Kabanata 08

159 6 0
                                    

Pinalipas namin ang oras nang magkasama sa bawat paglangoy, pagsisid, at paulit-ulit na pag-ahon. May mga pagkakataong humihinto ako para tingnan siya na bahagyang lumalayo sa akin papunta sa malalim na parte ng dagat.

Hindi ako gaano marunong lumangoy kaya hindi ako makasunod. Iniisip ko na lang na baka gusto niyang lumangoy nang mag-isa. Hindi ko tinatangging nag-aalala ako na may mangyari habang wala siya sa aking tabi, at kung mawala ang atensiyon ko sa kaniya.

Ang weird na ako ang hindi marunong lumangoy pero ako ang nagbabantay.

Ilang sandali, lumangoy na siya pabalik at marahang lumutang ng isang metro ang layo mula sa akin.

"Hindi mo ako sasamahan?"

"Saan?"

Natawa siya. "Dito, Kuting."


"Ah..." Nahihiya akong aminin na hindi ako marunong lumangoy sa malalim.

"Tara?"

Bumagal sa paningin ko ang mas paglapit niya nang marahan at maingat. Inabot niya ang aking braso pero binawi ko 'yon.

"Baka malunod tayo," sabi ko.

"Tiwala ka lang." Marahan niyang kinagat ang pang-ibaba niyang labi habang nasa katawan ko ang paningin. "Basta hayaan mong lumutang ka at 'wag kang mag-panic."

"Ayoko, ikaw na lang."

"Ericka ka, 'di ba?"

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko, ang random kasi. "Oo?"

Hindi siya nagsalita at nanatili ang titig sa akin.

"Actually, Ericka Kirsten."

"Ow..."

"Bakit?"

"Parang mas masarap sa ears 'yong Kirsten. Medyo hindi kumakapit sa 'yo 'yong Ericka. Puwedeng..." Kagat ang labi siyang ngumiti.

"Ano?"

"Kirsten na lang?"

"Tawag sa 'kin ng ex ko 'yan."

"Ay, bounce!"

"Okay lang," bawi ko. "Payag ako sa Kirsten."

Naroon ang pag-aalinlangan nang bumuntong-hininga siya. "Sure ka?"

"Oo nga po, Cydia. Hindi big deal kung 'yon ang tawag ng ex ko sa akin noon. Hindi na siya ang naaalala ko kapag naririnig ko ang second name ko, nag-joke lang ako."

"Pero curious ako, anong endearment niyo noon?"

Hindi ko inasahang itatanong niya 'yon kaya hindi ako agad nakasagot.

"Baby? Babe? Mahal?"

Namanhid ang mukha ko.

"Ang cute kaya ng endearments sa relationship. May times lang na nawawalan ng bisa kapag pati sa friends gano'n ang tinatawag."

TakasWhere stories live. Discover now