06

1.6K 26 0
                                    

"Paano ba 'yan Shanaiah, highest ka na naman sa quiz natin,libre naman d'yan!"Pang-aasar ni Xandra habang naglalakad kami papuntang mall para bumili ng school supplies, nauubos na kasi ang mga gamit ko dahil sunod sunod ang gawain, kakatapos lang ng klase.

Si Klyde ay hindi muna sumama sa amin dahil nag uumpisa na naman s'yang mag training ng motorcross.

Isang linggo na rin kaming hindi nakakapag-vlog ni Drave dahil sunod-sunod ang school works ko, ganun din si Drave. Kaya minsan lang kami magkita, pero palagi parin akong inaalalayan ng body guard n'ya. Ngayon lang hindi dahil nag request ako na mag-iingat naman ako at may pupuntahan pa ako.

"Okay na sa'kin ang fishball sa tabi tabi,"pagpaparinig ni Xandra kaya napailing nalang ako, wala talagang patawad 'tong babaeng 'to. Mabuti nalang at naka shades ako at hoodie, hindi ako masyadong nakikilala ng mga tao.


Sakto naman na may nadaanan kaming nag titinda ng street food kaya kumain at tumambay muna kami doon.

"Ang sarap talaga ng libre, nakakalimutan ko ang hinagpis ng chemistry." Wala paring tigil ang bunganga ni Xandra habang kumakain ng tokneneng.

"Feeling ko kulang sa'kin ang tokneneng at siomai, pwede pa ba akong mag order shanaiah?" Makapal ang mukha na tanong ni Xandra, Go with the flow lang ako dahil minsan lang naman 'to.


Nang matapos kaming kumain ay bumili na ako ng yellow pad, ballpen at bondpaper dahil ako ang sponsor sa room namin, halos mga kaklase ko na nga ang umubos e. Nakakahiya naman kung hindi ako bibili ng bago.



Kanina ko pang napapansin na biglang nagbago ang mood ni Xandra habang nakakunot ang noo sa cellphone

"May problema ba?"Tanong ko

"Shaniah, pwede bang umuwi muna ako? Si Daphney kasi, yung aso ko. Ang tamlay daw sabi ni yaya, para daw may sakit."Nag-aalalang tanong ni Xandra at tumango naman ako agad dahil alam kong mahal na mahal n'ya ang aso n'yang iyon.


Noong matapos akong mamili ng school supplies ay naisipan ko munang dumaan sa coffee shop.

"One cappucino for Shaniah!"Tumayo na ako mula sa kinauupuan kong coffee shop table nang tawagin ng crew ang pangalan ko para kunin ang order kong kape.


"And One Iced coffee for Mr. Smith!" Sambit ulit ng crew ng makalapit ako para kunin ang order ko.

Akmang aalis na ako ngunit may humawak sa pulsuhan ko.


"Shaniah?" Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin na kumuha rin ng order n'ya sa crew. S'ya yata yung Mr. Smith

"D-Drave!" Bati ko ng ma-realize kung sino ang lalaking iyon at napalingon naman s'ya sa paligid, kagaya ko ay naka shades din s'ya.

"Are you alone?"Tanong n'ya

"Oo,"Sagot ko

"I will take you home, It's getting late." Hindi na ako naka tanggi dahil alam ko naman na pipilitin n'ya rin ako.

Habang nag da-drive s'ya ay nagtaka ako ng abutan n'ya ako ng isang ATM card.

"Para saan 'to?"Tanong ko habang pinagmamasdan iyon.


Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now