chapter 26

115 15 2
                                    

kiro’s PoV

“at ang pang-huli ay si jino na kayang komontrol ng dugo” anunsyo ng head master.

“ang la-lakas nila‚ lalo na ’yung kayang mag manipula ng dugo‚ hindi siya basta-basta matatalo” bulong ko.

“natapos na ang pag a-anunsyo ng mga nangunguna sa pag-susulit‚ ngayon ang pag lalatag naman ng magiging seksyon niyo ang ating isu-sunod. Pumunta sa gitna ang pangalan na aking babanggitin at hawakan ang crystal na nakalagay‚ malalaman niyo ang inyong magiging permanenting seksyon sa taong ito batay sa kulay na inyong makukuha. Itim ay para sa mga hindi pa kayang kontrolin ang kapangyarihan‚ pula naman ay para sa may kaya ng kontrolin ang kanilang kapangyarihan‚ asul naman ay para sa mga nakatung-tung na sa mid level ng kanilang magic‚ at ang puti naman ay para sa hasa na at kayang makontrol ang kanilang mahika at kaya ng makipag sabayan sa mga elites‚ ngayon na ipinaalam kona ang kulay at ang nakatalagang sekyon dito mag umpisa na tayo!!” mahabang sabi ng punong maestro saka isa-isang tinawag ang pangalan ng mga quirians na nandito ngayon.

“kira morgan” napa-angat ako ng tingin ng tawagin ang pangalan ng aking kapatid‚ kita ko naman siyang tumayo at nag lakad patungo sa gitna‚ sinubay-bayan ko ang bawat lakad niya at masasabi kong sa tindig niya palang ay dapat na siyang katakotan.

nang makapunta siya sa gitna‚ agad niyang itinapat sa bolang crystal ang kaniyang kanang palad at may iba’t ibang kulay ang sunod-sunod na nag pakita hanggang sa tumigil ito sa puting kulay at inanunsyo na siya ay maitatalaga sa unang sekyon‚ palakpakan naman ang lahat kasama na ako dahil nakasali siya sa unang seksyon‚ magiging mas malakas pa siya lalo.

ako kaya? sa anong seksyon ako nabibilang? sana kahit sa pula nalang‚ hindi naman sa ayaw ko sa ika-huling pangkat‚ sadyang gusto ko lang makakita ng kayang maka-kontrol ng magic dahil hindi ko pa iyon kayang gawin masyado dahil hindi ko pa gamay ang black magic ko” bulong ko sa sarili.

“kiro morgan? narito ka ba? bilisan mo na kung gusto mong magkaroon ng matutuluyang paaralan” nabalik ako sa mundo ng banggitin bigla ang pangalan ko kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa gitna.

dinig ko ang tawanan ng lahat dahil sa kasabogan ko‚ bwesit talaga kung bakit ba kasi kung ano-anong iniisip ko nyemas.

nang makarating ako sa gitna‚ agad kong ipinadikit ang aking kaliwang palad sa krystal at iba’t ibang kulay ang nag pakita hanggang sa huminto ito sa kulay itim.

pansin ko ang pananahimik ng lahat at bulong-bulongan at ilang sandali lang ay tawanan ng lahat ang aking narinig‚ a-anong bakit nasa huling seksyon ako? alam kong ginawa ko ’yung best ko p-pero bakit h-hindi padin sapat’.

dahan-dahan akong nag lakad pabalik sa sa dati kong puwesto dala ang mapa ng paaralan at ang schedule ko kuno’ saka room number at pang-iinsulto naman ang narinig ko sa bawat dadaanan ko.

“ang hina naman pala neto‚ puro paganda lang”

“ang ganda sana eh‚ tabingi lang sa performance”

“akala kopa naman malakas‚ mas mahina pa pala sa’kin”

ilang lang ’yan sa naririnig kong pamamaliit nila sa akin‚ hindi panga nag u-umpisa ang tunay na klase nakaranas na ako ng pambu-bully. Paano pa kaya kung nag u-umpisa na ang klase‚ edi araw-araw akong nabu-bully.

