Heshiena's Point of View
Kinukusot-kusot ko pa ang aking mata habang pababa ng hagdan. I yawn for a moment and stretch my arms. Today is school festival. Ngayong araw mismo kung kailan naitayo ang Imitheos Academy. Kaya ay may ganitong klaseng pagdiriwang taon-taon.
It's just similar to schools in mortal realm. And pretty sure, this kind of event here in half-blood realm is different. Nabalitaan ko nga'y may mga kompetisyon katulad na lamang ng chariot race, capture the flag, duel fight, archery, sword fight, find me at sea, at pageant competition.
Iilan sa kanila ay hindi ako pamilyar.
Mamayang alas nuebe ng umaga magsisimula ang chariot race. Each cabin have two representatives. Sa 'min naman ay sina Mavros at Dash. Hanggang ngayon ay hindi pa nakauwi sina Nkri at Dash galing sa misyon nila.
But they're both expected to return home today.
"I dragged those nasty sirens into the golden trap." Tuluyan ng nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Dash. "Kung hindi lang dahil sa plano ni Nkri, ewan ko na lang," he said.
Sumilip ako sa living room. There I saw Dash sitting on the sofa between Fuego and Blaze. Si Nkri naman ay nasa kabilang sofa. Her arms are crossed. Pinagitnaan naman siya nina Blei at Violeta. Mukhang gising na ata ang lahat.
Napalingon sila sa akin nang mapansin nila ang aking presensya.
"Good morning," I awkwardly greeted them. "What time you both arrived?" tanong ko sa dalawa.
Nkri and Dash flashed a smile. Pinakamalaki lang 'yong ngiti ni Dash kumpara kay Nkri. I smiled back. Mabilis na napawi iyon nang mapansin ko ang titig sa 'kin ni Mavros. My eyes went straight to the floor when my heart started to beat rapidly.
Mabilis akong napaangat ng tingin nang marinig kong may tumikhim. The boys were now teasing Mavros that made my forehead furrowed.
"Thirty minutes ago," it was Nkri who answered my question. Tumayo siya sa pagkakaupo't nilapitan ako. "You want coffee?" alok niya sa 'kin.
I nodded at her as a response. Pareho kaming pumunta sa kusina. Narinig ko naman ang mga yabag ng paang nakasunod sa 'ming dalawa. Ako na sana ang magtitimpla ng para sa akin. But Nkri insisted. Sumunod naman sina Erin at Chry na kumuha ng sa kanila.
"How are you?" tanong kaagad sa 'kin ni Nkri nang i-abot niya ang tasa. "I've heard you're our representative in capturing the flag later this afternoon," she added.
Bumalik ang takot na kagabi ko pa nararamdaman.
I heaved a deep sigh before responding. "Ayos lang naman ako. Sabi kasi ni Sir Michael, kailangan kong mag-participate para mabawi ko ang grades ko sa fight examination no'ng nakaraan." Tila may bumara sa lalamunan ko nang sabihin ko 'yon.
Napayuko na naman ako sa ulo ko. Napatitig ako sa laman ng tasa. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang takot ko para sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan hihinto ang malas na palaging dumarating sa buhay ko.
Nakakapagod na kasi.
Napaangat ako ng aking tingin nang hawakan ako ni Nkri sa kamay ko. Sumalubong sa akin ang nakakagaan niyang ngiti. Hindi ko inakalang nandito na pala sila lahat.
"I can complain to the school director if you don't want to participate," said Chry.
Napalunok ako ng laway dahil dito. My throat started to be clogged by something, preventing me to breath normally. Hindi ako nagpapahalata sa kanila. Tears are threatening me to escaped from my eyes.

BINABASA MO ANG
She's The Cursed Goddess
Fantasy✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Book 1 of Demigod Trilogy) (SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was born. Chantara Sabrina doesn't have a permanent surname. However, she...