Prologue

13 0 0
                                    

"Mama, ayoko na po ang sakit - sakit na!" Hinawakan ko kaagad ang braso ko na namimilipit sa sakit. Paano ba naman kasi bigla nalang akong bumagsak sa lupa pagkatapos niya akong balibagin.

Hindi ko alam kung saang pagsasanay na ito ang ginagawa namin. Eh, parang wala namang sasalakay sa amin dito lalo na't nasa gitna kami nang gubat. Maliban nalang sa mga hayop dito sa gubat hehe. Ni hindi ko nga alam kung bakit dito kami sa gitna ng gubat naninirahan at hindi sa bayan.

Napanguso nalang ako nang tinignan lang ako ni mama at pumasok na sa loob ng bahay. Dito kasi kami sa labas ng bahay nage - ensayo lalo na't masiyadong malaki ang bakuran namin.

'Hindi man lang ako tinulungan, hmp!'

Bata pa lamang ako tinuturuan na ako ni mama sa pakikipaglaban lalo na ang paghawak ng iba't - ibang sandata. Hindi ko alam kung para saan 'to pero ang sabi lang ni mama sa'kin ay para sa kinakabukasan ko daw. Mukhang may mananakit naman sa'kin dito.

Pumasok agad ako ng bahay at naamoy ko kaagad ang nilulutong adobo ni mama sa kusina. Umakyat muna ako para maligo at makapagpalit ng damit. Bumaba agad ako pagkatapos kong maligo. Naaamoy ko na kaagad ang nilutong adobo ni mama.

Nakita kong naghain kaagad siya pagkapasok ko nang kusina. Naghugas muna ako nang kamay pagkatapos ay umupo na kaagad ako. Tahimik lang kaming kumakain ni mama at hindi ako sanay geez.

Nagulat ako nang may inilapag na sobre si mama sa mesa. Nakita kong nakatingin siya sa akin tapos na rin siyang kumain. Kinuha ko ang sobre dala ng kuryosidad gusto kong malaman kung ano ang nasa loob.

Napakunot agad ang noo ko nang mabasa ko ang nakasulat sa loob nito.

'Dear, Ms. Tamarra

We are happy to announced that you have been officially enrolled at the Clanwarts Academy. Please bring the follo-'

Hindi ko na siya natapos basahin. Saka ano daw? Ako? Enrolled? Hindi naman ako nagpa - enroll ah. Adik ba 'tong school na 'to? Tumingin agad ako kay mama dahil alam kong siya lang naman 'tong nakakalabas at nakakapasok dito sa gubat ng hindi naliligaw at alam ko rin siya itong nagpapasok sa akin sa academy na 'yon. Pero, hindi ko maintindihan. Bakit niya ako pinapapasok ngayon sa school?

"Ma, ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Letter," sagot niya.

I frowned of what she said. Alam kong letter ito pero- whatever!

"Alam kong letter ito, ma. Ang tinatanong ko para saan 'to?" Tanong ko ulit.

Ngumiti siya sa'kin. "Malalaman mo rin bukas."

Hinalikan niya ang ulo ko bago siya umakyat sa taas para magpahinga. Tinignan ko ulit ang letter na nasa kamay ko.

Clanwarts Academy, hmm . . .

Alas dos ng madaling araw nang maramdaman kong sumasakit ang likod ko sa may batok. Napabangon agad ako dahil sa sakit. Parang sinusunog ang balat ko sa sobrang sakit.

"Fuck, ang sakit!" Hiyaw ko.

Shit, ano bang nangyayari sa'kin? Bakit sumasakit ang likod ko? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko sa aking pisngi.

"Tamarra!" Nakarinig agad ako ng kalabog sa pinto ng kwarto at pumasok nito si Mama.

"Mama, ang sakit - sakit ng likod ko!" Umiiyak na sabi ko.

Narinig ko kaagad ang pagsinghap ni mama ng makita ang likod ko. Ano bang nangyayari? Hindi ko man nakikita itsura ni mama pero alam kong nagulat siya nang makita ang likod ko.

Ano bang meron sa likod ko?

Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang napakagandang bilugan na buwan. Tirik na tirik ang buwan sa kalangitan at talaga namang sobrang napakaganda nito.

Narinig ko kaagad ang boses ni mama na parang kumakanta. Parang akong hinehele sa paraan ng pagkanta nito. Parang akong inaantok at yung sakit sa likod ko unti - unting nawawala.

Nagising na lamang ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana. Bumangon agad ako para pumunta sa may harap ng salamin. Inangat ko ng konti ang t-shirt ko bago tumalikod.

Nakita ko kaagad ang isang marka.

Ano 'to? Bakit meron akong ganito sa likod ko?

Parang siyang isang tattoo na nakasulat sa baybayin. Hindi ko din alam kung ano ang ibig sabihin nito. Napalingon agad ako sa may pintuan at nakita kong pumasok si mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Clanwarts Academy of CreaturesWhere stories live. Discover now