“kiro bading‚ ayus lang ’yan malakas ka naman eh‚ bawi ka nalang sa su-sunod” biglang sabi ni kira kaya napalingin ako dito‚ malawak ang ngiti at naka thumbs up pa kaya hindi ko rin napigilan ang pag ngiti at tuluyan siyang nginitian ng pagkalapad-lapad.

tama ang kapatid ko‚ pumalya man ako sa ngayon sisiguraduhin kong kalkulado ko na ang mahika ko sa su-sunod‚ maging masaya nalang ako sa itinalagang seksyon para sa’kin. Malay natin baka magkaroon pa ako ng kaibigan don.

may kaunting habilin lang ang punong guro at agad na kaming pinapunta sa kanya-kanya naming silid‚ naghiwalay na kami ni kira dahil sa puting gusali siya pu-punta kung saan naroon ang mga puting mag-aaral‚ samantalang ako naman ay pu-punta sa itim na bahagi.

agad naman akong nakarating sa itim na bahagi dahil sa tulong ng mapang dala-dala ko‚ good thing hindi mahirap hanapin ang mga baitang sa bawat seksyon kaya madili kong nakita ang itim na gusali.

agad akong pumasok sa may kalumaang gusali at saktong pag pasok ko ay ang biglang pag putok ng kung ano at ang pag sigaw ng mga hindi pamilyar na mga nilalang.

“MALIGAYANG PAG DATING SA AMING SEKSYON KIRO!!” sigaw nilang lahat bilang pag bati sa akin‚ napangiti ako ng wala sa oras dahil sa kanilang ginawa.

hindi ko akalaing ganito ang kanilang gagawin‚ wala rin sa isip ko na may ba-bati sa akin pagkarating ko dahil hindi naman nila ako kilala‚ t-teka paano pala nila nalaman ang pangalan ko?

“kung nag ta-taka ka kung paano namin alam ang pangalan mo‚ iyon ay dahil kay propesor alexa siya ay naroon sa talagaan ng seksyon kanina at ng mai-anunsyo na ikaw lang ang nag i-isang napunta sa itim na bahagi‚ agad siyang pumunta dito at ipinaalam sa amin kaya nakapag handa kami sa pag dating mo” masayang ani ng isang babaeng may hanggang leeg na buhok‚ kulay pulang mata‚ at may kaputian.

natutuwa ako dahil sa kanilang ginawa kaya nginitian ko silang lahat na nakangiti din pala sa akin‚ swerte ko siguro dahil nasa ganitong seksyon ako. Hindi na ako dapat madismaya sa aking sarili dahil mukhang mas maayos ako dito.

“salamat sa inyong lahat‚ sana ay mas magkakilala pa tayo lalo. Hindi pa ako pormal na nag papakilala‚ ako si kiro morgan at sana’y maging magkaibigan tayong lahat!!” magiliw na sabi ko sa kanila saka malawak na ngumiti‚ pero wala akong marinig na kahit anong boses kaya tinignan ko silang lahat at nakanganga ang kanilang mga baba habang nan-lalaki ang mga mata‚ a-anong problema?

“b-bakit? may m-masama ba sa sinabi ko? h-hindi niyo ba nagustuhan?” kinakabahan kong tanong ng bigla silang sumigaw lahat lumapit sa akin at isa-isang nag pakilala‚ ang-gulo nila pero mukhang masaya naman.

katapos ng ganap ay kumain lang kami at masasabi kong ang gaan ng loob ko sa kanila‚ ang sarap nilang kasama. Walang lamangan kai-kaibigan lang at asaran.

narito na ako sa aking silid‚ sakto lang ang laki para sa’kin at nailagay ko narin ang aking mga gamit‚ tinuro ni avi kanina ang magiging kwarto ko. Isa sa naging kaibigan ko agad dito kaya siya na ang nagturo ng kwarto ko‚ just so you know ronald talaga ang pangalan niya dahil sa pareho kami ng dugo‚ avi ang ginawa niyang pangalan dahil masyado raw macho ’yung ronald haha.

nakakapagod ang ganap ngayong araw kaya kailangan ko ng pahinga‚ dismayado sa una pero masayang kasama ang nasa itim na bahagi. Sana ay makilalala ko silang lahat ng lubusan.

see yaaah tomorrow‚ bloody dawn academìa”

______________________________________________

nyshehehehe loveu guys

please vote & comment and please follow me here alijore for more ud.


xWhere stories live. Discover now