ii. foreboding

23 5 4
                                        

chapter 2: foreboding

THANK God it's weekend. Baka sasabog na ang utak ko kung sakaling dadagdag pa sa iisipin ko ang mga ituturo sa klase.

Yesterday was really weird. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ang Derrick na 'yon para magkagano'n ang kaibigan ko. Coreen obviously don't want to share anything with me so it's probably more than something else, knowing that she's a chatty type of person who shares most of her everyday routine.

Second, I am still preoccupied by the clues that the police found and how it reminds me something about my dream! I wasn't even sure if the victim in my dream was Derrick. Pero sa kabila no'n ay isa lang ang sigurado ako.

'Yung sinabi ng pulis tungkol do'n sa pagkakasakal ng biktima bago mahampas ng tubo sa ulo ay parehas na parehas ng nasa panaginip ko. Kaya nga lang, hanggang doon lang din ang naaalala ko. The rest of it was vague.

Maybe it's just a coincidence. Some dreams were randomly placed in the head and I am not an exception to that. Hopefully.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang katok mula sa labas ng kuwarto ko. Lumapit ako sa pinto para pagbuksan si Manang Belinda.

"Ziane, hija, may pupuntahan ako ngayon. Baka gabihin ako ng uwi. . ." panimula ng matanda.

"Saan po, Manang?"

"Sa kabilang barangay lang, hija." Nag-iwas ito ng tingin, nagda-dalawang isip sa sasabihin. "N-namatay kasi ang asawa ng kumare ko at inimbitahan niya akong pumunta roon."

"Pwede po bang sumama?" tanong ko.

She pursed her lips and looked at me with sympathy. I sighed.

Alam ko namang nag-aalala lang si manang sa akin kasi galing din ako sa trauma nang mawala ang mga magulang ko. I am also worried about myself, but I guess that this is much better than drowning my mind with the questions from yesterday.

Saka, patuloy na nagbabago ang mundo. I believe that in life, we should also learn to let go of the people even if it's heavy. They left a special place in our hearts and we have to live with it through memories.

Grief is love. The deeper the grief you feel, the stronger the love you have for that person. We let go of the loss, but never the love and the memories.

Napansin 'yata ni Manang Belinda ang kasiguraduhan sa mukha ko kaya bumuntong-hininga na lang siya.

"Sigurado ka ba, hija?" nag-aalangang tanong niya na.

"Opo."

She was left with no choice but to nod and respect my decision. Bago siya lumabas ng kuwarto ko ay binilinan niya akong mag-ayos na dahil maya-maya ay aalis agad kami.

Nang makalabas siya ay nagbihis na ako. Simpleng skinny jeans at puting t-shirt na may minimal na design lang ang sinuot ko. Sinabayan ko rin ito ng kulay puti na sandal.

Hinayaan ko lang din na nakalugay ang mahaba at maalon kong maitim na buhok. Panigurado kasing malamig ang simoy ng hangin mamaya dahil gagabihin kami kaya proteksyon na rin ito sa buhok ko kung sakali mang uimihip nang malakas ang hangin.

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa sala. Naabutan ko roon si Manang Belinda na prenteng nakaupo sa couch at seryosong nanonood ng telebisyon.

"Diyos ko, bakit ang daming namamatay ngayon?" she said hysterically, eyes never leaving the screen.

Sinundan ko ang tingin niya. Nanonood siya ng balita tungkol sa isang lalaking brutal na pinatay. Napalunok na lang ako nang muling maaalala ang tungkol sa panaginip ko at sa sinabi ng pulis tungkol sa pagkamatay ni Derrick.

Beneath the VeilWhere stories live. Discover now