Chapter two

895 37 0
                                    

CLARITY

I AM NOW IN MY ROOM, packing all my things to leave in the hell –este house. Alam ko na ngayon kung saan ako pupunta, sa taong mapagkakatiwalaan ko kung kailan ako ay magiging tanga sa buhay.

Hannaya, my bestfriend. Not only bestfriend, she's actually my sister.

Hindi naman kasi kami close ni Ate Claiza simula pagkabata. Lagi siyang galit sa akin, maliban kay Kuya. Sanay naman na ako, minsan hindi ko lang nagugustuhan 'yung pananakit niya physically. Gustuhin ko 'man na magsumbong kela Mama at Papa about doon, kaso baka mas lalo lang masira ang relasyon namin bilang magkapatid.

Hinahayaan ko na lang kahit minsan hinihiling ko na sana maging magkasundo naman kami kahit isang araw lang. Maramdaman ko na may Ate ako, hindi Kuya lang.

Kung babasahin 'man ang pagkatao ni Ate, puro ito galit at selos tungkol sa akin. Selos na ako lang daw ang pinagtutuunan ng pansin nila Mama't Papa, kaya minsan hindi ko maiwasang sisihin na lamang ang aking sarili.

Kasalanan ko nga ba talaga?

"Huyy! Hello, Claret. Nandiyan ka pa ba?" Nawala naman ako sa isip nang marinig ko ang nangingibabaw na boses ng aking kaibigan. Nakalimutan kong may kausap pa pala ako.

Mariin akong napapikit nang marinig ko sa kan'ya ang "Claret", isang tao lang naman kasi ang tumatawag nun sa akin. I can't help but miss her, especially her soft voice when she calls my nickname that she made for me.

Ewan ko ba kung bakit ginagaya netong bwiset na 'to! Nang-aasar na naman.

"Hannaya." Matigas kong banggit ng pangalan niya na ikinatawa niya nang bahagya. Narinig ko 'yon!

"Bakeeet, Clareeet?" Patuloy na pang-aasar niya sa akin. Kung puwede ko lang 'to babaan ng tawag, eh ginawa ko na. Kaso, baka wala akong matirhan ngayon.

Sayang naman, grab the opportunity na rin. eme.

"Tumigil ka riyan. Hindi ako natutuwa." Narinig ko naman na lumakas ang tawa niya mula sa telepono. Bwiset talaga!

"Asus, miss mo lang eh, 'di ba Claret?"

Tahimik lang ako hanggang sa matapos siyang tumawa dahil sa akin. Tumingin ako sa salamin at 'kita ko ang grabe na binawas ng aking katawan. Alam na ang dahilan, malamang.

Dahil sa anak namin – ay mali. Anak ko, anak ko lang. Dahil din sa pang-iiwan niya na nakapagpastress sa akin.

"Hoy, Clarity!" Sa wakas tumigil din siya sa kakatawa.

"Bakit?"

"Hinanda ko na pala 'yung tutulugan mo na pags-stay-an mo pansamantagal. Sabi ni Mommy na dito ka na raw mag dinner, kaya bilisan mo riyan para makapunta ka na dito." I'm really so lucky with her. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya sa tabi ko. Sila ng pamilya niya.

Siguro sa kawalan kami pupulutin ng anak ko kung wala siya.

"Okay, sabihin mo kay Tita, thank you!" I answered, smiling lightly.

"Kay Mommy lang? Grabe naman 'to, sa akin, wala?"

"Wala." Deretsang tugon ko, tumayo ako nang matapos kong maimpake ang mga gamit ko.

"Ang sama mo, bwiset!"

"Talaga, alam ko."

"Ay ewan ko sa'yo. Bye na nga," She paused. "Bye, Clareet!" Nakakainis talaga.

She hang up the call making me frowned in annoyance. Ako pa rin talaga ang talo sa away bata namin kahit kailan. Dati pa nga umiiyak pa ako kapag napipikon sa kan'ya, kung puwede ko lang siya saksakin ng mga oras na 'yun at ngayon.

ClarityWhere stories live. Discover now