Chapter 4 - Paglabas sa Ospital

6.2K 196 3
                                    


Chapter 4

Calling..
Edward.

At dahil doon agad niyang sinagot ang tawag ni Edward.

"Hello. Bakit Edward?, tanong ni Gabriel."

"Ah kuya kasi sabi ng doctor pwede na daw ilabas ang nanay. Pupunta kaba dito kuya?, tanong ni Edward."

"Ah Edward sorry ah hindi kasi ako makakapunta nasa mall kasi ako. Bumibili ako ng regalo ko para kay Margarette malapit na kasi Anniversary namin., pagsisinungaling ni Gabriel."

"Ah kuya ganun ba. Sige okey lang kuya naiintindihan ko., sabi ni Edward."

"Ah teka kuya Salamat pala sa lahat ah, dugtong ni Edward."

"Para saan naman?, tanong ni Gabriel."

"Kasi kuya sa pag-aalaga mo saakin, sagot ni Edward."

"Ano ka ba naman Edward wala yun syempre kapatid kita. Kaya magtutulungan tayo diba., sagot ni Gabriel."

"Ah sige Edward bye na mamaya nalang tayo magkita sa bahay, sabi ni Gabriel."

At agad naputol ang linya.....

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Agad ng dumiretso sa lamesa ng napiling niyang kompanya si Gabriel.

Nang nasa lamesa na siya. May isang babae na nagtanong sa kanya.

"Ah sir ano po ang gusto niyong apply-an sa kompanya namin, tanong ng babae."

"Ma-ma'am pwede po ba mag-apply sa inyo bilang Sales Clerk?, tanong ni Gabriel."

"Ah sige, pwede bang makita ang resume mo?, tanong ng babae."

"Sige po ma'am, sabi ni Gabriel at agad niyang ibinigay ang resume niya sa babae."

"Okey Gabriel ayon dito sa resume mo 4 years graduate ka sa UE Caloocan. Tama ba yon?, tanong ng babae."

"Opo ma'am, sagot ni Gabriel."

"Okey. At ayon dito sa resume mo 26 years old kana, tanong ng babae."

"Opo ma'am, sagot ni Gabriel."

Ilang minuto ang lumipas....

Natapos na ang interview ni Gabriel.

At pumasa naman ito sa interview. Kaya sinabi ng babae na...

"Okey sa Linggo pumunta ka sa Waltermart at doon tayo magtre-training understood?, tanong ng babae."

"Sige po ma'am maraming-maraming salamat po ma'am, masayang sagot ni Gabriel."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon agad ng lumabas ng pinto si Gabriel.

Pagkalabas niya ng pinto ay agad na itong naghanap ng sasakyan.

At napag-isipan niyang umuwi na ng bahay upang makita niya na ang nanay niya.

Ngunit gaya ng dati. Halos walang matinong masakyan si Gabriel.

Ilang minuto ang lumipas...

Agad may lumapit na lalaki kay Gabriel at agad may tinanong dito.

" Uy pre taga-saan ka?, tanong ng lalaki. At sabay akbay kay Gabriel."

"Ah ako pre sa First Street ikaw?, tanong ni Gabriel."

"Ah ako pre taga doon rin. Tara sabay na tayo umuwi, sagot ng lalaki."

Regalo (COMPLETED)Where stories live. Discover now