Maysa

78 2 2
                                    

“Insaaaaaaaan?!”

May pabirit talaga pag nagtatawag? Nakakasawa na rin pala tong pinsan kong to. Pwede kaya i- swap to palengke?

Sumakay ako sa bike ko, nilagay ko sa basket yung tumbler ko ng tubig. “Baket?!”

Lumabas si Sunoo. Muntik pa siyang madapa sa may pinto nila. “Anong baon mo tahdey?”

In-unlock niya ang kanyang bike bago sumunod sa kin.

“Tortang san marino. May empanada ba?”

Sinara niya ang gate then lumarga na kami sakay sa aming mga bike. Wala namang masyadong sasakyan ngayon dito sa subdivision namin.

“Bet ko ng potato empanada.”

“Meron. Puro may giniling naman. Niramihan mo ba ang kanin?”

Tumango ako. “Siyempre. Tinanong mo ba kay Dong kung anong dinala niya inumin?”

“Oo. Mountain dew daw. Hingi na lang tayo ng ice kina Ning.”

Ganito kami everyday. Siya si Sunoo, pinsan ko sa ama. At isa siyang proud na bading!

Sa akin ang kanin at ulam for lunch, kay Sunoo ang meryenda sa hapon at umaga at si Dongpyo - ang isa pa naming bespren, ay sa inumin.

Wala namang issue sa min yan kasi may-ari ng karinderya ang mga magulang namin ni Sunoo. Yung pwesto namin ay nasa harap ng university sa bayan.
Si Dong naman ay may pwesto na grocery store sa loob ng subdivision. Nasa bungad lang ang bahay nila kayamadadaanan namin siya.

Grade 12 na kami, at sa McBride High School kami nag-aaral. Ang school ng mga bading na kagaya
nina Sun at Dong.

Straight ako.

Straight na lumiliko papunta sa puso mo.

Sheeesh! Owshii~

“Tagal niyo ha! Di ko na maabutan yung crushie ko na nagli-lead ng zumba!”

Talagang inabot ni Dong
si Sunoo para kurutin. Nag-swerve pa kaliwa ang pinsan ko at muntik na matumba.
Naiiling na lang ako sa kanila.

Ako si Winter, isang grade-12 ABM student sa McBride High School. Wala namang something
special sa kin. Cute ako, yun lang. Hindi naman ako sikat sa school or whatsoever kasi maraming
magaganda at gwapo doon.
Natabunan ang ganda ko.

Chaz!

Ito nga.. pagpasok na pagpasok namin sa gate, may nagkukumpulan na naman. Nasa may parking
lot na kami.

“Ano na naman yan?” Sinulyapan ko ang dalawang baklang kasama ko. Gaya ko ay nila-
lock na rin nila ang kanilang mga bike.

“Artista ba yan?”

“Guuuuys!”

Nagsilingunan kaming lahat - oo pati yung mga nagkumpulan sa gilid - doon sa sumigaw. Si Ningning pala. Classmate namin to na varsity player. Hindi siya naka-uniform.

Aba?! May training na naman
sila?! Sana aaaall! Bakit kasi hindi ako sporty? Edi sana katulad din ako nitong si Ning na pa-excuse-excuse na lang.

“Bakit?” Sinabayan namin siyang maglakad papasok ng building ng senior high. Hinihingal pa siya.

Naka-jogging pants ito - yung may school logo.

“May training kayo?”

“Wala. May friendly game kami jan sa kabilang school.” Turo niya sa kanan.

Tumili naman tong dalawang bakla. Sinabunutan ni Sunoo si Ning. “Weh?! Pwede manood?!”

“Aray ko! Bwiset ka!” Inabot ni Ning ang pinsan ko ng palo. Tinuro niya si Dong. “Oh subukan mo!”

Spike Me, Zazzy!Where stories live. Discover now