WTY 8

293 8 0
                                    

Kai's POV



"Bakit ang aga natin ngayon?" Tanong ko kay Jael.


Alas kwatro pa niya ako ginising at madilim pa sa dinadaanan namin ngayon. Kasabay namin si Lolo Erning na papunta sa kung saan. Hindi ko rin alam. Hindi pa kasi ako pamilyar dito.


"Para matapos tayo ng hindi pa sumisikat ang araw o kaya hindi pa masyadong mainit. Kapag kasi natanghalian tayo, sobrang init na no'n tsaka medyo matagal tagal 'to bago matapos."


Nang makarating na kami, ando'n na rin 'yong mga dati naming kasama no'ng nagtanim kami ng mais.



"Iho, akala namin hindi ka na sasama ngayon. Matatag ka rin pala." Sabi ni Mang Rudy at tinapik ang balikat ko. Isa rin siya sa mga kasama namin no'n.


"Nakakatakot po kasing magalit si Jael Mang Rudy kaya wala akong magawa kundi sundin siya." Sabi ko ng may halong biro.



Tumawa naman si Mang Rudy sa sinabi ko. Si Jael naman ang sama ng tingin sa akin.


Pagkatapos naming magbiruan ay nagsimula na rin kami sa paghaharvest.


"Magha-harvest tayo ng kamote ngayon." Sabi ni Jael. Pumwesto na kami sa may kamotehan at tinuro na niya sa akin paano magharvest nito.



"Magbungkal ka lang ng lupa malapit sa puno nito para mas madali mong mahatak 'yong kamote. Minsan pag malambot ang lupa, pwede mo na lang itong bunutin. Ilagay mo lang sa sako 'yong mga nakuha mo pero tanggalan mo muna ang mga lupa na nakadikit ha para hindi masyadong mabigat sa magkakarga." Mahabang paliwanag niya.



Minsan mas nag-eenjoy pa akong makinig na lang na magsalita si Jael.


Pasado alas otso na ng umaga kami natapos. Malawak kasi ang kamotehan kaya matagal kami natapos magharvest.



-



"Mauna ka na maligo Kai. Pagkatapos mo na lang ako." Sabi ni Jael ng makapasok kami sa bahay.


Pawis na pawis kami galing sa pagharvest kaya kailangan maligo agad.


"Sabay na lang tayo Jah. No malice." Pabiro kong sabi sa kanya.



"Sige. Kuha lang ako ng towel." Sagot niya sa akin na para bang wala lang sa kanya.


Naiintindihan ba niya ang sinabi ko? O seryoso talaga siyang okay lang sa kanyang sabay kaming maligo?



Ilang segundo lang ay lumabas na siya sa kwarto niyang may dalang towelna nakasabit pa sa balikat niya.



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Tara na Kai." Seryoso niyang sabi sa akin. Ako naman rito hindi makapaniwala sa sinabi niya.



Way To You | A KENTIN AUWhere stories live. Discover now