Kabanata VI

40 10 0
                                    

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa lugar na ito? Puno nang kulay at buhay. Preskong hangin at magandang tanawin. Tirik na ang araw ngunit mas nananaig ang malamig na simoy ng hangin kaya hindi ito masakit sa balat.

Unti-unti nang nagsialisan ang mga trabahador at nagtungo sa isang napakalaking pook kung saan panigurado sila namamahinga. Second floor ito at simple lamang.

Habang naglalakad ako sa bandang mga bulaklak ay may tumawag sa akin.

"Golden?" Boses iyon ni uncle Rodulfo kaya mabilis ko siyang nilingon. "Bakit naparito ka?" takhang tanong nito.

"Gusto ko lang pong mamasyal, uncle."

"Si Don Diego? Tapos ka na ba sa mga gawain mo sa loob? Hindi ka maaaring pumarito. Istriktong pinagbabawal iyon ng Don Tadeo."

Nagtataka naman akong tiningnan siya. "Istriktong pinagbabawal? Bakit naman po? 'Yong ibang sirvientas ay pwedeng pumarito tapos ako ay pinagbabawalan? Ang unfair, saka nakausap ko pa lang siya kanina, ang bait niya nga eh." Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman siya. Haisst, ang ganda talaga rito.

"Hindi mo naiintindihan ang sistema rito, Golden. Bumalik ka na bago ka pa makita ng hacendado," may banta ang kaniyang boses ngunit hindi ko siya pinakinggan.

"Alam kong nagtungo siya rito at alam kong nandito lang si Don Tadeo. Uncle Rodulfo, pwede naman kayong magkuwento tungkol sa lugar na ito eh. Kung paanong naging ganito kayaman ang hacienda." Balak ko talagang malaman ang kasaysayan nito at malalaman ko lang iyon kapag may nagkukwento.

"Isa sa pinakamahigpit na pinagbabawal ang pag-ukit sa kasaysayan nito, Golden. Maaari namin iyong ikamatay kaya hangga't maaari, huwag kang magpapaniwala sa kung ano lang ang nakikita mo," makahulugan niyang sabi dahilan upang medyo kilabutan ako. "Always remember that what you see have an untold story you wouldn't like to discover."

"Gusto ko pa ring malaman." Huminto ako at hinarap si uncle. "Mas gugustuhin ko pa ring mabuhay sa mapait na reyalidad kumpara sa matamis na kasinungalingan. Mas natututo kang magpakatatag at hindi sa pagiging marupok."

"Kung gusto mong maging ligtas ang lola Lolita mo, huwag mo nang susubukan pa." Paano naman naisali ang kaligtasan ng lola ko rito? Gaano ba kabigat ang tinatago ng hacienda na 'to?

"Uncle Rodulfo, hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo. Hindi ko alam kung bakit pa ako napadpad sa lugar na ito. Ano ba ang papel ko rito? Hindi ko pa rin kasi maintindihan hanggang ngayon eh, bakit kailangan ko pang pumunta rito para pagsilbihan ang alien na iyon at iwanan ang lola ko dahil lang sa pesteng pangyayaring hindi ko naman sinasadya? Dahil ba mas makapangyarihan ang taong iyon kaya ang dali niyong sabihin na dalhin ako rito at pagbantaan ang buhay ng lola ko para lang mapapayag niyo ako?" Tinuro ko ang sarili ko. Hindi ko na mapigilang hindi magtaas ng boses sa kaniya. Hindi ko rin namalayang naiyak na pala ako.

"Hindi ko kayang sagutin iyan. Ang mas mabuti pa ay bumalik ka na sa mansion. Hindi ka pwedeng makita ni Don Tadeo rito, pakiusap."

"Bakit? Ano ba ang mangyayari sa akin? Papatayin ba ako—"

"Golden, makinig ka na lang. Bawal ka rito." Madiin niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at bahagyang niyugyog. Saka pa lamang ako nakaramdam ng takot kaya dali-dali na akong tumakbo sa loob ng mansion habang umiiyak. Kasalanan ko bang soft hearted ako?

"Hermosa, you are crying again?" Bumungad kaagad sa akin si Señorito Joaquin. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng 'hermosa', ni hindi ko nga maintindihan kung ano ang kahulugan nun. "Anyway, wear this, Hermosa." Pinasuot niya sa akin ang pares ng sapatos kong binato ko kanina kay Don Diego.

"No te atrevas a llamarla 'hermosa'." (Don't you dare call her 'beautiful'.) Pareho kaming napalingon kay alien na nakasandal sa hawakan ng hagdan nang bigla itong magsalita.

Golden Amora [COMPLETED]Where stories live. Discover now