Kabanata 01

21 2 0
                                    

SIMULA nang bata pa lamang si Amada nang ma-diagnosed sya ng leukemia.Pitong taon din nyang ginugol ang kanyang pamumuhay sa loob lamang ng ospital.Ni hindi nya naranasan na may makalaro rito o kahit noong wala pa sya sa ospital, iyon ay dahil wala naman syang mga kapatid- sa madaling salita ay nag-iisang anak lamang sya.

May mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan lalong-lalo na noong narinig nya mula sa mga doktor na kinakausap ang kanyang mga magulang- na maliit na lamang ang tyansa na makaligtas sya at mabuhay pa nang ganoong katagal.

"Handa ka na bang makita ang surpresa,Amada?"wika ng kanyang Nurse na nakaalalay sa kanyang likuran.

"Opo,Nurse Aurora!"masiglang wika nya habang tinatanggal na ang panyong nakatakip sa kanyang mata.

Lumaki ang kanyang bibig sa ganda ng kanyang kwarto.Ipinalibot nya ang paningin sa mga nakasabit na mga lobo,nagkalat na confetti at ang nakapikit sa dingding na tarpaulin na nakasulat ang pagbati sa kanya...

"Happy 18th Birthday Amada!"pagbati ng kanyang mga magulang at ng kanyang doktor at mga nurse.

Napangiti si Amada sa naiiba na ngayong disenyo para sa selebrasyon ng kanyang debut, ibang-iba noong mga nakaraang kaarawan nya.Lumapit sa kanya ang kanyang Dad."Iniba na namin ang disenyo.Alam naming once in a lifetime ito ,kaya ito ibinuhos namin ang lahat para mapasaya ka ngayong araw na ito..."emosyonal na wika ng kanyang Dad at hinalikan sya sa pisngi.

Mahal na mahal si Amada ng kanyang mga magulang bukod sa nag-iisa lamang syang anak.Dahil ang kanyang Mom ay nagkakaroon ng kumplikasyon sa pagbubuntis.At kaya kahit maliit ang tyansa ay kumakapit ang magulang nya sa pag-asa na mabubuhay at makakaligtas sya.Kahit ba napakalaking pera ang mawala sa knila ay kaya nilang magbayad upang gumaling at maiuwi na nila ang anak sa kanilang tahanan. Napaisip ang dalaga na kung minamalas sya sa pagkakaroon ng sakit ay sya namang napakaswerte nya sa kanyang mga magulang na handang gawin ang lahat para sa kanya.

Dinala na ng kanyang Mom ang cake upang hipan ito."Ano ba ang kahilingan mo para sa kaarawan mo?"tanong ng kanyang Ina na tulad noong mga lumipas na kaarawan nya.

Sana'y mabuhay at makaligtas sa cancer....

Ang syang kahilingan nya parati ngunit habang tumatagal ay nawawalan sya nang pag-asa dahil sa hirap na kanyang nararanasan kaya't unti-unti nya na ring natatanggap ang nalalapit nyang kamatayan.Napapikit sya at humiling na ng panibagong bagay na mas pinili nya na lamang piliin...

HABANG hinahanda na ng Nurse ni Amada sa isang tray ng mga gamot na dapat nyang inumin ay nakahiga ito ngayon sa higaan nito habang nagbabasa ng isang nobela

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


HABANG hinahanda na ng Nurse ni Amada sa isang tray ng mga gamot na dapat nyang inumin ay nakahiga ito ngayon sa higaan nito habang nagbabasa ng isang nobela.

"Ano na naman ba 'yang binabasa mo?"pagsisimulang magtanong ni Nurse Aurora.Napalingon ang dalaga at interesadong napangiti."Tingin nyo ba sadyang napakamapalad ng mga taong nabubuhay muli sa panibagong katawan?"

"Reincarnation ba 'yan?"pagtukoy ng Nurse nito at nasisiyahang ngumiti ang dalaga."Kung sa bagay tama ka.Ano na namang pumasok sa isip mo at naging interested ka sa topic na yan?"nakapamewang na sabi pa ng Nurse.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bleed For Me, My LoveWhere stories live. Discover now