Chapter 14

5.7K 148 5
                                    


Waaah! Isang chapter nalang! ╯﹏╰ Time Machine - SNSD at the multimedia. Pakinggan niyo *^O^*

***

"Ma? Aalis na po kami ni Andrei ah?" Pagpapaalam ko kay mama.

"Sige anak, magiingat kayo doon ha?"

"Opo ma. Oh Ash, kiss ko. Aalis na kami ni Daddy mo." Sabi ko, tumakbo naman sya saaming dalawa ni Andrei at hinalikan kaming dalawa.

"Mommy, di po ba talaga ako sama?" Nakapout na tanong nya, natawa naman ako at lumuhod para magkapantay kaming dalawa.

"Hindi po baby eh, saglit lang naman po kami ni Daddy mo. DIBA ANDREI?" Sabi ko at pinandilatan sya ng mata. Siya kasi yung ayaw isama si Ash. May quality time pang nalalaman. -____-

"Oo baby, sandali lang kami doon. Goodboy ka kay Lola mo ah?" Sabi ni Andrei at ginulo yung buhok nito.

"Sige na nga po. Uwian niyo po ako ah!"

"Oo naman, ano bang gusto mo?"

"Chocolates and toys!" Masayang sabi nya, tumawa naman ako at nagnod. Nagpaalam na kami sakanila at umalis na. Hays, mamimiss ko yung bugwit na 'yun. ╯﹏╰

"Yah. San ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sakanya habang nagdadrive siya.

"Secret nga." Sabi nya, aba bwisit to ah.

"May pa secret secret ka pang nalalaman diyan eh malalaman ko rin naman mamaya yon." Nakasimangot kong sabi.

"Oh ikaw na nagsabi na malalaman mo rin naman MAMAYA kaya wag kanang magtanong okay? Matulog kana lang. Medyo malayo yun." Sabi nya, napanguso nalang ako at natulog na. Asar.

Ginising na ako ni Andrei kasi nandito na raw kami. Ilang oras din siguro akong nakatulog? Hapon na kasi.

Pumunta na kami sa resthouse na inupahan raw ni Andrei. Talagang nagrenta pa talaga sya? Maganda rito, maraming rest house, may mga kainan na rin sa labas Na halos lahat ay seafoods at may dagat.

"Wow naman, ang ganda dito." Sabi ko habang nililibot yung mga mata ko, tumawa lang sya at inilagay muna yung mga gamit namin sa loob bago kami kumain.

"Ay malapit lang pala dito yung airport no?" Tanong ko, pero dinedma nya lang iyon. Weird.

"Tara gutom na ako." Yaya nya at hinawakan yung kamay ko at naglakad na.

"San mo ba gusto kumain?" Tanong 'ko.

"Kahit san basta kasama kita." Ang *cough* corny. Pero nakakakilig ~>_

"Cornyyy." Pangaasar ko. Pinisil naman nya yung ilong ko.

"Kilig ka naman."

Okay fine. -_-

***

Dun din sa seafood restau yung bagsak naming dalawa. Banat banat pa sya eh. Pagkatapos naming kumain, naglakad lakad muna kami sa dalampasigan.

"Oy magsusunset na!" Sigaw ko at hinila na sya.

Ang sarap naman sa pakiramdam. Watching the sunset with the man you love.

So ito pala yung quality time. :)

Binack hug naman nya ako at pinatong yung baba nya sa balikat ko. Wag kayong magalala, hindi naman kasing haba ng baba ni Wesley itong kay Andrei. ﹋o﹋

"I love you." Out of the blue nyang sabi.

"I love you more. Sana ganto nalang tayo lagi no? Masayang magkasama, wala nang alisan. Tsaka mas masaya kung kasama si Ash." Sabi ko pero ngumiti lang sya. Hinila nya ako at naglakad kami sa may dagat at binasa yung paa namin.

"Kung bibigyan ka ng pagkakataong ibahin o ibalik yung oras anong gagawin mo?" Tanong nya. Nagisip muna ako bago sumagot.

Ano nga ba?

"Ayoko nang ibalik yung oras. Kasi kapag binalik ko, hindi kita makakasama ngayon. Hindi tayo ganto kasaya kasi dati puro sakit." Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto ko sanang makapunta sa future. Gusto 'kong malaman kung tayo parin ba. Kung ikaw ba yung lalaking pinakasalan ko. Kung masaya parin ba tayo. Kung happy family na tayo non, yung walang humahadlang at problema. Nagmamahalan lang." Sabi ko at tumingin sakanya. Nagulat naman ako nung nakita kong may pumatak na luha sa mga mata nya. Hala may mali ba akong nasabi?

"Oh ba't umiiyak ka? May mali ba akong nasabi? Wala naman ah." Sabi ko, pinunasan naman niya yung mga luha nya at tumawa.

"W-wala hahaha napuwing lang ako." Sabi nya, nagnod nalang ako kahit na hindi ako convince.

Naningkit naman yung mga mata ko at binasa siya ng tubig.

"Talaga napuwing ka? Eh wala namang hangin!" Sabi ko at patuloy syang binabasa. Umiilag naman sya pero nababasa parin sya kaya't hinabol nya ako.

"Hoy Karl bumalik ka dito!"

"Ayoko nga! Bleeeh!"

"Kapag talaga ikaw nahuli ko!"

"Habulin mo ako! Bleeeh!"

"Eto na koooo!"

"H-hahaha! Hoy wag ka ngang mangiliti! Pffft. hahahahahha!" Okay, nasabi ko bang medyo mabagak akong tumakbo kaya't naabutan nya ako?

"Ikaw nauna eh." Sabi nya at kinikiliti parin ako. Nagkakandahiga na nga kming dalawa dito sa buhangin eh.

Nung nakakuha ako ng tiyempo, nagkapalit kami ng pwesto. Ako naman nasa ibabaw nya. Hahaha abno ka ha!

Kikilitiin ko na sana sya ng nahawakan nga yung kamay ko at hilahin ako papalapit skanya.

"I love you Karl." Seryosong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"I love you too Andrei." Sabi ko. The next thing i knew is, his soft lips touches mine.

I really love him, and i'm willing to give it again.

***

Nagising ako dahil nilalamig ako. What do i expect? I'm naked. And Andrei to--- wait asan na yon? Ba't wala na sya sa tabi ko? Bigla naman akong kinabahan kaya't bumangon na ako.

"Andrei?" Tawag ko pero walang sumasagot. May nakita naman akong papel at bulaklak sa may mesa kaya't binasa ko ito.

No.

Not again.

Not this time.

My Pervert BestfriendWhere stories live. Discover now