sa'kin

"Nandiyan na si tita Jane niyo" sambit ko at tumayo

"Yay Jollibee!" Tili ni Tali

Lumabas na ako para pagbuksan ng pinto si Jane

"Ninang Jane!" Tawag ni Tali sa ninang

"Hello baby girl!" Bati naman ni Jane

"Uyy Jollibee." Saad naman ni Tasha at kinuha ang bitbit ni Jane

"How much lahat 'yon?" Nakangiti kong tanong

"Wag mo ng bayaran sis. Libre ko na sa mga inaanak ko" nakangiti niyang sabi

"Thank you" nakangiti kong sabi

"You're always welcome sis. Where's your hubby?" Ngumisi siya

"Nasa kwarto. Ayaw talaga niyang makita ang beautiful face ko" pagbibiro ko

"Akitin mo na kasi sis para bumigay na"

"Baliw" natatawa kong sabi

"Osya, mauuna na'ko. May date pa me"

"Okay, bye. Take care" nakangiti kong sabi

Kumaway naman siya bago pumasok sa kotse niya. Ako naman ay sinara na ang pinto, at pagkalingon ko sa mga bata ay kumakain na sila.

Napangiti naman ako at lumapit sa pinto ng kwarto at pumasok doon. Nakita ko si Jayden na nakahiga na at mukhang masarap na ata ang tulog. Lumapit ako sa kanya at humiga. At walang pagaalinlangan ko siyang niyakap mula sa likod

I missed him...

"I love you so much Love. Ikaw lang ang laman ng puso ko, ikaw lang" mahinang bulong ko at hinayaang pumatak ang kanina ko pang pinipigilang luha

His Ex Wife  (A DONBELLE SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon